EPISODE 14

130 9 0
                                    

Episode 14:

TANYA'S POV:


Nakaramdam ako ng parang may tumatapik tapik sa pisngi ko.

Urgh! Ayoko pa bumangon. Inaantok pa ako.

Bumaling ako sa kabilang side at nagtakip ng kumot para hindi na niya tapikin.

"Tanya, Honey, Come on. Let's eat our lunch. Alam kong gutom ka na."

Parang naririnig ko ang boses ni mommy? O, baka guni-guni ko lang iyon.

Lalamunin na sana ako ng antok ulit ng may nagtagal ng kumot sa akin at tinapik na naman ang matambok kong pisngi.

"Honey, come on, let's eat. Lalamig na ang paboritong Sinigang na hipon at nilagang baka."

Dahil sa magic words na sinabi niya, napabangon ako bigla.

Bumungad sa akin ang aking mommy na tumatawa.

"Sinigang na hipon at Nilagang baka lang pala ang katapat mo para magising ka ng tuluyan..."

Habang nagsasalita si mommy, panay kusot naman ako ng mata. Inaantok pa talaga ako. Hindi naman kasi ako gaanong nakatulog kagabi dahil kay Chris.

"Come on,Honey bumangon ka na diyan. Maghilamos ka na at sumunod ka na sa akin sa hapagkainan. Mamaya mo na ipagpatuloy ang pagtutulog mo." Sabi ni mommy.

Nang mahismasmasan ako. Dumiretso agad ako sa cr at naghilamos.

Pagkababa ko pa lang sa hagdanan, naaamoy ko na ang Sinigang na hipon at nilagang baka.

Lalong kumulo ang tiyan ko. Nagugutom na talaga ako.

Pagkarating ko sa dinner area, nakita ko si mommy na naka-upo na roon at mukhang hinihintay niya talaga ako.

"Mommy, dapat nauna na po kayong kumain. Dapat hindi niyo na ako hinintay." hila ko ng upuan sa katabi ni mommy.

"Ngayon na nga lang tayo magsasabay ulit kumain Tanya, kaya hinintay na kita honey."

Si mommy talaga, sweet kahit kailan.

Pinaglagyan niya ako ng kanin at ang dalawang paborito kong ulam.

"Mommy hindi na po ako bata. Gagraduate na po ako sa college."

Tumawa ng mahina si mommy.

"Biglang girl na talaga ang baby namin." napa-pout na lang ako sa sinabi niya.

Kumakain na kami ng maalala ko ang tungkol kay Chris at sa bahay.

"Mommy, bakit nga pala kasama ko si Chris sa bahay na binili niyo?" malungkot na sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Akala ko pa naman, solo ko na ang bahay. Hindi naman pala. Kaya pala hindi kayo nag-aalala ni daddy."

"Honey, nag-aalala kami sa'yo. Kaya nung sinabi ni Suzette na naghahanap si Chris na condo malapit sa practice venue nila. Nagsuggest ako na roon na lang tumuloy si Chris sa bahay na binili namin sayo. Para maramdaman namin na may kasama ka at maging safe ka. I'm sorry Honey. Please." Pagsusumamo ni mommy habang hawak niya ang kanang kamay ko.

Si mommy naman eh, alam na alam niya ang kahinaan ko pagdating sa kanila ni daddy.

"Mommy naman,e. Of course, alam ko pong mag-aalala kayo sa akin kasi maganda ang unica hija niyo." puppy eyes ko sa kanya. Habang nakatingin kay mommy.

Tumayo si mommy at pumunta sa kusina.

"Honey, kumain ka na lang na binake kong Brownies. Your favorite!"

Finally, Its You (Chris Ellis) [COMPLETED]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon