Chapter 2

72 5 0
                                    

Chapter 2

Romina's POV
Magandang Mornenggg!! Kagaya ko. Hahaha. Maganda ata gising ko ngayon kase Muse ako ng classroom namin. At alam niyo ba kung sinong Escort? Hulaan niyo. Hahah. Yung batang lalakeng ubod ng kacute-an! Ysmael pala pangalan niya eh. Hays. Naligo na ako at nagbihis at bumaba para kumain.

"Goodmorning sa Nanay kong ubod ng ganda, at goodmorning din sa tatay kong ubod ng kagwapuhan!" Masayang bati ko sa kanila.

"Ano namang nakain mo at ganyan ka kasaya? Hahah." Tanong ni Nanay saken.

"Ang napakagandang anak niyo po kase ay isang muse. Oh diba? Nay, kaya ansaya ko. Hahah." Masayang bati ko at sumubo ng ulam namin.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila at pumasok na sa paaralan. Dumaan muna ako sa Library kase, may kailangan akong libro para sa research namin. Masyadong pang maaga kaya nagstay muna ako dun, para magbasa-basa. Natapos ko ang 3 chapter ng libro. Pumasok na ako sa classroom ng makita ko ang bestfriend ko na si Jasmin. Meet my bestfriend Jasmin Lianna Sandoval. Siya ang bestfriend kong ubod ng kagandahan pero mas maganda ako. Hahah. Nakita ko siyang nagmamadaling lumapit saken.

"Uy, Romina! Nabalitaan ko muse ka daw ah? Yes naman! Hahaha." Natatawang sabi niya.

"Syempre, maganda bestfriend mo eh. Hahah" at sabay kaming tumawa.

Papasok na kami sa classroom ng makabanggaan ko si Ysmael kaya nahulog yung dala kong folder na may requirements ko at ganun din ang sa kaniya. Sabay naming pinulot ito.

"S-sorry, di k-ko sinasadya" nakayukong sabi niya.

"Okay lang, ano ka ba?" At pumasok na kami sa classroom.

Pagkadating ng teacher namin ay pinasa na namin lahat ng assignments at exercises na pinapapasa niya.

Recess na, kaya sabay kaming lumabas ni Jasmin at hinintay si Mykee na lumabas galing sa classroom nila. Si Mykee naman ang isa ko pang bestfriend. Mykee Alaine Salazar. Ganda ng name diba? Maganda din siya eh. Hahah. Lumabas na siya ng classroom at dumiretso na kami sa canteen. Kumain lang kami ng kumain hanggang sa mabusog. Bumalik na kami sa classroom ni Jasmin at si Mykee naman ay humiwalay na sa amin. Nakita namin ni Jasmin si Ysmael na kumakanta ng isang awiting paborito ko. Ang lamig ng boses niya.

Nakakamangha.

Natigilan nalang ako ng tapikin ako ni Jasmin.

"Teh, baka matunaw. Hahah."  Nangaasar na sabi niya. Kinunutan ko nalang siya ng kilay at tahimik na bumalik sa upuan. Nakita kong may isang bulaklak na gawa sa papel ang nakalagay sa lamesa ko. Napangiti ako. May nakalagay sa bulaklak na

RDH

Sino naman nagbigay neto? Aishhh!

Tinago ko nalang sa bag ko ang bulaklak na gawa sa papel. Napangiti na naman ako. Aish! Ginawa kong makinig kay Maam pero wala okupado ang isip ko. Pagdating ng huling teacher namin ganun pa rin ang isip ko. Pag dating ng uwian ay nauna ng umuwi si Jasmin kaya pumunta muna ako sa library para ibalik ang libro. At pagkatapos ay pumunta muna ako sa locker ko dahil nandun ang mga gagamitin ko para sa project ko.

May bulaklak na naman.

1❤

Anong 1? Aish.

Kinuha ko nalang ang mga kailangan ko at ng mapatingin na naman ako sa bulaklak ay napangiti ako. Kaya kinuha ko na yun at sinarado ang locker ko. Pagkadating ko sa waiting shed ay nandun na si Nanay Cess.

Umuwi na kami ni Nanay at binuksan ko ang bag ko at tumambad sakin yung 2 bulaklak na nakuha ko. Napangiti ako. Kanino kaya toh galing? Hays. Di ko namalayan nakatulog na pala ako.

-----------

Ysmael's POV

Naalala ko na naman ang nga ngiti ni Romina kanina. Ang ganda niya talaga. Nandito ako ngayon sa kwarto ko, inaalala ko yung mga ngiti niya kanina. Oo, ako yung nagbigay sa kaniya ng mga bulaklak gawa sa papel. Yung ngiti niya. 😍

Ang ganda niya.

Sandali lang akong nagbasa at maya't maya ay nakatulog na din.

---------

"A Love Untold"Where stories live. Discover now