Episode 11
TANYA'S POV
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Mukhang napasarap ang tulog ko ha!
Inunat ko ang mga braso ko at dahan-dahan akong umupo. Kinusat ang aking mga mata. Hay! Inaantok pa ko!
Napatingin ako sa cellphone kong umiilaw na nasa study table ko. Mukhang may nagtext o may tumatawag sa akin.
Tumayo ako para kunin ang cellphone at isang tawag ang naka-rehistro. Huh? Unknown number? Sino naman 'to? Baka scammer lang 'to.
Pero, dahil isa akong diehard sa kdrama baka ito na ang chance kong magka-lovelife. 'Yong feeling na wrong number pero kayo pala ang para sa isa't isa. Wiiiih! Destiny! Kinikilig ako Myghad!
Pinigilan ko ang sarili ko na kiligin. Pinindot ko ang accept.
"Hello?" Who's this?" Eh? Bakit walang sumasagot?
"Hello? Who's this? Yuhooo! Sino 'to?" Wala pa rin sumasagot. Ano ba 'to? Nangtitrip lang yata 'to eh!
May narinig akong mga bumisina. Eh? Nagdadrive ba siya? Diba bawal n'yon? Baka mahuli pa siya o di kaya maaksidente. T-tapos ako ang sisisihin kasi ako ang huling nakausap niya. Ohmyghad!
"Hoy! Kung sino ka man, please lang 'wag kang tumawag habang nagmamaneho ka ha. Nakuuuuuu! Ayokong makulong!! Hindi naman..."
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita siya "Good morning Tanya. Eat well." Eeehhh? Bakit kilala niya ako? Admirer ko ba siya?
Sasagot pa sana ako ng binaba niya ang tawag. "Hoy! Bakit mo binaba agad?! Huhuhu! Baka ikaw na ang destiny ko. Huhuhu!" Sabi ko sa cellphone ko.
Pero, parang nakilala ko ang boses niya. Siya ba nyon? Paano naman niya nalaman cell number ko?
Hindi pa ako nakaka-getover ng may tumawag ulit, sa puntong ito si sunshine na ang tumatawag.
Magsasalita pa lang sana ako ng unahan niya ako.
"Hoy Tanya! Nasaan ka na ba ha? Kanina ka pa hinahanap ni Klein dito. May meeting daw kayo. Ikaw na lang ang wala. Hoy babae..."
Napatingin ako sa orasan ko. Waaaaaah! I'm dead! 10am na pala! May pasok akong 8am. Shock! Patay talaga nito.
"Teka lang sunshine! Late akong nagising. Huhuhu! Ito na maliligo na ako. Wait lang!" Sabi ko kay sunshine habang inaayos ko na ang uniform ko.
"Bilisan mo ha! Ikaw talaga Tanya! Mukhang nag-kdrama marathon ka na naman!"
Hindi ko na siya pinansin. Pinabayaan ko na lang na magsalita siya sa cellphone, basta ako maliligo na. Dead na dead talaga ako nito.
* * * * *
"Ano Tanya? Bakit late ka ngayon, hah?!" Ito ang bumungad sa akin ng makarating ako sa school.
Aminado naman na late ako natulog. Pero, dahil nag-aral ako. Hindi dahil nanood ako ng kdrama. Namimiss kona nga si Wang Soo sa Scarlet heart. Kailan ba ako magiging free? Waaaaaah! Kainis.
Umupo na lang ako sa pwesto ko, kaysa naman pakinggan ang aking Nanay na si sunshine.
"Oy girl! Ano ngaaaa? Bakit late ka ha?!" Urgh! Ayan na naman siya! Lakas talaga niya maka-nanay. .
"Napagod nga ako kakaaral. Tapos hindi ko pala na-set n'yong alarm clock ko. Hays! Kainis." Sagot ko sa kanya. Niyon naman ang totoo eh.
Umubob ako sa desk ko, inaantok pa talaga ako.
BINABASA MO ANG
Finally, Its You (Chris Ellis) [COMPLETED]✔
Fiksi PenggemarRank #1 - PBA Rank #2 - Ginebra May babaeng ubod ng ganda. May lalaking sobrang gwapo. May lalaking ubod ng sungit. May babaeng ubod ng daldal May lalaking sobrang tahimik May babaeng kung mag-fangirl sa kdrama ay wagas May lalaking sentro ng buha...