Finale

532 18 6
                                    

China's POV

" Promise me, this time, sa second chance natin, you won't ever let me go. You won't push me away. And you will be the one who will hold on tight. Not just me."

Oo nga pala.... Hindi siya nangako. Sinabi niyang gagawin niya. Pero salungat sa sinabi niya ang ginawa niya. Alam kong nasaktan siya at natatakot siya kasi nasisisi siya. Di ko lang matanggap, na sa ikalawang pagkakataon, pinakawalan niya ako.

Isinuot ko ang shades ko. Napatingin ako kay Lira na nakatingin sa akin.  Nasa airport kami at di ko magawang pumasok kahit na  para mag check in lang. Baka pag pumasok ako di ko na magawang lumabas pa, at baka kung hanapin niya ako ay di niya ako makita. Hindi ko gustong mangyari sa amin ang mga nangyayari sa movie. Yung di siya papapasukin sa aiport tapos, lalabag siya sa rule ng airport at parang superhero na hahanapin niya ako sa loob. Ayaw ko nun... Kasi di nangyayari sa totoong buhay yun. 

Lira: Mag check in muna tayo. Balik lang tayo dito. Tingnan mo, pinagtitinginan ka na ng mga tao. 

Oo nga.. Pinagtitinginan nila ang kawawa kong mukha.. Ang naiiyak kong expression... Nasa tabi lang ako ng entrance at nakikitabi sa guard para hindi pagkaguluhan. Pumikit ako at biglang naalala ang nangyari kahapon...

Flashback....

" Iwanan mo na ako. Pangako, maghihintay ako."

Halos mag-away kami dahil sa decision na naman niya. Di na naman niya ako binigyan ng choice. Siya na naman ang decide para sa akin. Ang g*go noh?? Ginawa na niya dati, gagawin din niya ngayon. Gaya ng napag-usapan, lumabas kami. Nag-mall kami na para bang wala lang nangyaring eskandalo. Pinagtitinginan kami ng mga tao. At mas nasasaktan ako sa mga pinagsasasabi nila kay Ash. Kesa daw pinaasa na ako dati, umasa ulit ako ngayon. Dahil daw ang tanga ko para muling maniwala sa kaniya. Pero anong magagawa ko? Eh kung ang umasa ko nagawa ko ulit, ang magmahal pa kaya?

Hindi pa ako makamove sa sinabi niyang umalis ako. Di niya talaga ako sasamahan. Nagpatawag ako ng press para madinig nila ang pahayag ko tungkol sa issue.

'I'd like to thank you all for coming tonight.." - Panimula ko. Tiningnan ko muna silang lahat. Ang mga chismosong paparazzi na ito! Sinuman ang nagpakalat ng balitang yun, ipapa-salvage kita! Siguraduhin mo lang di kita mahahanap.

"Miss Asia.... Why did you hide it? Diba sinaktan ka niya? Pero bakit pinagtatanggol mo siya?"- Ikaw ba ang nagpakalat? Parang si Satanas ang utak ko at kung sinuman ang nagtatanong ay pinagdududahan ko.

Pati sina Kathryn, Daniel at James ay inabala nila sa kakasunod at kakatanong nila. Mga WALANG HIYA!!

CHina: I would like to clear the issue. Last 3 years ago, I was nobody. Extra extra lang ako. At minsan nagco-commercial model ng paa, ng buhok, ng ngipin at kung anu-ano pa. Napasama din ako sa issue na hindi naman totoo. Naranasan kong ma-bash, mapagsalitaan ng masama ng mga fans. Tapos, nandun siya. He was there when people judged me. And now here I am, dahil siya na ang nahuhusgahan. Why do you judge him that fast? Dahil ba sa umiyak ako?

You Who Loved Me (KRISJOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon