Episode One:
Wattalife! Mabuhay Pilipinas! Ang ganda ng gising ko. Kasing ganda ko. Anw, Magpapakilala pala muna ako. My name is Tanya Marie Go. Unica hija ng Pamilyang Go. Sunod sa luho. Ang target ko ngayon ay ang hinihiling kong bahay. Gift nila niyon for may graduation.
Simple lang naman ako,e, hindi ako katulad ng ibang mayayaman na maarte.
Ang gusto ko lang naman para mabuhay sa mundong ito ay ang KDrama at wattpad. Dahil dito natatakasan ko ang reality.
I'm the girl who wants to escaped the reality. Hindi dahil broken family kami. Actually, Maayos at masaya ang pamilya ko. Kundi dahil wala akong friend. May kaibigan ako pero nasa ibang bansa na siya. Nag-migrate na sila.
Anw, nandito ako ngayon sa dinner table. Kumakain na ako ng breakfast. Hays! Ito ang mahirap pag maaga ang klase mo. Inaantok pa ako. Paano naman kasi 2am ko na natapos yung
Let's fight ghost. Gosh, ang gwapo ni Taecyeon. Waaaaaah! Kinikilig na naman ako. Kaya ito ako ngayon puyat. Bangag akong papasok sa school. Gosh!"Darling, finish your food. You gonna be late in your school. Ubusin mo na niyan." tumango na lang ako kay Mommy.
"Honey, are you okay? You look like zombie." Napatingin ako kay Daddy dahil sa sinabi niya. Really? I'm look like zombie na ba? Gosh!! Okay lang matatakpan naman siguro niyan ng concealer.
"Yas, Dad I'm okay. Actually, tinapos ko lang yung kdramang pinapanood ko kagabi. You know dad, taecyeon is so handsome. I think we're meant to be." Kinikilig kong sabi kay Daddy. Hihihi.
I look to my dad, His eyes are widely open. Uh-uh! I'm doomed now.
"TANYA MARIE GO! Whose Taecyeon? I told you na no boyfriend hanggat hindi ka pa grumagraduate." Hysterical na sabi ni Daddy.
I look at my Mom, My mom is so beautiful. Para siyang anghel na binaba dito sa lupa. Hays! Sayang hindi ko nakuha yung mukha ni mom. Kamukha raw kasi ako ni Daddy.
"Honey, Chill lang. Taecyeon is a Kpop idol. Hindi naman sila magkikita. Taecyeon is based on south Korea while our daughter is in here. Right, Tanya?" Sabi ni mom na nakatingin na sa akin. Habang pinapahinahon niya si Daddy. Wow mom! Thank you ha. Umaasa na nga lang ako eh.
"Yes Daddy. Besides, I promised to you na no boyfriend hanggat hindi ako grumagraduate. And dad, taecyeon is one of my bias." I giggle habang nagsasalita ako.
"I forgot na your kdrama addict. Hindi pa rin ako sanay na makita kang may kasama kang lalaki bukod sa akin. Lalo na malapit mo na makikilala si Chris..." parang may sinabi si Daddy na name.
"Huh? Daddy? May sinasabi ka pa po ba?" Tanong ko baka kasi may tanong pa siya eh.
"Nothing,darling. Just go to your room then take a shower. Malalate ka na niyan." nataranta ako kay Daddy. Wait, what time na ba? Myghad, 7am naaaaa! 8am first subject ko.
Hindi na ako nakapag-alam kina mom and daddy. Dali-dali akong tumakbo sa loob ng kwarto ko para maligo at makapaghanda sa klase. Gosh! Sana hindi ako ma-late.
7:30am, natapos ako sa pag-aayos. And now, I'm on the way to school.
Waaaaaah! Sana hindi traffic.***
"Okay, that's for today." sabi ng prof namin sa marketing.
Buti na lang hindi ako na-late kanina. Terror pa naman yung Prof naming nyon. Kahit late ka ng 1 min hindi kana papapasukin. Buti nalang umabot ako, 2 mins na lang kanina bell na.
Ngayon, nandito pa rin ako sa classroom namin, may next subject pa kami bago ang vacant/breaktime then isang subject then uwian na!
Sa araw na ito, halos lahat ng subject namin ngayon ay major. Kaya kailangan pasukan. Miss kona si taecyeon.
Iniisip ko na kung anong kdrama naman papanoorin ko mamaya. 'W' Kaya o Goblin?
Habang namimili ako kung ano ang papanoorin ko, nang biglang dumating si prof.
Salita lang siya salita about sa subject niya. Ito naman kami, tumatango na lang habang nagsusulat. Ang iba naman ay nagseselpon ng palihim. May iba naman nag-COC. Shocks! Kapag sila nahuli lagot sila.
Hindi ko namamalayan na tapos na pala magturo si prof. Hay! Buti naman!
"Bago akong umalis, bukas may long quiz kayo sa subject ko. Goodbye." pagkatapos sabihin ni prof niyan lumabas na siya ng dire-diretso.
So, lahat kami nakabusangot ang pagmumukha. What the? So, kailangan ko magreview mamaya. No kdrama later. Hays!
"Whaaaaat? I have appointment pa naman sa salon later."
"Ang KJ ni sir."
"I have a date later."
"Dude, cancel na muna natin yung basketball"
Puro rants yung naririnig ko sa mga classmates ko. Pero sang-ayon ako sa isa, ang KJ ni sir. Haha
"Tanya, nasundan mo ba si sir kanina? Sobrang bilis kasi niyang magsalita eh." Sabi ni Sunshine sa akin. Tinuturing ko siyang nerd pero hindi naman na typically na nerd na may suot na salamin at naka-pigtails. Nope, simple lang si sunshine. Maganda pero lagi niyang gustong kasama ang mga books niya.
Binigay ko ang notes ko sa kanya. Buti nalang talaga nasundan ko yung mga pinagsasabi ni sir kanina,e. Kung hindi zero ako bukas sa long quiz niya.
"Ibabalik ko rin mamaya Tanya. Salamat." sabay alis niya. Mukhang pupunta na naman siya sa library. Doon lagi tambayan niya eh.
Hindi ko alam kung bakit papunta na rin sa library.
Natagpuan ko si sunshine na nakaupo sa pinakadulo. Nakasubsob ang mukha niya. Siguro sinusulat na niya yung notes kanina. Running kasi sa sunshine for Magna Cum laude. Ako, running din for Cum Laude nga lang.
Kahit kdrama is life ako. Hindi ko naman pinapabayaan pag-aaral ko.
Umupo ako sa tabi ni sunshine. Napalingon siya sa akin na nanlalaki ang mga mata pero bumalik ulit siya sa pagsusulat. Mukhang naistorbo ko pa siya.
Kinuha ko naman yung notes ko kanina sa marketing para basahin ito. Medyo lutang din ako kanina sa subject na niyon.
Wala kaming imikang dalawa. Ako, nagbabasa. Siya, nagsusulat.
Hindi ko namalayan, na tapos na pala siya magsulat. At ngayon ay nakatitig siya sa akin.
"Tanya, salamat." sabay abot ng notes ko. "Ang ganda mo." dugtong niya sa sinabi niya.
"Ah-eh. S-salamat." Hiyaw kong ngiti sa kanya. Hindi ako sanay na pinupuri. Okay lang sana kung si taecyeon nagsabi o si jungmin. Lumalabas na naman yung pagiging kdrama life ko.
"Can we be friends? Ngayon ko lang na tanong sayo ito. Pero since 1st yr gusto na kita maging friend. Pero kasama mo pa kasi lagi si Jana eh." nahihiya niyang sabi. Ang kyut ni sunshine mahiya.
"Sure, why not. Btw, your so cute." I said with smile in my face.
We hear the bell na hudyat na magsisimula na uli ang klase.
Sabay kami tumayo at nilisan ang library. From now on, friend na kami ni sunshine. Yas, may friend na rin ako bukod kay Jana - my bestfriend.
Sisiguraduhin kong magiging adik rin to sa kdrama hahaha.
Kdrama is life!😉
-end of episode one-
VOTE. COMMENT. FOLLOW. SPREAD!
![](https://img.wattpad.com/cover/138142749-288-k787942.jpg)
BINABASA MO ANG
Finally, Its You (Chris Ellis) [COMPLETED]✔
FanfictionRank #1 - PBA Rank #2 - Ginebra May babaeng ubod ng ganda. May lalaking sobrang gwapo. May lalaking ubod ng sungit. May babaeng ubod ng daldal May lalaking sobrang tahimik May babaeng kung mag-fangirl sa kdrama ay wagas May lalaking sentro ng buha...