AUTHOR’S NOTE:
Ang laman ng kwentong ‘to ay gawa gawa po lamang at pawang kathang isip lamang. Somes scenes may be familiar but this is only a fiction. Made by my mind only. Huwag sanang magalit ang mga fans ng mga artistang nabanggit sa kwentong ‘to.
China’s POV
“China, inirekomenda ka sakin. Kaya galingan mo ha?!” –sabi ni Direk Gina.
Sino naman kaya ang nagrekomenda sakin?
Naisama ako sa isang movie. Gaganap akong biglang batang ina ng bidang babae. Pero syempre sa unang part lang yun ng movie. Pero atleast, may participation. May bayad!
Itinatanong niyo kung alam ni Ash? Syempre hindi!
Tago lang ‘to. Kaya secret lang ha?!
After ng klase ko dumiretso na ako. Mabuti na lang at gabi ang eksena ko kaya hindi ako nahirapan. At malapit lang din ang location.
China: Daniel Padilla??
Napatanong ako sa sarili ko ng makilala siya.
China: Ate, si Daniel Padilla ba ang bida sa movie na ‘to?
Tanong ko sa isa sa mga staffs.
“Opo. “
China: Thank you ha?!
Pinatawag lang kasi ako at hindi ko alam kung sino ang mga kasama sa movie. Di ko nga din alam ang title ng movie. Basta ang alam ko lang lovestory at nanay ako ng bidang babae.
“Napag-aralan mo na ba ang role mo?” – tanong ulit ng staff.
China: Opo.
Napahawak ako sa malaki kong tiyan.
“Pagkatapos ng break, yung eksena mo yung kukunin”
China: Okay po.
At tumalikod na yung staff.
Nang makita ko ulit si Daniel Padilla, nakatingin sa akin. Hmmm?? Ganda ko ha!!! Bongga!!

BINABASA MO ANG
You Who Loved Me (KRISJOY)
FanfictionSi Ash at si China... Sobrang magkasalungat. Palaging nagkakabangga ang ugali nila. Pero sabi nga nila opposites attract. Pero paano kung hindi iyon ang problema? Will they meet again and recall how they loved each other? Hanggang pagbabalik tanaw...