Chapter 27: Investigation

28 2 0
                                    

"Confession is nephew of weakness."

-LawrenceThePsycho

-------------------------------------------------------------x

QUEENIE'S POV

Handa na ang lahat, papaalis na sana ako papunta saming room ng mapansin ko ang naiwan kong notebook sa AP, agad ko itong kinuha sa mesa dahil naalala kong meron kaming klase kay Ma'am Helen.

Nang makuha ko na ito ay agad ko itong isinuksok saking bag, pero bago ko pa ito naisuksok ay may napansin akong isang manipis na bagay na nahulog mula saking AP na notebook.

Nang mapasok ko na ang AP notebook ko ay saka ko kinuha ang manipis na bagay na nahulog kanina.

Nang makita ko na ito ay agad ko itong dinampot, isa pala itong lirato, lumang litrato.

Agad ko itong tiningnan, nakita ko ang isang buong barkada na masayang kinuhanan ng litrato.

Nang masdan ko ito nang mabuti ay bigla akong nabigla saking nakita, mga pamilyar ang kanilang mga mukha.

Nakita ko ang mga napakabatang mukha ng aking mga kasalukuyang mga kaklase, di pala ito normal na litrato.

una kong napansin ang nakaupong si Ysabelle, meron siyang bangs, nakaakbay naman si Taylor Maxinne sa kaniya na merong hairbond, napakaikli ng buhok nito at di mo aakalaing siya iyon.

napansin ko naman ang tatlong lalaking nakatayong nagaakbayan, sa likod ni Ysabelle at Taylor Maxinne.

Tiningnan ko itong mabuti at biglang tumaas ang aking balahibo, nakita ko ang mga napakabatang mukha nila Prince, Jayden at Kent.

Naka army cut si Jayden at wala man lang kabutas butas ang kaniyang mga tenga, sa tingin ko ay di pa sya basagulero nang mga panahong iyon.

Kagaya ng gupit ni Jayden ay ganon din ang mga gupit nina Kent at Prince, kung titingnan sa litrato silang tatlo ay napakasaya nila at napakaclose sa isa't isa.

nakita ko rin ang nasa tabing sina Allyson at Axel na magkatabi, napakalapit nila sa isa't isa at para silang magkasintahan, naging sila ba? ang buong akala ko ay sina Axel at Ayah ang magkasintahan? marami pa pala akong di alam sa mga kaklase ko, sa Unique Section.

Agad kong hinanap si Ayah, at nagtagumpay ako dahil nahanap ko sya sa litrato, napakabata pa nito at napakaganda, may salamin ito at nakatabi kay Jenna, Samantalang si Jenna ay naka dikwatro pang upo at nakaakbay kay Ayah.

At tumungo na ang aking mga mata sa gitnang parte ng litrato, nakita ko si Apple na nakapeace sign ang kanyang kanang kamay at ang kaliwang kamay naman nito ay nakaakbay sa isang babae, di ko kilala, nang tinitigan ko itong mabuti ay agad tumaas ang aking balahibo.

Kung hindi ako nagkakamali, ang kaakbay ni Apple ay ang litrato ng babaeng nakalagay sa pulang box, kasama ng pugot na ulo ni Ashley, ang una kong kaklaseng namatay.

Biglaang pumasok ang napakaraming tanong saking isipan.

Agad akong pumasok nang may dala dalang mga sariwang tanong saking isipan, gusto kong alamin ang nasa likod ng babaeng katabi ni Apple, gusto kong makausap si Apple.

Unique Section Where stories live. Discover now