Chapter 3: Meaxtre di liviero

118 24 0
                                    

"Don't play againts the devil, He cheats."

-Charlotte Fox


---------------------------------------------------------------x

TRIXIE'S POV

Nakahanda nakong pumasok kaya hindi nako nagpatumpik tumpik pa, agad akong umalis ng aking dorm.

Habang naglalakad ako, nakikita ko ang mga taong nakatingin sakin ng masama, di bale, sanay na sanay nako sa pinanggagagawa nila.

"Tumabi kayo sa daan, baka mamaya may dala yan chainsaw, baka kumalat ang dugo dito." Pasigaw na wika sakin ng ng babaeng nagaaral din sa Hillton Academy sabay taray sakin.

"Dapat ang gawin dyan, pahirapan kasi salot yan! Salot!" Wika pa ng isa.

"Painosente inosente lang yan baka mamaya dagain na tayo ng palakol sa likodan natin!" Wika pa ng isang babae.

Hindi ko nalang sila pinapansin, baka lumaki pa ang gulo, para bang bingi akong naglalakad habang sila ay nanghuhusga tungkol sakin, may araw din sila, hindi man ngayon pero balangaraw.

Biglang naputol ang aking pagiisip ng may biglang bumato sakin ng mga garbage bag, hindi ako nagpatinag, naglakad parin ako ng parang normal lang.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating nako saming room, bago ako pumasok ay tiningnan ko muna ang aking relo, 7:30 na pala!

Agad akong pumasok, napakarami na palang kapwa ko estudyante sa room namin.

Pagpasok na pagpasok ko ay agad may bumato sakin ang napakaraming bolang papel.

"Andito na ang baliw! Andito naaaaaa!" Sigaw ng mga kaklase kong lalaki, panangungunahan sila ni Jayden, sya naman talaga palagi ang nangungunang nambubully sakin, kaya di ko nalang dinama ang mga bolang papel na tumatama sa aking katawan.

"Boys stop it! Ang aga aga napakasama nyo kay Trixie! Itigil nyo na ang pangbabato!" Mahinahong sigaw ng aming presidente, si Laura, ang palagi saking nagtatanggol habang hawak hawak ang attendance sheet.

"Boys wag kayong makinig sa Tangang yan! Ituloy nyolang! Kung humarang, batuhin nyo narin!" Sigaw ni Taylor Maxinne sa mga lalaking nambabato sakin.

Sumunod agad sila kay Taylor Maxinne, agad akong umupo saking upuan.

Ng mga ilang saglit ay tumigil din sila sa pambabato, nasawa din sila.

Ilang saglit pa ay dumating na ang teacher namin sa filipino, si Maam Luchielyn na may dalang misteryosong pulang box.

"Good Morning students of Unique Section!" Masiglang wika ni Maam Luchielyn, sabay sabay kaming tumayo para mag goodmorning din, at agad din kaming pinaupo.

"Umm, Students! Di muna ako magkaklase kasi may aasikasuhin pako." Mahinahong wika ni Maam Luchielyn, sabay naghiyawan naman ang aking mga kaklase, tuwang tuwa sa isang oras lang na walang klase.

"Ah Maam, ano yang hawak mo?" Halatang paplastic ni Ysabelle na wika kay Maam Luchielyn, ganyan naman sila, mga plastic, pakitang tao.

"Malamang box! Duh! Use your common sense nga Ysabelle!" Pabarang wika ni Taylor Maxinne kay ysabelle, yan naman palagi ang mga roll nila sa seksyon nato, ang magbarahan at magsagutan.

"Ikaw ba si Maam? Ha? Taylor Maxinne? Napakabobo!" Inis na wika ni Ysabelle kay Taylor Maxinne, napakunot ng noo si Taylor Maxinne kaya agad syang lumapit kay Ysabelle, pero napigilan sya ng seatmate nya na si Jenna, ang kanang kamay nya.

Unique Section Where stories live. Discover now