Special Quiz

471 14 3
                                    

China's POV

Hindi ako maka absent. 

Hindi na din ako makahanap ng gig. Yung audition na lang dun sa isang TV network yung hinihintay ko. Pero mukhang hindi yata ako makukuha dun.

Sayang! kahit pipitsugin TV network lang yun, pera pa rin yun.

"China! Close ba kayo ng director?" -tanong sakin ng isang kaklase ko.

Papunta kasi ako sa office ng director ng madaanan ko siya.

China: Syempre!

Pagmamalaki ko.

"Talaga?" - pagdududa niya.

China: Malapit kami sa isa't isa. One on One tutorial ba naman ang pasukin mo?! Naku! Bakit?? Crush mo??

Napayuko lang siya. Ako naman napataas ng kilay.

China: Huwag kang magka-crush dun. Suplado yun. Masungit. Pinahihirapan niya ako palagi eh. Huwag ha!! Huwag na huwag!!

Tumalikod ako at napangiti.

Talagang huwag! Subukan lang nila....

Ash: Sinong suplado? Sinong masungit?

China: Director!!!!

Napayuko ako. 

Naku!!

"Good Morning Director!" - bati ng kaklase kong malandi.

Ash: Good morning!

Aba! Sumagot pa?! Pwede bang ako na lang ang pansinin niya?

Ash: Late ka na! Let's go.

Naunang naglakad si Ash. Tapos nung medyo nakalayo na siya...

China: Nakita mo? Kaya... Huwag!!! Huwag na huwag!!!

You Who Loved Me (KRISJOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon