China's POV
Naabutan ko sa kwarto si Ate Carmi. Sa totoo lang, nahihiya ako. Natagalan kasi ako bago nahanap yung ospital. Ito yung masama sa pagiging bobo. Binigyan ako ni Ate Carmi ng instructions sa phone. Akala ko nakuha ko na. Pero nang sumakay ako ng taxi, nakalimutan ko agad ang mga tinuro niya sakin. Halos maiyak ako habang papunta dito. Naiisip ko kung sino ang na ospital, at baka critical ang condition. Tapos, heto ako babagal bagal.
China: Ate! Sorry!
Pagdating ko nandun na si Ash na gulat na gulat dahil sa pagdating ko.
Carmi: China... Ba't hinihingal ka?
Ash: What are you doing here?
Napatingin ako kay Ash. Na para bang sinasabi niya sakin na ayaw niya akong makita dito.
"Who is she?" - tanong ng isang di katandaang lalaki. Siguro nasa early 40's. Kamukha ni Ash kaya sigurado yun na yung papa niya.
China: Sir Ash, magandang araw. magandang araw po.
Bati ko sa papa niya.
China: Tumawag kasi si Ate Carmi. Tapos naiwan po niyo yung phone niyo sa akin. Sabi emergency daw, kaya napapunta ako.
Carmi: Naku.. Salamat China. Pero okay na kami. Si Mama kasi... Nakalimutang uminom ng gamot. Yan tuloy tumaas ang blood sugar.
Napatingin na lang ako sa kanila. Ang yayaman talaga nila. Sa pananamit palang malalaman na agad. Napatingin naman ako sa suot ko. Nakapang-yaya pa pala ako. Kaya siguro parang nahihiya si Ash. Ang sarap paluin yung ulo ko.
Ash: Pa.. She's China Liang. One of our students.
Ash's Dad: Ah... So you are China Liang? I cannot forget that name.
Natatawa pa yung papa ni Ash. Kilala niya ako? Napakilala na kaya ako ni Ash? Bakit naman niya gagawin yun? Hai...
Ash's Dad: So, nagbabayad ka na ba ng mga utang mo?
Pabirong tanong ni Mr. Francisco. Kaya pala...
China: Ha-ha!
Pekeng peke talaga yung tawa ko. Nakakahiya!

BINABASA MO ANG
You Who Loved Me (KRISJOY)
Fiksi PenggemarSi Ash at si China... Sobrang magkasalungat. Palaging nagkakabangga ang ugali nila. Pero sabi nga nila opposites attract. Pero paano kung hindi iyon ang problema? Will they meet again and recall how they loved each other? Hanggang pagbabalik tanaw...