Chapter 15: Gun Tacker

40 3 0
                                    

"Blood is thicker than water."

-Anonymous

--------------------------------------------------------------x

CHARLENE'S POV

Ramdam parin ang takot sa Unique Section dahil sa dahil sa sunod sunod na pagpatay, sino kaya ang gumagawa nito? habang patagal ng patagal ay paunti ng paunti kami, ano ba ang kasalanan ng seksyon nato?

Dumagdag pa ang karumaldumal na ginawa kay Gaby, sinunod sya at ang gwardyang walang mga mata at may gilit ang leeg na natagpuan kahapon sa Room 111.

Bigla kong naalala ang balitang pinatay daw ni Ms. Librarian ang maghahatid sa kanyang dalawang gwardya sa Mental Hospital, at ang pagpatay niya kay Andrea.

Hanggang ngayon ay di pa nahahanap ang mamamatay taong si Ms. Librarian, what if bumalik sya dito para ituloy ang deathlist na ginawa nya? ayoko pa mamatay.

Natigil ako sa pagmumuni ng may pumasok saming room, si Mr. Hillton.

"Okay Unique Section, wala si Ma'am Cathy, nag leave sya ng tatlong araw, sa mga nangyari kahapon, sigurado pa akong naguguluhan pa kayo kaya napagdisesyonan naming mga teachers na wala muna kayong ulit klase." Pahayag ni Mr. Hillton, nang masabi na nya ang gusto nyang sabihin ay agad naman itong umalis ng aming room.

Napagpasyahan ko nalang umuwi muna at tumambay nalang sa dorm keysa manganib ang buhay ko sa labas o sa room nato.

Paalis na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, nagtaka din ako dahil sunod sunod ding tumunog ang cellphone ng aking mga kaklase, agad kong chineck ang cellphone ko, nakita kong may nag message sakin ng isang video clip at isang voice record, labis akong nabigla ng mapanood ko ang video, napabitaw ako saking cellphone, nagsimula nang magsigawan ang aking mga klaklase sa mga video na sinend sa aming mga cellphone.

Agad kong dinampot ang aking cellphone, nakita ko sa video ang putol putol na ulo,katawan, hita, mga paa at kamay ni Chaselyn, natusok itosa matutulis na buho at iniihaw, pinakinggan ko naman ang voice record, biglang tumayo ang aking balahibo sa boses ni Chaselyn na sumisigaw, sa boses nya, may pinuputol siguro parte ng katawan nya dahil sa bawat sigaw nya ay parang may kutsilyong tumatama sa matigas na bagay, baka iyon ang kanyang buto.

Bigla pang natakot ang lahat ng may magsalita sa speaker ng unique section, sa taas ng blackboard.

"Hahaha nagugutom ba kayo o nalalasap sa iniihaw ko? Hahaha, wag kayong mag alala, meron akong pinadala sa inyo hahaha!" Wika ng di pamilyar na boses galing sa speaker, kung sino man sya, wala syang puso sa pinanggagagawa nya.

Maya maya pa ay may kumatok sa sarado naming pintuan, agad ito binuksan ni Jayden, at bumungad samin ang pink na karton na may red ribbon pang nakatali dito, agad itong kinuha ni Jayden at naghintay sa senyas ni Taylor Maxinne kung bubuksan naba o hindi, nang sumenyas na si Taylor Maxinne ay agad binuksan ni Jayden ang Pink na box na may red ribbong nakatali, napalayo si Jayden sa kahon at napatakip ng ilong, agad din naming nilapitan ang kahon at bumungad samin ang ulo, kamay at paa na inihaw, agad nagsigawan ang buong estudyante ng Unique Section at nagmadaling lumabas sa room.

Agad akong tumakbo pababa ng building ng Unique Section at mabilis na tumakbo papunta ng aking dorm.

KILLER'S POV

Unique Section Where stories live. Discover now