Chapter 25: Amanda.

16 2 0
                                    

"Queenie, The Valiant."




--------------------------------------------------------------x

APPLE'S POV

AYOKONG Tumambay sa room kaya lumabas muna ako ng room at dumiretso sa cafeteria, tutal wala naman klase, palagi nalang.

Naalala ko tuloy si Samantha, kami ang huling magkasama bago sya nawala, nasan na kaya sya? Buhay pa ba sya o patay? Tanong na di ko masasagot kailanman.

Agad akong umorder sa kahera ng Cafeteria, wala masyadong tao sa cafeteria at mabibilang ko lang saking kamay ang tao dito.

"Isang milktea nga po, at isang gravy with spaghetti." Order ko sa kahera ng Cafeteria, agad niyang nilista ang aking mga order, habang tinitingnan ko sya ay may napansin ako sa kanya.

"Amanda?" Bulong ko saking sarili, amanda pala ang ngalan nya.

Nang makita ko iyon sa maliit nyang nametag ay agad sumagi saking isip ang ngalang amanda.

Si Amanda, ang nagiisang kapatid ni Thea, Thea Aquino, ang matalik kong kaibigan.



Starting of flashback------------x


Habang kami'y nagrereview ni Thea, agad siyang may naalalang importanteng tao sa kanyang buhay.

"Miss ko na si Amanda." Wika ni Thea.

"Amanda?" Tanong ko sa kanya, agad naman itong napasagot sa pagtataka kong tanong.

"Kapatid ko." Napatigil ako sa pagrereview nang bigla nyang sinambit iyon.

"Meron kang kapatid?" Tanong ko dito

"Nagiisang kapatid." Sagot niya, napatanong naman ako uli.

"Nasan pala sya?" Tanong ko, sa mga mata nya ay kitang kita ko ang pang uulila nya sa kanyang kapatid.

"Baka pag sinabi ko kung nasan sya, layuan mo nako." Wika ni Thea, napaharap ako sa kanya at agad napangiti.

"Bakit naman kita lalayuan? Ano kaba!" Biro ko dito, agad naman naging seryoso ang kanyang mukha.

"Nasa Ospital." Wika nito, napatigil ako ng bigla nyang sinambit iyon.

"Ospital? Kelan pa?" Pagaalala kong wika, agad naman siyang napasagot.

"3 years na." Wika nito, nagulat ako sa kanyang sinabi, akala ko nung una ay nagbibiro lang ito pero lahat ng kanyang sinambit ay pawang katotohanan pala.

"A-anong sakit? Malala ba?" Utal kong tanong kay Thea, bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot.

"Malala." Tanging tugon nito sa mga katanungan ko.

Nagkaroon tuloy ako ng interes sa buhay nya, marami pakong di alam tungkol sa kanya.

"Anong sakit Thea?" Tanong ko dito, napasagot naman agad ito.

Unique Section Where stories live. Discover now