Chapter 34: Collaboration

25 3 0
                                    

"..........................."





-............




--------------------------------------------------------------x





SOMEONE'S POV

Natapos nanaman ang isang araw na di ako nakakaamoy at nakakatikim ng malapot na dugo kaya naghanap ako ng aking mabibiktima.

Nakita ko ang babaeng nagiisang nakaupo sa isang linya ng upuan, dahan dahan akong lumapit at hinugot ang napakatalas kong kutsilyo sa gilid ng aking bewang.

Nang tuluyan nakong makalapit sa kanya, agad akong pwinesto ang kumikinang kong kutsilyo sa uluhan ng babaeng ito.

Napansin kong kaklase ko pala sya, may hawak siyang isang litrato ng isang babae.

"Alam ko nandyan ka." Tanging wika ng aking kaklaseng may hawak ng isang litrato.

"Hindi ako kalaban kaya ibaba mo ang kutsilyo mo sa taas ng ulo ko." Dagdag pa ng aking kaklase.

Nagkaroon tuloy ng palaisipan saking isipan, ano kaya ang sinasabi nya?

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakatutuk ng kutsilyo sa kanyang ulohan.

Agad siyang humarap sakin, agad kong nakita ang kanyang mala anghel na pagmumuka.

"Ikaw, ikaw ang misteryosong pumpatay diba?" Mahinahong wika ng mala anghel na mukha ng aking kaklase.

Magsasalita na sana ako ng bigla nya akong unahan.

"Alam ko kung bakit mo iniisa isa ang mga estudyante ng Unique Section dahil may malaking kasalanan sila sayo." Wika ng aking kaklase at may kasamang napakatamis na ngiti.

Kakaiba sya mangusap, nakakabilib.

"Hindi ako kaaway, isa akong tapat at napakamapagtitiwalaan na kaanib." Wika ng aking kaklase.

"Patunayan mo." Maikli kong tugon sa kanya.

Agad niyang hinarap sakin ang litratong hawak hawak nya, nakita ko sa litrato ang dalawang dalagitang napakalapit sa isat isa dahil nakaakbay sila sa picture.

Ang isang babae ay ang mala anghel na aking kaklase at ang isa naman ay ang misteryosong babae.

"Nakita ko ang paghihiganti mo, simula kay Ashley at sa iba pa. ramdam ko ang galit na iyong nararamdaman sa Buong klase ng Unique Section, kaya handa akong makipagtulungan sayo para mapabagsak silang lahat, napakalaki din ng kasalanan nila sakin." Pagalit na wika ng aking kaklase.

Nakita kong kating kati na ang kanyang kamao para pumatay at magpahirap sa mga Estudyante ng Unique Section.

Di ko lubos akalain na mag lihim na kabrutalan ang kaklase kong ito.

"Tama lang naman na mamatay sila, mga panira at sabagal lang sila sa iisa nating plano!" Padagdag na wika ng aking kaklase, bakas sa mukha niya ang kapanabikang makaganti.

Naputol ang usapan namin ng maramdaman naming may papalapit saming kinalalagyan.

Nangingibabaw ang tunog ng kanyang black shoes habang siya'y papalapit samin.

Agad kong tinago ang kutsilyo ko saking beywang, tiningnan ko ang aking kaklase, bakas sa kanyang mukha ang kapanabikang makita ang paparating na tao saming kinalalagyan.

At nakita nanga namin ang kanyang pagkatao, siya si Carl, ang nerd naming kaklase, nakasuot sya ng harry potter glass at nakasuksok ang dalawang kamay sa kanyang mga bulsa.

Unique Section Where stories live. Discover now