Episode 16.
TANYA'S POV
Nakatingin pa rin ako ngayon sa jersey niya na binato sa akin. Ano gagamitin niya ngayon kung nasa akin 'to? May topak din 'yon.
Umiling ako sa sinabi ko.
Sumunod na ako kina mom, dad, Tito Robert and Tita Suzette.
Dumiretso kami sa Green gate. Basa ko sa taas nito.
Nilibot ko ang tingin ko sa lugar na ito, ang daming tao. Mukhang mapupuno ang lugar na ito.
"Honey, come on, papasok na tayo." Tawag sa akin ni mom.
Lumapit na ako sa kanya at pumila sa kahaba-habang pili nito. Dapat nasa bahay ako at nanonood kung hindi lang magagalit sina mom at dad.
Dapat nakita ko ngayon ang napakagwapong mukha ni Yoo Seung-Ho. May bagong asawa na ulit ako. Hihihi.
Nakapasok na kami at binigay ang ticket sa isa pang nag-iinspeksyon. Nang makita ang aming mga ticket, tumabi siya sa gilid at pinadaan kami.
"Mom, bibili po muna ako ng maiinom ko." Sabi ko kay mom habang naglalakad kami.
"Okay, Bilisan mo,ha! Itetext kita kung nasa'n kami. Ito ang ticket mo." Binigay sa akin ni mom 'yung ticket.
Habang naghahanap ako ng mabibili ko, nasa kaliwang braso ko naman ng jersey ni chris. Halos lahat ng nakakasalubong ko puro naka-red shirt at may mga nakalagay pa rito na NEVER SAY DIE.
Pumila ako rito sa potato corner, bigla kasi ako nagcrave sa potato. Favorite ko kasi ang potato. Hihihi. Ako kasi si Sarah.
Nang makabili na ako at ng maiinom ko, umalis na ako roon dahil sobrang daming tao.
T-teka? Saan ba ako dadaan? May nakita akong pinto at papasok na sana ng may humarang sa akin.
Isang lalaki na nakasuot na kulay red at black na color na damit at may hawak itong isang bagay na parang pantatak. Base sa itsura niya mukhang taga-assist siya ng mga nanonood.
"Miss, patingin po ng ticket niyo." Malumanay na sabi niya sa akin.
Kinuha ko ang ticket ko na nasa bulsa ng skirt ko at pinakita ito roon.
Tinignan niya ito, "miss, doon po ang pwesto niyo. Enjoy the game!" Turo niya sa hindi ko malaman kung saan siya nakaturo. Tumango na lang ako rito ng ibalik niya ang ticket ko.
Urgh! San rito ang pwesto namin. Lumilinga-linga baka makita ko si mom pero hindi ko sila makita sa sobrang daming tao.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si mom, ilang ring pa at sinagot ba niya ito.
"Honey, where are you? Malapit na matapos ang game na ito. Sunod na ang koponan nila Chris."
Bumuntong hininga ako, "Mom, I'm lost. Nasan ba kayo? Hindi ko kayo makita."
Hindi agad nagsalita si mom, at narinig ko itong nagtanong kay dad kung sa'n kami malapit.
"Honey, malapit kami sa mga player at ng mga referee."
Sa pagkasabi ni mom nu'n, nakita ko na sila, "Okay, mom. Nakita ko na po kayo. I hang-up this." Pinatay ko na ang tawag.
Lumakad na ako sa pwesto nila, "Excuse me po. Thank you!"
"Nandito ka na pala, Honey. Dito ka maupo." Nasa kanan ako ni mom habang nasa kaliwa niya si tita Suzette.
Malapit nga kami sa mga player, isang row lang pagitan ng mga ito sa amin. Sobrang lapit namin, naiilang ako. Baka tumama rito 'yong bola. Ako pa naman nasa dulo ng row na ito.
BINABASA MO ANG
Finally, Its You (Chris Ellis) [COMPLETED]✔
FanfictionRank #1 - PBA Rank #2 - Ginebra May babaeng ubod ng ganda. May lalaking sobrang gwapo. May lalaking ubod ng sungit. May babaeng ubod ng daldal May lalaking sobrang tahimik May babaeng kung mag-fangirl sa kdrama ay wagas May lalaking sentro ng buha...