EPISODE 17

136 5 1
                                    

Episode 17

TANYA'S POV

Naging intense ang sumunod na laban. 3rd quater na ayon sa malaking tv na nasa gitna.

Lamang ang Ginebra ng 3pts sa kalaban nilang NLEX. Bumabase lamang ako sa tv na nasa gitna. Wala naman kasi akong alam tungkol sa basketball.

Tumatakbo na ang mga naka-kulay asul na jersey sa kabilang court at todo depensa naman ang mga naka-kulay puting jersey - ang Team nila Chris.

Hindi ko alam pero nalilibang at intense na ako ngayon sa kinauupuan ko.

Sablay ang naging tira ng isang lalaki na may surname na Quiñahan. Tumatakbong bumalik ang koponan ni chris sa kabilang side. Lalong dumagundong ang loob ng arena ng maka-three points ang may surname na Tenorio.

Naging palitan ng shoot ang magkabilang Team. Ilang beses na may nag-foul at may finoul.

Hanggang umabot ng 4th Quarter, lalong naging intense ang laban. Maski sina mom at Tita Suzette sumisigaw na rin na defense.

Pati ako napapahawak na ng mahigpit sa inumin ko. Dito ako kumukuha ng lakas.

Last 2 minutes na lang matatapos na ang game at lamang 3 pts ang Ginebra. 3pts lang kaya maaari pang abutan sila ng kalaban.

Na kay Chris ang bola, pinasa ni chris kay Thompson at pinasa ulit sa kanya. Aambang magdadunk na sana siya pero hinarangan at pinalo ng kalaban ang bolang hawak ni Chris. Napaupo siya sa sahig kaya napatayo kami nila tita Suzette.

"Omg! Robert, si Chris!" Nag-aalalang wika ni tita.

Agad din siyang nakatayo ng offeran siya ng kamay ni Tenorio. Tumalon-talon siya habang nakatingin sa akin? I'm not sure.

Pumunta siya sa gitna ng kanilang ring.

"Ano po gagawin niya?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung anong tawag d'yan.

"Free-throw, Tanya. Binibigay 'yan kapag finoul ka ng kalaban mo pero hindi lahat ng foul ayan ang katumbas."

Tumango-tango ako sa sinabi ni tita Suzette. Mukhang maraming alam si tita. Anak ba naman niya ay isang basketball player.

Na-shoot ni Chris ang dalawang free-throw niya ayon sa nalaman ko kay tita Suzette.

5 pts na ang lamang ng koponan ni Chris. Nag-time out ang kalaban.

Natapos ang game na lamang ang koponan ni Chris ng 2pts. Naka-three points kasi si Ravena pero ubos na ang oras that time pero counted pa rin daw sabi ng mga referee.

Halos mabingi ako dahil sa sigawan ng mga fans sa koponan ni Chris. Grabe pala ang Ginebra, napaka-crowd's favorite. Mahirap siguro makaaway ang mga ito.

Lumakad na kami nila tita Suzette. Sa sinasabi nila dug out ng mga Team.

Nang makarating kami roon, may mga naghihintay rin katulad namin.

Nakita namin si Chris na may kausap na isang lalaki. Hindi ko siya kilala pero namumukhaan ko siya. Siya iyong pinasahan ni Chris kanina, Thompson yata surname nito? Not sure.

Lumapit siya sa amin. As usual, nagcongrats sina dad at mom sa kanya. Lumakad na sila mom kaya lumakad na rin ako.

"You look great to my jersey." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya 'yon. Nakatingin siya sa akin at nakita kong suot ko pa rin ang jersey. Dali-dali ko itong hinubad at ibabalik na sana sa kanya.

Finally, Its You (Chris Ellis) [COMPLETED]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon