China's POV
Ash: May pambayad ka na ba??
Napairap ako dahil sa inis.
Kalma lang China at baka mapatalsik ka sa university na 'to.
Inhale exhale lang.
Napapikit ako ng mata, nag-isip kahit walang isip at....
China: Mr. Ash Francisco... Ika apat na balik ko na po dito. At yan lang ang paulit ulit niyong tanong. Wala na po bang iba? Kasi po may klase pa po ako. At kung patuloy niyo po akong ipapatawag, baka po lalo akong hindi pumasa.
Ash: Ms. China Liang. Naiisip mo ba yang sinasabi mo? Kasi sa tingin ko wala ka namang isip.
Sabi ko na eh!!!
Ash: Kahit naman siguro pumasok ka pa 24/7, hindi naman gagana yang utak mo. Kaya iinisin na lang kita at kukulitin sa pambayad mo sa akin. Atleast may pagkakatuwaan ako tapos magkakapera pa ako kapag ikaw magbabayad na.
Napakuyom ako ng palad.
Sobra na talaga siya!
Sobra sobra na!!!
Ash: Siya nga pala... Break time na. Kunin mo yang paper bag sa table ko.
Paper bag? Ano na naman ang laman? Insulto?
Ash: Kunin mo na sabi eh!!!
Medyo napalakas ang boses niya.
China: Ano 'to?
Ash: Sa sobrang tanga, nalilito ka na? Pagkain yan.
Umiwas siya ng tingin.
China: aanhin ko 'to?
Ash: Ano ba ang ginagawa sa tirang pagkain? Edi pinapakain sa aso.
Napalunok ako.
Gutom na kasi ako eh. Kaya lulunukin ko na din pati pride.

BINABASA MO ANG
You Who Loved Me (KRISJOY)
FanfictionSi Ash at si China... Sobrang magkasalungat. Palaging nagkakabangga ang ugali nila. Pero sabi nga nila opposites attract. Pero paano kung hindi iyon ang problema? Will they meet again and recall how they loved each other? Hanggang pagbabalik tanaw...