Chapter 3

42 5 2
                                    

Chapter 3
Ysmael's POV

Nagising ako sa isang matinding kalabog na galing sa labas. Ano 'yun? Sumilip ako sa labas ng pinto at nakita ko si Nanay na nakabasag ng vase. Pero, teka anong oras palang ah? Napatingin ako sa orasan ko sa kwarto at alas-kwatro palang ng umaga.

"Nay, ok lang po ba kayo? Bakit gising na po kayo? Mamaya pa po pasok ko ah?" Pagtatanong ko kay Nanay.

"Ah-eh wala anak n-nagising l-lang ako. Sige tulog ka na, matutulog na rin ako." Pautal-utal na sabi niya.

Anong meron?

Di na ako nakatulog dahil sa pangyayari kanina. Maya-maya lang ay naligo na ako at nagbihis. Pagkababa ko sa hagdan ay mabilis akong kumain para maunahan ko si Romina na pumasok sa eskwelahan at malagay sa locker niya ang papel na bulaklak.

Kinikilig ako. Hahaha.

Pagkasakay ko ng traysikel ay nilabas ko na ang bulaklak na gawa sa papel.

4❤

Hays. Baliw na ako sa kaniya. Haha.

Pagkababa ko sa traysikel ay pumunta na ako sa locker niya at nilagay ang bulaklak na gawa sa papel.

Pagkatapos nun ay malaking ngiti ang nabuo sa aking mga labi. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at pumasok na ng classroom.

Sana makita niya ang bulaklak.

--------------

Thirdy's POV

Hi! Ako si Eion Thirdy Hernandez. Kapatid ni Ate Romina, alam niyo ba? Kagabi pagkauwi niya galing school ay nakita ko siyang sobrang laki ng ngiti. Hahah. Ngayon ko nalang ulit nakita si Ate Romina na naging ganiyang kasaya. Dati na kasi siyang nasaktan.

Flashback..

Foundation day nun kaya tanghali ang pasok namin ni ate..

"Ate ano kayang mga booth no?" Tanong ko kay ate.

"Sana may wedding booth tapos aayain ko si crush. Hahaha." Masayang sabi niya.

Natawa nalang ako sa itsura niya.. Hahah.

Pagkadating namin sa school, ay dumiretso siya sa wedding booth na pinapangarap niya. Hahah. Dali-dali niyang hinila yung crush niya na si Jan Adrian Alvarez. Sikat sa school. Tinitilian ng mga babae. Pero, chickboy. Hays. Nakita kong nandun na sila sa wedding booth ng di sinasadyang narinig ko ang pinaguusapan nila.

"Jan, gusto kita" nahihiyang sabi ni ate.

"Tsk. Di kita gusto." Malamig na tugon ni Jan kay ate.

Nakita kong dahan-dahang tumulo ang nga luha ni ate. Kaya agad akong tumakbo sa kaniya at niyakap siya. Simula noon, naging matamlay na siya lagi. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa.

End of flashback...

Mabilis akong naligo at nagbihis at pagkatapos ay bumaba na para kumain. Wala pa si ate. Hmm? Maganda na naman siguro ang tulog. Hahah.

"Nay, si ate po?" Tanong ko kay nanay.

"Nako baka tulog pa, gisingin mo na." Utos sakin ni nanay.

Umakyat ako, at dumiretso sa kwarto ni ate. Medyo nakabukas ang pinto kaya malamang ay gising na siya. Sumilip muna ako at nakita ko siyang may hawak na 2 bulaklak na gawa sa papel. Nakangiti na naman siya. Haha.

"Goodmorning ate!" Bati ko sabay halik sa pisngi.

"Goodmorning din Thirdy.. Tara baba na tayo.."  pag-aya sakin ni ate.

Pagkababa namin ay nagsimula na kaming kumain at pumasok na sa paaralan.

----------------

Romina's POV
Nandito na kami ni Thirdy sa paaralan, dumiretso muna ako sa locker ko at may bulaklak na naman na papel.

4❤

Eh? Pero, bat kinikilig ako? Hahah.

Kinuha ko toh at nilagay sa bag, at kinuha pa ang ilang gamit ko. Dumiretso na ako sa classroom at nakita kong sumulyap si Jasmin saken. Nginitian niya ako at tumango nalang ako bilang sagot.

Pagkaupo ko, ay dumating na ang teacher namin..

"Class group yourselves in to 4"

Lumapit si Jasmin saken at si Brandon, ng mapansin kung wala pang grupo si Ysmael.

"Ysmael!" Tawag ko dito.

"Ha? Ako?" Tanong neto.

"'Lika maki-grupo ka samin." Nakangiting sabi ko.

Lumapit sya saken at tumabi kay Brandon.

Hays. Inexplain samin ng teacher namin, kung anong gagawin. Research! Kakapagod..

Pagdating ng uwian ay pumunta kami sa Library para sa aming group research.. Sila Jasmin at Brandon ay naghanap na ng pwede naming maging source. At kami naman ni Ysmael ay nakatutok sa Laptop.

Nakita ko sa aking peripheral vision na nakatitig sya saken. Kaya bigla akong lumingon. Nakita ko sa kaniya ang gulat at hiya. Kaya natawa ako.

"Shhhhh!!" -librarian

Napatakip ako sa bibig ko habang nagpipigil ng tawa. Nakita kong medyo natawa si Ysmael sa inasal ko. Hahaha.

Ang cute niya tumawa.

Erase! Erase!

Hays. Pagkatapos naming gumawa ng research ay umuwi na kami.

Pagkadating ko sa bahay ay kinuha ko lahat ng bulaklak na gawa sa papel at pinagdikit-dikit yun.

RDH❤1❤4❤?

Napangiti ako. Sino kaya magbibigay neto saken?

Nag-isip ako kung sinong magbibigay pero nakatulugan ko din..

-----------------

P.s Sorry kung medyo matagal ang update. Madami din akong ginagawa. Heheh. Lovelots! Suport na din. Heheh.

~❤

"A Love Untold"Where stories live. Discover now