China's POV
Daniel: WOW!! Paano ba yan? May lovelife ka na. Pero mawawalan ka na ng trabaho.
Pagkadinig ko pa lang nun, kinabahan na ako. Napatakbo agad ako pabalik sa location namin. Pero pagdating ko wala na sila. Wala ng tao dun. Napatingin ako kay Ash na hinahabol ang paghinga.
China: UGH!!!!
Napasampal ako sa noo ko. Mawawalan na nga ba ako ng trabaho?
Daniel: Diba, pinagsabihan ka na. Pag nawala ka, pack up agad. Pag wala ka, wala din ang show na 'to. You did this...
Ash: Eh g*go ka pala eh!
Hinawakan ko sa balikat si Ash para pigilan siyang suntukin si Daniel.
China: Ano ba? Dahil lang sa wala ako? Extra lang naman ako ah. At wala akong eksena ngayon. Tatlong araw tayo dito. Kailangan ba talagang gawin yun?
Daniel: Kailangan, kasi sinabi ko.
China: Eh bakit mo naman sasabihin yun? Inabala mo pa ang lahat.
Daniel: Ako ang umabala? Eh ikaw yung hindi tumupad sa usapan. Ni hindi ka nagpaalam na sasama ka sa....
Napatingin siya kay Ash.
Daniel: Sa lalaking 'to. Umuwi ka na.. Di ka na kailangan dito.
Talaga? Yung mukha niya parang ayaw naman akong pauwiin.
Ash: Ano bang kinagagalit mo pag may lovelife na siya? Masyado ka namang affected. Di ka ba kontento sa ka love team mo? At pati yung akin, pinapakealaman mo?
China: Itigil niyo na nga yan.
Huminga ako ng malalim tsaka tinanong si daniel.
China: Sorry na. Nasaan na ba sina Direk? Hihingi ako ng tawad. Magpapaliwanag ako.
Daniel: Edi hanapin mo.
Tapos tinalikuran lang niya kami.
Ash's POV

BINABASA MO ANG
You Who Loved Me (KRISJOY)
FanfictionSi Ash at si China... Sobrang magkasalungat. Palaging nagkakabangga ang ugali nila. Pero sabi nga nila opposites attract. Pero paano kung hindi iyon ang problema? Will they meet again and recall how they loved each other? Hanggang pagbabalik tanaw...