Chapter 7: Pain Of Death

68 21 0
                                        

"Somethimes, Cats are protecting each other but somethimes, they kill each other one by one."

-James Wan

---------------------------------------------------------------x

DWEN'S POV

Dahan dahan kong minulat ang aking mata, wala akong makita kundi itim, napakadilim ng lugar nato, kung nasaan man ako, sigurado akong madilim ang lugar nato.

Nang maalimpungatan na ako, naramdaman kong nakagapos ako, nakagapos sa isang maduming lubid, pati ang aking paa at kamay ay may gapos, nang tuluyan nakong makagising, naramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo, agad ko tong kinapa, may dugo, bakit ako may dugo? Dumudugo ang ulo ko.

Wala akong ibang naisip kundi humingi ng tulong kaya dali dali akong sumigaw hangga't makakaya ko, habang malakas akong sumisigaw, naramdaman kong may papalapit sakin, nilibot ko ang aking mga mata, madilim parin ang aking nakikita, ramdam ko parin ang kanyang paglakad, tao ba ito o isang hayop, ahas o ano? Maraming nabubuong tanong saking isipan ng mga oras nayon pero pinili kong magpakatatag.

Nagulat ako ng biglang umilaw ang bumbilya saking uluhan, agad akong nasilawan, dahan dahan kong minulat muli ang aking mga mata, nang maimulat ko na ito, nakita ko ang isang taong may maskarang pusa, may hawak itong palakol at kulsilyo, labis akong kinabahan saking nakita, pinilit kong makawala pero di ko kinaya ang mga lubid na nakatali saking paa, kamay at katawan.

Habang papalapit ito, nasisinag kona ang baril sa kanyang bulsa, nang makalapit na ito ay agad akong nagmakaawa.

"Tu-tulong, pakawalan moko! Parang awa monaaaa!" Pagmamakaawa ko sa kanya, agad naman siyang napatawa ng mahina.

"Bakit kita tutulungan, aber, magbigay ka ng magandang dahilan." Mapangahas nyang wika, agad kong nakilala ang kanyang tinig, hindi maaari, siya ang pumapatay?

"Kilala kita." Wika ko, agad naman siyang napalapit saking mukha.

"Kilala mo na ba talaga ako?" Mapangahas nyang wika, biglang bumilis ang tibok ng aking puso saking narinig.

"Wala pang nakakakilala sa tunay na ako!" Wala pa!" Sigaw nya, sinundan naman ito ng isang mahinang halakhak, nahihibang nasya.

Nagulat ako ng marinig ko ang lakad ng isa pang tao, nasa likoran ko sya.

"Ba't di kapa nagsisimula? ha? Pahirapan mo nayan! Tanggalan ng ng mata o tenga, wag tayong magsayang ng oras." Mapangahas na wika ng taong nasa likod ko.

Nakita kong inabot ng taong nasa likod ko ang isang tinidor, bigla akong napaluha.

"A-anong gagawin n-nyo?" Utal utal kong wika, agad namang hinawakan ng taong nasa likod ko ang aking ulo, ng biglang lumapit saking mukha ang taong may maskarang pusa.

"I like your brown eyes, Dwen! pwede bang sakin nalang yan?" Mapangahas na wika ng taong may maskarang pusa, agad naman akong napaluha ulit.

"Maawa kayo sakin, please maawa kayo!" Iyak kong wika, di naman sila nagpatinag at tinuloy ang masamang balak, agad tinutok ng nakamaskarang pusa ang tinidor saking mata.

"Noooooooooooo! Maawa kayo please!" Pagmamakaawa ko, nagsilbi silang bingi saking sinambit.

Natigilan sila ng may marinig silang ingay, nagmumula ito sakin bulsa, agad sumagi saking isip ang cellphone ko, sigurado akong si Karlos yan, ang kasintahan ko.

Unique Section Where stories live. Discover now