Chapter 19: Sembreak Vacation

22 3 0
                                    

"The fear of death follows from the fear of life, A man who lives fully is prepared to die at any time."

-Mark Twain

---------------------------------------------------------------x

APPLE'S POV

Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse ni Ysabelle, nagdidrive sya at katabi ko si Eljean, papunta kami sa island resort nila Taylor Maxinne para sa Sembreak vacation namin, napagusapan namin na ito nakaraan pa at hindi magiging drawing ang isang linggong bakasyon namin.

"Sigurado ba kayong andoon si Jayden, Apple? Eljean?" Interesadong tanong ni Ysabelle habang nagdidrive ng kanyang kotse.

"Syempre andoon yun Ysa! andoon ang mga barkada nya eh." Wika ni Eljean, agad naman siyang bumalik sa paglalaro ng R.O.S.

Dahil nakakaboring sa kotse ni Ysabelle, kinuha ko nalang ang aking earphone at agad pinasak saking tenga, habang pinapatugtog ang paborito kong tugtog, ang paborito naming kanta ng dati kong matalik na kaibigan, si Thea.

Start of flashback----------------------x

"Sino ngang kumanta nyan Apple?" Kulit na tanong ni Thea sakin, nagmistulan akong nagbingi bingihan sa kanyang tinatanong para mangkulit pa sya, yun na kasi ang bonding namin, ang magkulitan.

"Thea, kumusta na yung step sister mo?" Tanong ko sa kanya, di naman ito naimik ng matanong ko ito sa kanya.

Ang kanya kasing kapatid ay may sakit na Bipolar, di na namin pinaguusapan yon dahil nagiging akward sya sakin kapag natatanong ko iyon.

"Uy thea? sorry nanga sa natanong ko, di bale babawi ako sayo, dun ka magdinner sa bahay ha, ipagluluto kita ng chicken curry!" Pangaalok ko sa kanya.

agad namang nabuhayan si Thea at tumango, agad ko syang binigyan ng matamis na ngiti.

End of flashback-------------------x

Napasilip ako sa salamin ng kotse ni Ysabelle ng makita kong malapit na kami sa Resort ni Taylor Maxinne, agad ko namang sinabihan si Eljean at agad itong tumigil sa paglalaro.

Nang nandon na kami sa harap ng resort nila Taylor Maxinne ay agad kaming bumabang Tatlo, at agad kaming pinagbuksan ni Taylor Maxinne ng Gate, naka bikini ito at reading ready na mag swimming.

"Welcome to Arrieda's Resort, Apple and Eljean! Specially you, Ysabelle!" Plastic na pangwewelcome samin ni Taylor Maxinne, agad naman plastic na ngumiti si Ysabelle bago kami pumasok.

Agad bumungad samin ang napakagandang beach nila Taylor Maxinne, nakita narin namin ang aming mga kaklase, kami lang taga Unique Section ang nandito sa Resort nato dahil napakaprivate nito.

Agad kaming pumunta tatlo sa CR para magpalit ng beach suits.

KILLER'S POV

Agad akong napangiti saking nakita, kami kami lang ang nandito, puro taga Unique Section, pero di ko muna sila papatayin lahat dito, naaayon ang lahat saking mga plano, pero wag kayong mag alala, lahat kayo ay may kalalagyan.

Unique Section Where stories live. Discover now