Ramdam kong may umaalog sa balikat ko pero wala pa ako sa wisyo magmulat at gumising. Masyado pa atang pagod ang katawan ko sa mga nangyari kaya pinili kong manatiling nakapikit at sumandal sa kung ano man 'tong sinasandalan ko.
"Gagawin ko ang lahat makalabas lang ng buhay sa paaralan na 'to," pakinig kong seryosong sabi ng lalaking katabi ko.
"Lalabas tayong anim ng buhay." Sa pagkakataong ito boses naman ng isang babae ang napakinggan ko.
Napaisip ako. Makakaya ba naming lumabas na anim ng buhay?
Paano kung ang labasan palabas sa paaralang ito ay ginawa para lamang sa isang tao?
"Lalabas tayong anim ng buhay," rinig kong sabi uli ng katabi ko.
Ilang segundong tumahimik at tanging naririnig ko na lamang ang kalampog sa paligid.
"Fiona, I know you're already awake." Bigla akong napaayos ng upo nang magrehistro sa utak ko kung kaninong boses iyon at dahil na rin sa kahihiyang nararamdaman ko dahil sa pagkakasandal ko sa kanya.
"Oh? Mukhang nagulat ka ata?" tanong nito na hindi ko na lamang pinansin. Tumayo ako at naglakad patungo sa box ko. Kumuha ako ng isang bote ng mineral water at ininom ito.
Dumako ang paningin ko sa mga kasama kong abala sa pag-aayos ng mga sarili. Nakita ko pa ang pagkilatis ni Marie sa hawak niyang kutsilyo.
Kung 'di ako nagkakamali eh si Marie ang kausap ni Gio kanina. Hindi naman kasi close si Gio at Princess kaya malabong mag-uusap ang dalawang 'yon.
Hindi na ako nag-abalang magpalit pa dahil alam kong maabutan na naman ako ng announcement no'ng babaeng Hapon na 'yon.
Gamit ang nakuha kong sling bag sa loob ng box ko ay agad akong kumuha ng supply ng gamot na sasapat.
Kumuha rin ako ng tatlong may iba't ibang laki ng kutsilyo. Tanging kustilyo lang ang weapon na available kaya no choice ako.
Maganda sana kung may hand gun man lang para sa long range combat. Mukhang mahirap kasi kapag kutsilyo. Kailangan mo pang malapitan 'yong kalaban mo to defeat him. Hindi tulad 'pag may baril ka, mapapatay mo siya kahit nasa malayo ka.
I wonder what will be the next round is.
Dumampot rin ako ng dalawang bote ng mineral water at isinilid ito sa bag ko.
But one thing caught my attention. Dinampot ko ito at pinagmasdan.
I am holding a mini plastic container na may lamang liquid or something na kulay red. Mga kasing laki lamang ito ng bote ng softdrinks.
Tiningnan ko pa uli 'yong box ko at nakita ko ang apat pang ganito, na may iba't ibang kulay; asul, itim, dilaw at berde.
Hindi ko man alam kung ano ito ay isinilid ko pa rin ito sa sling bag ko.
"Handa ka na?" Tumango na lang ako kay Gio at naglakad na palabas ng cafeteria.
Makaraan ang ilang segundo ay kasabay na namin sina Marie at Patrick at makaraa'y sina Drake at Princess.
Hindi man sinasabi ni Drake pero alam at ramdam kong hindi niya papabayaan si Princess, lalo na at siya ang pinakamatanda at si Princess ang pinakabata.
Tumingin naman ako sa gawi nina Patrick. Alam ko ring poprotektahan niya si Marie lalo na at napapansin kong nagkakamabutihan na sila.
Huli kong tiningnan si Gio. Kung tutuusin kayang kaya niyang maka-survive sa larong ito ng walang ibang inaasahan kung 'di ang sarili niya lamang. Lalo na at maabilidad ito at may taglay na lakas para proteksyunan ang kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Game of Death (Book 1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] Fiona Sasuke, a typical student that only wants her parent's time, got into a "game" wherein her enemies and her school started it. It is not a typical game because life was on the line. You lose and you'll die. In this game, she was wit...