Chapter 10:
THIRD PERSON'S POV
Maagang gumising si Chris dala na rin siguro sa maaga niyang pagtulog kahapon. Pumupungay pa ang mga mata niya dala ng mahabang pagtulog niya.
Bumaba siya at pumunta sa kusina habang kinukusot ang mga mata niya. Nang mahismasmasan siya dahil naghilamos siya, nakita niya ang isang bucket na chicken, 2 rice and softdrinks sa lamesa na may kasamang notes.
Binasa niya ang notes 'Chris, this is for you. Eat well! PS: Bumangon ka na, 'wag kang tulog ng tulog.'"What the 'bumangon ka na? Wag kang tulog na tulog' is? I don't know what the meaning of this." sabi ni chris sa sarili.
Kumuha siya ng pinggan, kutsara't tinidor at kumain na siya. Habang kumakain, may nag-pop out sa cellphone niya Coach Tim Cone ang nakalagay na name.
From: Coach Tim Cone:
We have a practice today. 11pm at Upperdeck. Sharp!"Urgh! What the hell!! It's already 8am then our practice will be 11am? Really? Come on!" napakamot na lang siya sa kanyang batok at umakyat ulit para makapag-ayos na siya.
Mabilis siyang nag-ayos kahit malapit na ang bahay na tinitirahan niya. Dapat maging maaga pa rin ang pagdating niya para makapag-practice pa siya ng shooting.
Lumabas siya ng kanyang kwarto, nakasuot lamang siya ng tokong, simpleng shirt at rubber shoes.
Nang mapadaan siya sa kwarto ni Tanya huminto siya at balak niya sana kumatok pero pinigilan niya ang kanyang sarili. 'I need to thanked her for the food...' kausap niya sa kanyang sarili.
Bumaba siya. Nang makababa may nakita siyang sticky notes at ballpen sa tabi ng telephone. Kumuha siya nito at nagsulat.
Pagkatapos niyan magsulat, umakyat ulit siya at dinikit ito sa pinto ni Tanya. 'I wish, she can see and read that." bulong niya.
Nang mailagay niya ang sticky note sa pinto ni Tanya, Bumaba na siya at lumabas ng bahay. Sinigurado niya na naka-lock ang pinto ng lumabas siya. Para rin sa seguridad ni Tanya.
Nang masiguradong ayos na ang lahat, nagdrive na siya papuntang upperdeck.
.
.
.
.Nakarating si Chris sa upperdeck ng bandang 9:45 am, malapit lang kasi siya rito. Walang pang 30mins ang byinahe niya papunta sa upperdeck.
Nang makarating sa court ng upperdeck, agad siyang nagpalit ng practice jersey nila.
Siya ang unang nakarating sa Upperdeck, nagpractice muna siya ng shooting para mahasa pa niya lalo ito.
Habang tumatagal siya sa pagpapractice, isa-isa dumadating ang mga ka-teammates niya. Sumasali rin ang mga ito sa pagshoshooting ni Chris.
Umupo si Chris sa kadahilanang pagod na siya. Nang maka-upo, siya naman tabi sa kanya ni Greg Slaughter.
"Brod, early bird. Ah-huh!" Pang-aasar ni Greg sa kaibigan.
"Tss. It's okay to come early than late,Greg." pang-aasar din ni Chris sa kaibigan.
"Oh come oh! Coach Tim, has texted this early morning. So, what do you expect? Anw, your new house is nearly here. " sagot ni Greg habang may nilalagay sa bandang braso niya na parang tape.
"That's the advantage if you have a house and/or condominium nearby to this gym." he shrugged his shoulder then he walk away to go comfort room.
.
.
.
.Puro tunog ng mga sapatos ang maririnig sa loob ng court. Mga sapatos na alam mong puspusan ang practice para sa mga susunod nila game.
Halos tatlong oras silang nagpractice para paghandaan ang susunod nilang game na gaganapin sa Sunday against NLEX.
Para sa team ng Ginebra, walang madaling kalaban dahil halos lahat ng team ay naglelevel-up at may gustong patunayan sa mga fans nila.
"GINEBRA! *Clap! Clap!*" Hudyat na tapos na ang practice ng team.
Bumilog ang buong team at sabay-sabay silang nanalangin.
Nang matapos ang practice, pumunta siya sa bag niya at kinuha ang towel at ang tubig niya. Halos hingalin silang lahat dahil sa intense ng practice nila.
Nang makainom, kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag at tinignan kung nagtext na ba siya. Pero, nadismaya lang ang binata. Nang wala siyang natanggap na text mula rito.
'Urgh! What the! Why I waiting for her text? Urgh! Maybe she's asleep so that she didn't text yet. Maybe..." sabi niya sa sarili niya.
"Uy Bro! What's that face? Are you waiting for someone?" usisang tanong ni Aljon Mariano sa kanya.
"Huh?" sa sinabi ni aljon, niyan lang ang sinagot niya.
"Ang sabi ko, are you waiting for someone?" ulit ni Aljon sa kanyang tanong.
"Nothing." plain na sagot ni chris sabay tago niya ng cellphone sa bag niya.
"Nothing daw. Mukhang may hinihintay kang mahalagang tao na magtext o tumawag sayo..." mahinang sabi ni Aljon sa kanya. Pero, hindi ito narinig ni Chris.
Tumayo si Chris at pumunta sa cr. Nang matapos ay naka-bihis na siya at mukhang bagong ligo.
"Chris, are you going home? Too early pa." sabi sa kanya ni Japeth.
"Yes. I'm going to my parents house..." sagot ni chris kay japeth habang inaayos na niya ang kanyang bag.
"Ah-okay. Keep safe."
Hindi na sumagot si Chris, kumaway na lang ito kay Japeth at lumabas na siya sa court.
Nang makalabas ng upperdeck, sinalubong siya ng mga fans niya na sumusuporta sa kanya.
May isang fan na lumapit sa kanya. "Hi Chris? Can we have a video greet to our fandom, Chris Ellis girlfriends." tanong ng isang babae na halatang idol na idol niya si Chris dahil ang kanyang damit ay mukha ni chris ang naka-print.
"Oh sure." masiglang sabi niya sa tagahanga.
"Hi Chris Ellis Girlfriends, thank you to unending love and support to me. Thank you so much. Mahal ko kayo!" sabi niya habang nakaharap sa isang camera.
"Thank you chris! Thank you!" masayang sabi ng tagahanga.
Nang matapos magsawa ang mga fans niya sa pagpipicture sa kanya, roon lamang siya nakaalis.
Habang nasa byahe, isa lang ang nasa isip niya 'Is she awake now o asleep? I wish she see that sticky note thingy.'
- end of chapter 10 -
A/N:
Ngayon lang nagkaroon ng update dito. Huhuhu. Nawawalan kasi ako ng ganang Mag-update dito. Wala man lang akong votes na nakukuha. Bigyan niyo ko ng motivation, pwera roon na magbabalik DAW si Chris sa ginebra. N'yon nga ang dahilan bat nag-update ako Hehehe. SANA, BUMALIK SIYA!🙏Thank you guys sa mga nagbabasa nito!❤
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
THANK YOU!💕❤
BINABASA MO ANG
Finally, Its You (Chris Ellis) [COMPLETED]✔
FanficRank #1 - PBA Rank #2 - Ginebra May babaeng ubod ng ganda. May lalaking sobrang gwapo. May lalaking ubod ng sungit. May babaeng ubod ng daldal May lalaking sobrang tahimik May babaeng kung mag-fangirl sa kdrama ay wagas May lalaking sentro ng buha...