China's POV
OMO!!! Nakalimutan kong bigyan siya ng babala.
Baka pag hindi ko masabi sa kaniya, baka kung malantad ang sekreto niya.
Pero hindi ko pa nga nasasabi, pinalabas na agad ako ng clinic.
Bahala na nga.. Sa susunod na lang.
Sa sumunod na araw, pinuntahan ko siya sa office niya. Pero hindi ko siya nadatnan dun. ang sabi sa akin, hindi daw makakapasok kasi nagkasakit daw.
Akalain niyo yun? Tinablan pa ng sakit yun?
Akala ko sa sobrang suplado nun, pati sakit natatakot sa kaniya.
Lira: Tulala ka diyan?
Nakatitig lang ako sa pinto ng office niya.
Ano kayang klaseng sakit ang meron siya? At limang araw na siyang absent.
Pakealam mo ba China! Isipin mo na lang kung paano ka magkakapera.
Tumalikod ako para hindi makita ang pintong yun. Pero parang nakaramdam ako ng lungkot.
China: Wala! Tara na nga....
Lira: Bilisan na natin China. Baka ma-late tayo sa audition.
Tama. Mag-o-audition ako. Isang TV series. Kapag ako nakapasok dun, swerte talaga! Baka ito na yung big break na hinihintay ko.
"Okay. Ang scene natin, yung bidang babae sobrang nangungulila sa lalaking mahal niya. Feel na feel dapat ha?! Feel na feel!"
Ang OA naman. Sabi ko sa sarili ko. Pero bakit parang ganun ang nararamdaman ko?
Binasa ko ang script na binigay nila. May iyakan pa!
"ACTION!!!"
Napatingin ako sa kaniya. Diretso mata sa mata. Tumalikod siya.
China: Huwag mong subukang lumayo.
Pero humakbang siya.
China: Kahit lumayo ka...
Napaisip ako sa susunod kong sasabihin. Parang hindi galing sa script, parang ito din yung gusto kong sabihin eh.

BINABASA MO ANG
You Who Loved Me (KRISJOY)
FanfictionSi Ash at si China... Sobrang magkasalungat. Palaging nagkakabangga ang ugali nila. Pero sabi nga nila opposites attract. Pero paano kung hindi iyon ang problema? Will they meet again and recall how they loved each other? Hanggang pagbabalik tanaw...