[Gio's]
"Oh, Gio? Papasok ka na ba?" tanong ni Papa sa akin pagkababa na pagkababa ko ng hagdan. Tinanguan ko lamang ito at dumiretso sa kusina at kumuha ng isang sandwich na nasa mesa.
"Your mom sent a letter last week 'di ba? Nabasa mo na ba?" He asked me kaya bigla akong napatigil. I never read her letters. It's just a waste of time and effort.
I heard him sighed when I ignored his question at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kotse ko.
Papasok na sana ako sa driver seat ng biglang patakbong lumapit si Papa at may inabot na isang malaking tumblr na may lamang tubig.
"What's this?" I asked. It's just out of the blue na bigla na lang siyang magpapadala ng tubig because in the first place I never brought one.
"Kakailanganin mo 'to anak. I also put some bottled water sa compartment. Parada mo kotse mo sa malapit sa may school ground." Confused but I tried to ignore him.
Pumasok na ako sa kotse ko at inilagay sa katabing seat ang tubig but then bigla na lang kumatok si Papa sa may window sheild kaya nama'y ibinaba ko ito.
"I am going to cook your favorite Adobo so go home, okay?" My Papa is in weird state today I guess. Mukhang uminom na naman ata ito kagabi. Tinanguan ko ito at ini-start na ang makina ng kotse ko at nagsimula nang mag-drive.
Mula ng iwan kami ni Mama three years ago, madami na ang nagbago. Si Dad na dating hindi mo mapapatikim ng alak ay naging lasenggo at tila naging alak ang tanging kasangga nito para labanan ang lungkot.
Ako naman na dati'y maingay at puro sigla sa katawan ay biglang naging isang mailap na hayop.
Laking pasalamat ko pa rin at hindi nagawang pabayaan ni Papa ang kompanya namin kaya heto pa rin kami sa kung anong estado namin noon.
Pero masasabi kong hindi kami masayang dalawa ni Papa. Iba pa rin kasi ang presemce ng bahay 'pag nandiyan si Mama.
Kung wala lang siguro kaming mga katulong ay baka inagiw na ang bahay namin dahil halos sa opisina na natutulog si Daddy.
He always makes himself busy - except today. Nasa bahay siya at parang nagre-relax na he barely does.
Sa loob ng tatlong taong wala si Mama, wala naman akong nababalitaang nagkaroon ng kalaguyo si Papa. Isang bagay na ipinagpapasalamat ko dahil alam kong mahal niya pa rin si Mama.
Pero galit ako sa kanya.
How dare she leaves us without saying any more doubtless reason? Basta na lang siyang umalis ng walang pasabi, walang false alarm, ni sulat eh wala man lang itong iniwan.
Wala man lang isang tawag o text man lang na galing sa kanya.
Ni hindi nga namin alam kung buhay pa ba siya o patay na eh.
Wala siyang kwenta.
Pero biglang nangyari ang mga kahindik-hindik na pangyayari ng dumating ako sa classroom.
Ang pagkamatay ng mga kaklase ko, ang eksena sa theatre room, ang paghahabulan sa Gymnasium at ang biglaang pagdating ng ina ko sa cafeteria.
"A-Anak!" sabi nito pagkalapag na pagkalapag ng dala nitong food tray sa lamesa.
Hindi ko na lamang ito inimikan at nagsimula ng kumain. Adobo ang dala niya, hindi ko maipagkakailang namiss ko ang lasa ng luto niya.
Magkaiba kasi sila ng way ng pagluluto ni Papa and to be honest I like Mama's version more.
BINABASA MO ANG
Game of Death (Book 1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] Fiona Sasuke, a typical student that only wants her parent's time, got into a "game" wherein her enemies and her school started it. It is not a typical game because life was on the line. You lose and you'll die. In this game, she was wit...