Ash’s POV
I smiled.
Pagkagising ko pa lang. Parang hindi na mabura ang ngiti sa labi ko.
Napatingin ako sa laptop ko. Napasimangot naman ako nang makita kong...
Jose Maria Aguilon likes your page.
Jose Maria? Lalaki siguro ‘to. Bakit nila ni-like yung fanpage na ginawa ko?
Minsan lang akong magfacebook. At ang mga friends ko, family ko lang. Ewan ko ba?! Kasi kahapon...
Napangiti ulit ako.
Kasi kahapon nung ginawa namin ang deal, parang ginusto kong makita siya lagi. Kaya naisip kong magfacebook. At yun nga... Ginawan ko siya ng fanpage, at ginawa kong profile pic yung animated na baboy. Pero bakit may nag like pa?
Ash... Loko loko ka na talaga. Ginawa mo nga ang fanpage para magkaroon siya ng madaming fans and likers. Tapos heto ka?! Nagagalit kasi may naglike?
Loko lokong isip ‘to! Kasi naman.. Gusto ko ako lang ang liker niya. Gusto ko ako lang ang magkakagusto sa kaniya.
China: Anong ginagawa mo?
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot ‘tong si China sa tabi ko at nanunuod ng ginagawa ko.
China: Oh? Ba’t pangalan ko ang nandiyan?
Tanong niya habang nilalapag ang libro niya sa table.
Ash: In-add kita sa facebook. Accept mo ako ha?!
Ngumiti siya.
China: Ayaw ko nga?! Pahirapan muna kita.
IOFHGEU(FH~!!!!! Bakit pa kailangan pahirapan ako? Ako kaya ang magpahirap sa kaniya?
Ash: Get a piece of paper. And answer this.
May binigay akong questionnaire.

BINABASA MO ANG
You Who Loved Me (KRISJOY)
FanficSi Ash at si China... Sobrang magkasalungat. Palaging nagkakabangga ang ugali nila. Pero sabi nga nila opposites attract. Pero paano kung hindi iyon ang problema? Will they meet again and recall how they loved each other? Hanggang pagbabalik tanaw...