Chapter 9(Highschool)

73 54 8
                                    

Celina's POV


Alam niyo ba?

Naalala ko lang.. Nung grade 7 ako pinag-aralan namin ito..




" Isang Dosenang Klase ng High School




(Halaw sa librong ABNKKBSNPLAko?!)



Ni: Bob Ong


Clowns- Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng mga teacher, eto raw 'yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino e idinadaan nalang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung mayroon man, magiging matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskwela araw-araw.

Geeks- Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi. Kahit na mainit ang ulo at badtrip ang teacher, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang resulta ng equation kung isa-substitute 'yung value ng X sa Y.


Hollow Man- May dalawang uri ng HM virus, ang type A at type B. Ang type A ay mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type B naman ang mga mag-aaral na bagama't present e invisible naman madalas ang sagot sa mga quiz, hollow ang utak.


Spice Girls- Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break. Madalas na may hawak na suklay, brush at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase, laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.


Da Gwapings- Ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute. Konti lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng mga utak ng mga DG.


Celebrities- Politicians, athletes, at performers. Politicians ang mga palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskwelahan at kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitirian na kung gaano kabilis tumakbo e ganoon din kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyanteng kaya lang yata pumapasok sa eskwela e para makasayaw, makakanta, at makatula sa stage sa tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan, ang mga celebreties ay may matinding PR, pero mababang IQ.


Guinnees- Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahit na mali ang sagot.


Leather Goods- Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang balat ng buwaya sa pakapalan.


Weirdos- Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian. Konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang grades, at teacher's enemy.


Mga Anak ni Rizal- Ang endangered species sa eskwelahan. Straight 'A' students, pero well rounded at hindi geeks. Teacher's pet, pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science, at English, pero may oras pa rin sa konting extra-curricular activities at gimmicks.

Bob Ongs- Mga medyo matino na medyo may sayad. Eto 'yung estudyanteng habang nagle-lecture 'yung teacher e pinaplano na 'yung librong ipa-publish nya tungkol sa mga classmates n'ya.

Commoners- Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila. "


Nakakatawa mang isipin pero meron talagang ganito.. Habang tinitignan ko ang mga students dito sa DELA VEGAS ACADEMY.


Kayo ba mga readers ano klase kayo ng highschool students dati? Comment nalang kayo..


<inaagawan mo ko ng tanong Celina ah.. Tsk>

Ikaw ba Miss Author anong klase ka ng Highschool student dati?

< Nung una Guinnees palang ako nung grade 7ako pero naging Mga Anak ni Rizal na ako.. Hihi>



AH...


"Celina ano naman kinukwento mo dyan? " tanong ni Renzo.



"Yung isang dosenang klase ng highschool students. 😂" sagot ko..



"Ahh.. " Sabi niya..


"ATTENTION DELA VEGAS STUDENTS... This day we are gatthering the groupings for the UPCOMING sportsfest so PLEASE PROCEED TO YOUR RESPECTIVE ROOMS RIGHT NOW!"



Hula ko si Sir kalbo yun este Sir Dimaculangan.. Haha..



"Uy bakit ka ngumingiti dyan Celina?" tanong ni renzo..


"Haha.. Hinulaan ko lang kung sinong nagsalita.. " sabi ko..
"Si Sir.Kalbo yun.. Este Mr. Dimaculangan.. "Sabi ni renzo tas nagtawanan na kami..

"Ano nanaman ba kaya problema nila sa sportsfest lagi naman by section ang mag kakasama eh.. Tsk"sabi ko.

"Yaan mo na Lin." sabi ni renzo

Nagtataka lang ako.. Hehe.. Masama ba?


Author's Note: May problema kaya sa Sportfest nila? Let's find out sa next chapter.. Wait for my update tomorrow.. Keep reading my dearest readers.. Please vote and comment. Thanks.. 💋
»My dearest readers..  Di po ko makaUPdate ngayon pagod po ko galing byahe tomorrow po ah gagawin ko na yung update.. Keep reading po ah😊..  Thanks.💋

When Nerdy Girl Meets Nerdy Boy [Filipino Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon