Tahimik lang kaming tatlo nina Marie at Principal Kagami. Tanging ang mga putok lang ng baril galing sa cafeteria ang naririnig naming ingay.
Sana ayos lang sila.
Tiningnan ko si Principal Kagami, nakatulala sa kawalan.
"Makakauwi ba tayo?" pagsira ko sa katahimikan. Napagawi sa 'kin ang tingin nilang dalawa. Agad din namang nagbawi ng tingin si Marie at napabuntong hininga.
"Sa totoo lang..." Bakas sa mukha nito kung ano ang nais niyang sabihin.
"Hindi ko alam." I sighed.
"Si Princess!" napatayo kaming tatlo at nakita namin sina Patrick at Gio na buhat-buhat ang walang malay na si Princess.
Kinuha naman agad ito ni Marie at inihiga sa tabi niya. Dumako ang tingin ko kay Gio.
"Si Drake?" nakita ko kung paano dumaan ang lungkot sa mga mata niya bago bumuntong hininga.
"Wala na siya." Napaupo na lang akong ulit sa kinauupuan ko kanina at napahilamos ang kamay sa mukha.
Hindi ko pa naipoproseso sa utak ko ang mga nangyayari ng bigla na lang sumulpot kung saan ang mga lalaking naka itim at tinutukan kami ng baril.
"Shit!" I heard Gio's cursed as Mr. President stepped in the middle of the gun men.
Nakita ko pa ang pag abot ni Patrick kay Gio ng baril at kay Principal Kagami.
"Anong kailangan mo, Mr. President? Bakit hindi na lang ba natin pauwiin ang mga batang ito?" I saw the President chuckled by Principal's words.
"'Pag pinalabas ko sila, for sure magsusumbong 'yan. For sure damay ako."
"Damay ka naman talaga!" mariing sabi ni Principal sa kanya. Itinutok ng mga lalaking may baril kay Principal ang mga baril nila.
"Alam ko kaya nga nililinis ko ang mga ebidensya." Ngumiti ito na parang demonyong nakatingin sa amin. Pinanlisikan ko siya ng tingin.
"Kayo na ang bahala sa mga 'yan," saad ng Presidente sa mga lalaki bago ito umalis at iniwan kami.
Naalarma kami ng bigla silang humakbang palapit sa amin.
"Mga estudyante ang mga ito. Kaya niyo bang pumatay ng bata?" pangongonsensya ni Principal.
Nagtinginan ang mga lalaki. Tila nag-uusap ng mata sa mata.
"Sumusunod lang kami sa utos ng Presidente," saad ng isa sa kanila.
Akmang hahakbang na ito palapit sa amim nang bigla na lang itong humandusay sa harap namin.
Maging kami ay nagulantang ng bigla itong hatawin ng isa sa mga lalaki ng baril nitong hawak sa ulo.
Sinenyasan nito kami na tumakbo palayo na siya naman naming ginawa.
"Salamat. Tatanawin namin itong malaking utang na loob." Tumango ang mga ito sa amin at patakbong umalis.
Nang nakakalayo na kami ay bigla kong naalala ang mga magulang namin.
"Mauna na kayo," mariing sabi ko kaya napatigil silang lahat sa paglalakad.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Gio sa akin.
"Pupuntahan ko ang mga magulang natin. Nasa second floor silang lahat."
"Samahan na kita." Napatingin ako kay Gio na ibinigay ang bitbit niyang natutulog na si Princess kay Patrick.
"Sarado ang classroom na 'yon. Nasa opisina ko ang susi," ani Principal Kagami. Hindi ko na rin pinasama si Principal Kagami dahil kailangan pa ring may kasama sina Marie at Princess.
BINABASA MO ANG
Game of Death (Book 1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] Fiona Sasuke, a typical student that only wants her parent's time, got into a "game" wherein her enemies and her school started it. It is not a typical game because life was on the line. You lose and you'll die. In this game, she was wit...