Chapter 17: Dirty Secret

43 3 0
                                    

"Death, in itself, is nothing; but we fear."

-Johnny Deep

--------------------------------------------------------------x

ALLYSON'S POV

Magsesembreak palang pero parang nalalagas na kami isa isa, pati si sasha nadamay na, mag tatatlong buwan na ang nakakalipas ay nawawala parin sya, buhay pa kaya sya?

Agad akong nagcellphone at binasa ang message ng nangungulit sakin.

"Babe? Kita naman tayo oh? sa park lang, namimiss na kita eh." Message nito sakin, agad naman akong nagbihis at lumabas ng aking dorm.

Nagdala narin ako ng flashlight dahil mag e-eight o'clock ng gabi na, agad akong pumunta sa park para makipagkita sa kanya.

Nang makarating nako sa madilim na park ay agad ko syang nakita.

"Babe! Salamat dumating ka!" Bungad nitong wika sakin agad naman akong sumagot.

"Axel, itigil na natin to, nakokonsensya nako, may girlfriend kana, at yung girlfriend mo pa, kaklase lang natin!" Wika ko kay Axel, agad naman itong nagdahilan.

"Allyson! sa una palang ikaw na ang gusto ko, di ko naman mahal si Ayah eh, alam mo naman ang dahilan kung bakit." Dahilan nito ni Axel, agad ko namang naalala ang dahilan ng pangliligaw nya kay Ayah.




Starting of flashback---------------x



"Babe, i need to do this, gagamitin ko lang naman sya eh, natin, so please sana maintindihan moko." Pagpapaliwanag ni Axel nang nakita ko sila ni Ayah na naghahalikan.

"So Axel, ano nga yung point? Ha?" Maluha luha kong wika kay axel, sino ba namang girlfriend ang hindi masasaktan nang makita mong may ibang kahalikan ang boyfriend mo.

"I need her Babe, kailangan kong makapasa, kailangan kong makapasa sa Third Year, di ko naman talaga sya mahal eh, i just using her para makapasa." Pagpapaliwanag nito, agad naman ako napasagot sa kanyang tuwid na katwiran.

"Pano kung mainlove ka talaga sa kanya? Pano ako Axel? dyan nagsisimula axel eh, sa ginagamit, pero deep inside, may gusto kana talaga, tapatin mo ngako Axel? mahal mopa ba talaga ako?" Sigaw ko sa kanya, agaran naman itong nagpaliwanag.

"Walang makakapalit sayo Allyson, dahil naiiba ka sa kanila, you're so unique, yan ang nagustuhan ko sayo." Wika ni Axel, agad naman akong napadahan dahang ngiti sa kanyang mga sinabi.

Pinilit ng pinilit nya ako hanggang sa napa oo nalang ako, tama nga sya, magagamit namin ang katalinuhan ni Ayah para makapasa, at makagraduate.

simula noon ay nagsimula nang manligaw si Axel kay Ayah at agad agaran naman niya itong napasagot, dahil dito ay napalakas ang kapit namin sa katalinuhan ni Ayah.

kaya kami nandito sa Fourth year ngayon, dahil sa kanya, tuwing gabi kami nagkikita ni Axel at sinusulit namin ang buong gabi, nakay ayah nga ang katawan nito pero nasa akin naman ang diwa nito.


End of flashback---------------------x


"Gusto ko na syang tapatin Ally, para makabulgar na tayo ng relasyon natin." Wika ni Axel, pero agad kong naisip ang katalinuhan ni Ayah, sayang naman ito kung hindi namin mapapakinabangan ni Axel, kinain ko muna ang aking pride at tinutulan si Axel.

"Babe wag muna, kailangan pa diba natin sya? wag kang mag alala, malapit na tayong magbulgar, just wait." Wika ko dito, agad naman ito napangiti sa aking mga sinambit.

AYAH'S POV

"Sino ang niloloko nyo? Mga tanga?!" Bulong ko saking isip habang minamasdan silang naglalandian, matagal ko nang alam, ginagamit nila ang katalinuhan ko, pero di na nila ito mapapakinabangan, i mamake sure ko na babagsak na kayo kasabay ng relasyon nyo.

"Mali kayo ng pinaikot? di nyo ba natandaan? Matalino ako, remember?" Bulong ko saking isip, agad naman bumalik ang aking pagmamasid sa dalawang mga ahas.

Dati pa alam ko nang may relasyon sila, pero nagbubulag bulagan ako dahil may sarili akong plano, sa huli, sila ang magpapatayan, at hindi ako ang papatay sa kanila.

agad napakumo ang aking kamao sa galit ko sa kanilang dalawa.


Unique Section Where stories live. Discover now