China's POV
"Miss, pwede bang makahingi ng autograph?"OMO!!! Sikat na ba ako at may nagpapa-autograph na sakin? Nakatingin lang ako sa isang bondpaper sa harap ko na iniaabot ng isang babae.
"Napansin kasi naming...."
Napansin niyang magaling akong umarte? At may future ako sa showbiz? May potential akong maging best actress? WOW!!!
"Napansin naming close kayo ni Daniel. Pwede bang ihingi mo kami ng autograph kay Daniel?"
NYEEEE??
Akala ko autograph galing sakin. Kinuha ko yung bond paper at...
China: Sige...
Nasa taping kami nang lapitan ako ng mga babaeng 'to. Akala ko pa naman may mga fans na ako. Nilapitan ko na si Daniel para ihingi ang mga fans niya ng autograph niya.
China: Pahingi ng autograph.
Nanlaki ang mata niya dahil siguro sa gulat?!
Daniel: T-talaga?
Ang lapad ng ngiti niya. Pfffft!!!
Napatingin ako sa sinusulat niya....
Thank you for the support.
-Daniel-
<3 <3
May heart heart pa sa ilalim? Parang babae...
Daniel: Hindi ko ini-expect na magiging fan kita. You don't know how happy I am.
Huh? Anong pinagsasasabi nito??
China: Ang kapal mo din ano?! Hindi ako ang nanghingi ng autograph. Sila!
tinuro ko yung mga babae na biglang nagtilian nang lumingon si Daniel sa kanila.

BINABASA MO ANG
You Who Loved Me (KRISJOY)
FanfictionSi Ash at si China... Sobrang magkasalungat. Palaging nagkakabangga ang ugali nila. Pero sabi nga nila opposites attract. Pero paano kung hindi iyon ang problema? Will they meet again and recall how they loved each other? Hanggang pagbabalik tanaw...