EPISODE 8

147 10 0
                                    

Episode 8:

TANYA'S POV


Nandito na ako sa classroom namin. Napaaga ako ng pasok dahil sa nangyari kanina.

Kruuuu!! Kruuuu!! Nagugutom na akooooo! Ang tagal naman ni sunshine!! Niyong alaga ko gutom naaaaa! Kasalanan talaga ng Chris na n'yon eh, kung dahil sa kanya hindi ako magugutom! Napapapadyak na lang ako dahil sa Inis ng maalala ko ang nangyari kanina.

Flashback:

"YOU/IKAW?" Sabay naming sabi sa isa't isa.

Lumaki ang aming mga mata ng makita namin ang isa't isa. 

"Bakit ka nandito? Bahay ko 'to!" sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ko pa rin ang walis.

"What you say?" naiinis niyang sabi.

Siguro hindi niya maintindihan niyong sinabi ko kanina. Manigas siya!

"What you say! What you say! He! Manahimik ka! Bakit nandito ka? Bahay ko 'to! Baka naman stalker kita. Ewwww!"

"Urgh! Please speak in English! Da f*ck! I don't know what you say. And what stalker?" naiinis niyang sabi.

Nakuuuuuu! Mukhang bubuga na siya ng apoy dahil namumula na niyong mukha niya.

"Nakakainis! I said, why are you here? This is my house! THIS IS MY HOUSE! and, what the! Stalker? You don't know what stalker means? IKAW NIYON!"

Mukhang bubuga na rin ako ng apoy! Dahil nararamdaman kong namumula na rin ang magkabilang pisngi ko dahil sa Inis.

"What you say? This is my house! Mom, gave me a key to this house! Then I accept it because this is near to our practice venue! Look at this."

After niyang magsalita, may inaabot siyang isang papel? Kinuha ko ito para matapos na. Then, ang papel na hawak ko ay isang KATIBAYAN NG BAHAY! Bakit mayroon siya nito?

Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa kanya at dito sa hawak kong papel. Kinikilatis ko pa ito, baka kasi fake 'tong hawak ko at nililinlang lang ako. PERO WALA!! WALA AKONG MAKITA! TUNAY 'TO! MAY DRY SEAL PA OH!

"What?" sabi niya sa akin. Hindi ko siya pinansin, tumakbo ako paakyat sa kwarto ko kung nasaan ang Katibayan ng pamamahay na ito.

Pakaakyat ko, lumapit agad ako sa cabinet ko at kinuha ang envelope. Nandito rin niyong akin.

Bumalik ako kung saan ko iniwan si Chris na nakaupo na ngayon.

Kinuha ko ulit niyong sa kanya na  nabitawan ko pala kanina nang tumakbo ako.

Pinagkumpara ko ang hawak kong papel sa hawak niyang papel. Pero, walang pinagkaiba! Parehas na parehas. Parehong may dry seal pa. Ano ito? Paanong nangyari 'to?

Finally, Its You (Chris Ellis) [COMPLETED]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon