"Revenge is the key, Death is the punishment."
-Roy Walker.
---------------------------------------------------------------x
JENNA'S POV
"Guys may balita na ba kay Dwen at Gaby?" Tanong ko kay Taylor Maxinne, Andrea at Allyson, nagmistulan silang bingi saking mga binanggit, minsan nga, pinagdududahan ko na sila, sunod sunod ang nawawala pero parang normal lang sa kanila, pero masama pagdudahan ang mga besfriends mo, mahirap paniwalaan.
Naputol ang aking pagmuni muni ng biglang napasalita si Allyson.
"Guys! Tingnan nyo oh, nakikita nyo ba yung library sa 4th floor? parang walang tao doon, i have a plan!" Wika ni Allyson, sa pagsasalita nya, kutob kong mapanganib na naman ang plano nya.
"Pasukin natin yan! Diba dyan nakatago yung diary ni Thea? Let----------------" putol na wika ni Allyson ng mag salita si Taylor Maxinne.
"Maghinay hinay ka nga dyan, baka may makarinig sayo! Ang tanga mo talaga kahit kailan!" Bulong na wika ni Taylor Maxinne.
"Papasukin natin? Pero parang creepy naman nyang library nayan, napakalaki at maraming pasikot sikot." Pagtutol ni Andrea sa plano ni Allyson, kita ko sa mata ni Andrea ang pagkatakot.
"Kung ayaw mo, edi wag, it's gonna be fun!" Supladang wika ni Allyson, agad naman niyang hinalungkat ang kanyang bag, at may nilabas na maliit na bagay.
"Taraaaaan!" Wika nya habang nilalabas ang maliit na bagay, isang susi.
"Ang galing mo talaga Ally! Kahit kailan!" Di makapaniwalang wika ni Taylor Maxinne, nagsimula na kaming maglakad papunta sa library ng 4th floor ng old building.
SOMEONE'S POV
"Exciting nga yung plano nyo! Humanda kayo, hahahaha!" Bulong ko saking sarili, habang nakatago sa malaking puno ng acacia.
Nang makita ko na silang papaalis, dahan dahan narin akong lumakad para sundan sila sa pupuntahan nilang impyerno, hahahaha, humanda sila, dahil sinusundan na sila ni kamatayan! Hahaha!
Habang ako'y dahan dahang umaakyat sa hagdanan ng old building, naalala ko ang sinabi kanina ni Allyson, "Diary ni Thea?" Ano naman ang gagawin nila doon? Mga hangal talaga.
Nang makarating na sila sa 4th floor ng old building, dali dali silang tumakbo papuntang library, ang pinakamalawak na library dito sa buong Hillton, dahil ang library nato ay kasing laki ng 5 o 6 na classroom, dahil nandito na lahat, ang mga files ng mga guro, sinaunang records ng unang estudyante dito sa Hillton Academy at iba pa.
Nang makita kong nabuksan na nila ang library, dali dali ko itong tinungo nago tumiklop, mga bobo talaga, di pa talaga tiniklop.
ANDREA'S POV
Nang makapasok na kami ng library ay bumungad ka agad samin ang kadiliman, kaya agad naming kinuha ang aming mga cellphone, at binuksan ang flashlight nito, sa sobrang lawak nito, mahihirpan kami hanapin ang gusto nilang hanapin.