Ash's POV
UGH!!! Napahawak ako sa leeg ko. Mabuti na lang at natapos agad yung issue. Makakapagpahinga na ako at ganun din si China.
Ash: Hoy!
Napatingin sa akin si China.
Ash: Umuwi ka na. May pasok ka pa bukas.
China: A-ako?? Regular class na ba ang papasukan ko?
Ash: Sinabi ko ba?
China: Hindi..
Ash: Edi hindi... Umuwi ka na.
Nakita kong lalapitan sana ni Daniel si China. Binigyan ko siya ng "Back off" na tingin. Mukhang na gets niya naman ang pinahiwatig ko kaya kinausap na lang niya si Kathryn.
China: Hindi ka sasama sa akin?
Ash: China... Maling tingnan na pumupunta ang lalaki sa bahay ng babae. Lalo na pag mag-isa ka. Anong sasabihin ng mga tao? At tsaka may pupuntahan pa ako. Ipapahatid kita kay Raffy.
Pinahatid ko siya kay Raffy at nagpunta ng mall.
"Sir? Para sa girlfriend niyo?"
Halos magtago ako nang makita ako ng saleslady.
"Brassiere and Panties for women.Anong size po ba ng girlfriend niyo?"
Size?? Girlfriend? SH*T!!! Ang tanga mo kasi Ash! Kung isinama mo na lang sana siya edi siya na ang nakapili at hindi ka natatanong ng ganiyang bagay. Kaso kakatapos lang ng issue. Baka makilala siya ng mga tao. Pero sh*t talaga!!!
"Hindi niyo po ba alam sir? "
Pwede ba tumahimik ka?? Kumuha ako ng undergarments na may iba ibang sizes. Atleast may pagpipilian siya. Bahala na siya kung anong gagawin niya sa iba.
"Dresses, Sir? for women?"
Bakit ba pa sulpot sulpot ang mga saleslady?? At meron bang dresses for men? Ugh!!! I am not good with this.. I mean with shopping.
Pumunta ako ng condo pagkatapos mag-shopping.
China: HMMMMMM!!!!!!
Nilagay ko yung dala ko sa couch. Hinanap ko kung saan nanggaling ang ingay na yun.

BINABASA MO ANG
You Who Loved Me (KRISJOY)
FanfictionSi Ash at si China... Sobrang magkasalungat. Palaging nagkakabangga ang ugali nila. Pero sabi nga nila opposites attract. Pero paano kung hindi iyon ang problema? Will they meet again and recall how they loved each other? Hanggang pagbabalik tanaw...