Chapter 13
Ysmael's POV
Nakita kung paanong tumakbo palayo si Romina.
Nakita ko kung paanong ang mga luha niya ay nagbabadyang tumulo.
Tinulak ko si Alyana sa pagkakakapit sakin. At tinakbo si Romina, pero di ko siya mahanap. Naalala kong baka kasama niya lang sila Jasmin at Mykee. At andun nga siya.
Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod. Alam kong maiintindihan niya ako.
"Romina.."
"Ok lang, Ysmael. Naiintindihan ko. Napakababaw ko naman, dahil lang sa paglapit niya magkakaganito ako." Pagkasabi niya nun ay inalis niya ang pagkakayap sakin at humarap.
Pinagdikit ko ang noo namin ng biglang tumigil ang malakas na sounds at ang spotlight ay napunta sa gitna.
Lumabas dun si Jan. Nakita ko kung paanong nagulat si Romina.
"Goodevening Ladies and Gentlemen. Tonight is the night." Pagkasabi niya nun ay ngumisi siya ng pagkalaki laki at namatay ang spotlight.
At tumugtug ulit ang mga malalakas na sounds at nagsindihan lahat ng ilaw.
Halatang kinilabutan si Romina.
Kaya hinawakan ko ang kamay niya, at ngumiti. Ngumiti siya pabalik.
Natapos ang event sa school.
"Romina, hatid na kita." Sabi ni Jan sa kaniya.
"Wag na, AKO na lang." Diniinan ko talaga ang salitang ako. "AKO ang nagsundo kaya AKO ang maghahatid." Dagdag ko pa.
Umalis na kami dun at hinatid ko na si Romina sa bahay nila.
"Goodnight my princess. ❤" sabi ko at hinalikan siya sa noo.
"Goodnight din. Ingat ka" sabi niya at pumasok na sa bahay nila at kumaway bago ako umalis.
I love her damn much.
------------
Romina's POV
Pagkahatid sakin ni Ysmael ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga muna sandali.
Ang swerte ko sa kaniya.
Hays. Nagbihis na ako at naligo ulit. Nakakapagod yung event.
Hindi ko masyadong nakasama sila Mykee at Jasmin kase may kaniya kaniya silang mga kadate. Haha. Mga crush pa nila. Jusme. hahaha.
Tinignan ko muna ang facebook ko at may mga nagmessage din sakin ng mga greetings. Pagkatapos nun ay natulog na ako.
Goodnight and sweetdreams, love.
------------------
Ysmael's POV
Ng maihatid ko na si Romina ay.. Umuwi na ako. Naabutan ko pang gising si Kendall at nanunuod sa kwarto niya.
Pumunta naman ako sa kwarto nila Nanay at Tatay at nakita kong mahimbing na ang tulog nila.
Kaya pumunta na ako sa kwarto at nagbihis. Nagfacebook muna ako hanggang sa makatulugan.
-------------
YOU ARE READING
"A Love Untold"
Teen FictionPag-iibigang walang kasiguraduhan. Pag-iibigang hanggang sa huli ay ika'y ipaglalaban. Pag-iibigang walang hanggan.