Episode 3:
TANYA'S POV
Kakauwi ko lang galing school. Bakas na bakas pa rin sa mukha ko ang kasiyahan! Mukha akong nanalo dahil kaibigan ko na si sunshine, may kaibigan na ulit ako. Magpa-party ako wohhhh! *sabog confetti* hihihi. Pero joke lang yung party Hehehe mayayari ako kay Daddy.
Nasa kwarto ako para mag-half bath, feeling ko lowbat ako katulad ng cellphone kong deadbat dahil kaka-kdrama ko. Buti na lang full charge pa yung laptop ko *evil grin* anyway, nag-halfbath ako habang hindi pa kami kumakain for dinner.
Ang daming nangyari kanina sa school. Na haggard ako. Baka hindi na ako mahalin ni taecyeon huhuhu. I hate projects, assignments and events sa school. Next week will be foundation day of our school. Gosh, kaya ayun subsob ang mga Prof sa pag-aayos sa foundation day kaya ang ending, more projects and more assignments. Yay! Tsss... KJ nila prof.
"Ma'am Tanya, pinapatawag na po kayo ng daddy at Mommy niyo po. Bumaba na raw po kayo."
Rinig kong sigaw ni yaya hanggang dito sa cr. Umahon na ako sa bathtub para makapag-ayos na ako.
Nagsuot lang akong pjs kong si stitch ang design. Sa susunod magpapagawa ako ng personalised kong pjs na may mukha ni taecyeon o hindi kaya si TOP ng Bigbang. Omg!
Nang makababa ako, dumiretso agad ako sa kusina kung nasaan si Daddy at Mommy na hinihintay ako. Ganito talaga sa amin, dapat Sabay-sabay kami kung kumain kahit busy ka pa. That's my mommy's rule.
Kumakain kami. Sobrang tahimik puro tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig mo. May problema kaya?
Binalewala ko ang tahimik na atmosphere sa paligid.
Nakita kong nagkatingin sila Mommy at Daddy. Pero hindi ko pinahalata na tinitignan ko sila.
Maya-maya tumikhim si Daddy.
"Darling?" bumaling ako ng tingin kay Daddy. Ano kaya sasabihin niya? Wait, may ginawa ba akong kasalanan? Wala naman ako maalala na may kasalanan ako.
"Y-yes Daddy?" Kinakabahang sagot ko sa kanya. Hingi kaya ako ng lifeline kay Mommy. Joke.
"Darling, do you have a plan on Friday? I mean may lakad ka ba with your friends?" tanong ni Daddy sa akin. Kahit nagtataka ako dahil first time ni Daddy magtanong sa akin kung may lakad ba ako?
"Uhm... wala po Daddy. Balak ko po manood ng kdrama Hehehe... but I have a class on Friday dad. Friday night, Im gonna watch 'W'." paliwanag ko kay daddy.
Tumingin si Daddy kay Mommy. Para silang nagtuturuan kung sino magsasalita sa kanilang dalawa gamit ang kanilang mga mata. Ang galing.
Pero walang nagawa si Daddy kundi siya rin ang nagsalita "Darling, we have a date on Friday with our friend. Do you want to go with us?"
Gusto ko bang sumama? O wag na lang? Inaabangan na kasi ako ng kdrama ko eh. Saka, maganda raw yung 'W'.
"Okay daddy, I will go with you guys." Masayang sabi ko kina Mommy at Daddy.
Hays, babye muna kdrama huhuhu. Sa Friday lang naman eh.
"Wait, Daddy saan pa lang restaurant?"
Tumingin ulit si Daddy kay Mommy. Pero ngayon, si Mommy na ang sumagot "We will watch pba game on Friday. After that we will go to restaurant to eat."
"PBA game? Really, mommy? We will watch that game? Mom, wala naman ako alam sa pba o I mean sa basketball. Mabobored lang ako doon. Pwede bang doon na lang ako sa restaurant maghintay?" sabi ko kay Mommy habang nagpa-puppy eyes ako dito. Please, gumana ka.
BINABASA MO ANG
Finally, Its You (Chris Ellis) [COMPLETED]✔
FanfictionRank #1 - PBA Rank #2 - Ginebra May babaeng ubod ng ganda. May lalaking sobrang gwapo. May lalaking ubod ng sungit. May babaeng ubod ng daldal May lalaking sobrang tahimik May babaeng kung mag-fangirl sa kdrama ay wagas May lalaking sentro ng buha...