"Allyson, The Snake."
--------------------------------------------------------------x
AXEL'S POV
NAGISING ang aking diwa ng maramdaman ko ang pagbuhos ng napakalamig na tubig sa aking katawan, agad napamulat ang aking mga mata.
Pagmulat na pagmulat ko ay labis akong nagtaka, wala akong makita kundi itim, madilim, ginalaw ko ang aking ulo at nagsakaling nandidilim lang ang aking mga mata, pero di parin nabago ang kulay nito, itim parin ang aking nasisinag at napakadilim.
Nagsimula nakong magtaka, ginalaw ko ang aking mga kamay pero kahit ang mga iyon ay di ko magalaw.
Anong nangyayari sakin?
Sinubukan ko parin igalaw ang aking mga braso pero di ko parin ito nagagalaw, habang sinusubukan ko itong pagalawin ay nadikit ang aking balat sa napakagaspang na bagay, pinakiramdaman ko ang mga ito ng mabuti, hanggang sa nalaman ko na ang bagay na ito na napagaspang.
"L-lubid ba ito? N-nak-katali ba ako?" Bulong ko saking isipan.
Saka ko lang naramdamang nakagapos nga ako, ang aking buong katawan pati narin ang aking mga braso, kamay at paa.
Nagulat ako ng biglang may humawak ng aking leeg, labis akong nataranta at sinubukang manlaban, pero wala akong nagawa dahil ako'y nakagapos.
Nang makamdaman ko na ang kanyang kamay sakin leeg ay labis uli akong nagtaka, dahil parang may tinatanggal itong tali saking leeg, saka ko lang napansin ang manipis na taling nakatali sakin kanina pa.
Nang naramdaman kong tuluyan nya na itong natanggal ay may agad siyang tinanggal.
Tinanggal nya ang kanina pang nakabalot saking ulo na grabage bag.
Garbage bag pala ang nakikita ko kanina na itim at napakadilim, nasa loob pala ng grabage bag ang ulo ko kanina.
Nang makawala na ang aking ulo sa loob ng garbage bag ay bumungad sakin ang kaliwanagan, agad akong napapikit sa kasilawan ng liwanag na sumalubong saking mata.
Dahan dahan kong binuksan ang aking mata, ang liwanag pala nayon ay nanggagaling sa isang bumbilya.
Inikot ko na ang aking mata, wala akong makita kundi mga lumang mga upuan, nasa stock room bako?
Nakita ko ring nakagapos ang buo kong katawan, tama nga ang aking hinala, nakagapos ang aking buong katawan sa isang napakatibay na upuang kahoy.
Pinilit kong makawala pero di ko kinaya dahil narin sa napakasikip na paggapos sakin.
Nang matapos ko nang pagmasdan ang kaawa awa kong kalagayan ay nilibot ko ang aking mga mata para humanap ng gamit na pwede kong gamitin para makawala ako sa matutibay na lubid nato.
Pero di gamit ang aking natagpuan, kundi isang tao, katulad ko ay nakagapos din ito sa upuang kahoy, nababalot din ng garbage bag ang kanyang ulo katulad ko kanina at