Chapter 1- Kabataan
Romina's POV
Hi! Ako nga pala, si Romina Denise Hernandez. 16 yrs. old, nakatira sa Caloocan City!! Hehe, isa akong masayahin, mapagmahal at masipag mag-aral na bata. Meron akong isang kapatid na 13 yrs. old. Ang aking Nanay Cess ay tumutulong kay Tatay Dan sa aming munting negosyo. Maliit palang ako, may negosyo na kami na aming pinagkukunan ng aming pang araw-araw na kailangan.
Papasok na ako sa paaralan, ng madaananan ko sila nanay at tatay na mukhang hirap na hirap na lutasin ang kanilang problema. Kaya lumapit ako sa kanila.
"Nay, Tay. Ayos lang po ba kayo? Kung, gusto niyo po wag muna po akong pumasok para mabantayan ko si Thirdy." Nakangiting sabi ko.
"Wag na, Anak. Pumasok ka na sa paaralan, at pag butihan mo ha? Oh eto ang baon mo." Sabay abot ni nanay sa baon ko. "Ingat ka." Sabi ni Nanay sakin bago ako magpaalam.
Sumakay na ako ng traysikel at dumiretso na sa aming classroom. Hays. Di pa pala ako kumakain ng agahan, makabili nga muna. Pagkadating ko sa canteen ay may nakasalubong akong isang batang lalaking ubod na kacute-an. Hahaha. 'Di ko nalang siya pinansin at bumili ng pagkain at pagkatapos ay bumalik na ako sa classroom dahil nandun na si teacher.
------------
Ysmael's POV
Hi! I'm Ysmael Dela Fuenta, gr10 student. Bago lang ako sa school na papasukan ko, ngayon ngalang ako nakapg-enroll eh. 'Di kasi nakapag-padala si tatay. Si Nanay nalang ang kadalasan kong nakakasama. Minsan nga nagtatampo na ako kay Tatay eh, di man lang umuuwi. Hays.
Papasok na ako ng school ng makita ko si nanay na may kausap na lalake sa labas. Naka kulay orange na damit tsaka pantalon na may sumbrero na andaming bitbit na envelope? Aish. Ewan. Kaya lumapit nalang ako. Pagkakita ko sa binigay na papel kay nanay ay nakita kong di pa pala sya nakakabayad ng kuryente. Nakita ko si nanay na nalulumong bumalik sa kusina. 'Di man lang ata ako napansin, kaya nilapitan ko siya at yinakap.
"Oh, Anak. Pumasok ka na sa paaralan. Pag butihin mo ha? Ingat." Sabi ni nanay sakin at humalik sa pisngi.
Sumakay na ako ng traysikel, at pumasok na ng paaralan ng naalala kong bibili pa pala ako ng baon ko.
Lumapit ako sa tindera at tinuro ang nagustuhan kong pagkain.
Hotdog, Itlog tsaka Rice. Yum!
Binayaran ko na ito ng may makasalubong akong isang batang babaeng nakangiti ng pagkalaki-laki. Wow! Angganda niya. 'Di ko nalang siya pinansin at dumiretso na sa classroom. Pero, di siya mawala sa isip ko. 'Di mawala sa isip ko ang kaniyang ngiti.
Napakaganda niya.
Pagkapasok ko sa classroom, ay hindi ko inaasahang.. kaklase ko pala siya.
Tadhana nga naman.
Umupo ako sa isang bakanteng upuan at nagpakilala sa aming guro. Nagbotohan na din kami ng aming Class Officers. At isa siya dun, ako naman ay ang Escort at siya ang Muse. Napakasaya ko ng araw na yun hanggang sa uwian ay nakita ko siyang naghihintay sa waiting shed ng school.
"Uy, R-romina b-bat nandito ka pa?" Nauutal kong sabi.
" Ah, hinihintay ko si Nanay. Ikaw? Bat nandito ka pa?" Pagtatanong niya.
"Ah-eh hinihintay k-ko rin s-si Nanay. Heheh." Nauutal kong sabi.
Tumango nalang siya at dumating na ang kaniyang nanay at maya-maya'y dumating na din si nanay. Pagkadating namin sa bahay ay nagbihis muna ako at nagkwento ng aking unang araw sa paaralan. Naikwento ko rin sa kaniya si Romina. At maya maya ay natulog na rin kami.
Gusto ko na ba siya?
-----------
Nagugustuhan na nga ba ni Ysmael si Romina?
---------------
YOU ARE READING
"A Love Untold"
Teen FictionPag-iibigang walang kasiguraduhan. Pag-iibigang hanggang sa huli ay ika'y ipaglalaban. Pag-iibigang walang hanggan.