China's POV
Nakaramdam ako na may yumuyugyog sakin.
Napadilat ako at pinagmasdan ang paligid ko.
PESTE NA!!! Sinisipa pala ako ni Ash kaya ako nayuyugyog.
Ash: Gising na!!!
Anong nangyari?? Bakit ako nandito? Napatayo ako at...
China: Ano ba? Kailangan ba akong sipain?
Ash: Ikaw kasi eh!!!! Bakit natutulog ka dito? Napakabobo mo na ba talaga na kahit tamang tulugan ay hindi mo na makilala? At sa kung saan saan ka na lang natutulog?
Halatang galit na galit siya.
China: Bakit ang suplado mo na naman?
Pinulot ko yung gamit ko na nasa tabi ko.
Ash: Ikaw ba may gusto din sa kaniya?
Bulong niya sa sarili niya. Pero dinig ko naman. Ano na naman kaya ang problema nito? At bumitiw siya ng mabigat na paghinga.
China: Oh??!!!!
Bigla akong kinabahan nang maalalang madaling araw pa lang pala.
China: Anong ginagawa mo dito? Pupunta kang office ng ganyan ang suot?
Ash: Sa susunod, kapag magpapasundo ka, magtext ka. Hindi yung kani-kanino ka nakikisakay.
Medyo kalmado na niyang pagsermon.
Aaahh....
Di kaya...
China: Selos ka naman agad!
Ash: Eh ano naman ngayon kung nagseselos? Masama ba?
Inamin niya?
Ash: Sh*t!! Pigilan mo nga yang pamumula mo.

BINABASA MO ANG
You Who Loved Me (KRISJOY)
FanfictionSi Ash at si China... Sobrang magkasalungat. Palaging nagkakabangga ang ugali nila. Pero sabi nga nila opposites attract. Pero paano kung hindi iyon ang problema? Will they meet again and recall how they loved each other? Hanggang pagbabalik tanaw...