Chapter 31: Christmas Party

21 2 0
                                    

"Death don't skipping meal, and you is it's next meal."

-LawrenceThePsycho

--------------------------------------------------------------------------x

QUEENIE'S POV

Nakabihis nako at handa na sa gaganaping Christmas Party ng aming section, simple lang ang aking suot, naka dress lang naman ako ng di kabonggahan ang dating at nakatirintas ang aking buhok sa dalawa, nakasandals din ako na di kataasan ang takong at mayroong earings at necklace.

Palabas na sana ako ng aking dorm ng bigla kong nakita ang naghihintay saking si Tiffany sa labas, agad ako lumabas para i entertain sya.

"Kanina ka pa ba dyan? sorry napaghintay kita ah." Masaya kong wika kay Tiffany, napangiti naman ito ng tagingting.

"Ano kaba Queenie okay lang yun, ano? ready ka naba?" Tanong ni Tiffany, agad naman ako napatango, ambait nya talaga saken, sya yung tipo ng taong masarap kasama at kaibiganin.

Napatingin ako sa kanyang suot, napakasimple lang nito pero dalang dala nya ang kanyang kasuotang red dress, namukadkad ang kanyang kagandahan sa kanyang suot, maganda rin ang kanyang earings at necklace lalong lalo na ang kanyang pag kaayos sa kanyang buhok, nakaponytail ito at napakaganda.

Di nako nagpaligoy ligoy pa at sinaraduhan ko na ang aking dorm at naglakad na kami ni Tiffany papunta saming room.

Habang naglalakad kami ay nakita namin si Trixie, katulad ni Tiffany, namukadkad din ang kanyang kagandahan sa suot nito, anggaganda nila.

Nang malapit na kami sa room ay binilisan pa namin ang aming paglakad, hanggang sa narating na namin ito.

Pagpasok na pagpasok namin sa room ay agad nagtinginan ang aming mga kaklase samin.

"Girls! you look gorgeous!" Sigaw ni Ysabelle samin, napangiti naman ako sa kanyang sinabi kahit di ko alam kung pampupuri ba iyon o pangaasar.

Inikot ko ang aking mga mata, napakabongga ng kanilang mga suot.

Nakasuot ng pink dress ng mukhang mamahaling dress si Taylor Maxinne, dalang dala nya ang kanyang suot at napakaganda nya rin, nakalipstick sya ng red at may blush on kaya naman mukha syang kaaya aya, meron din syang kumikinang na kwintas, mukha itong ginto.

Umagaw saking pansin ang pulang malaking telang takip ng aming Christmas Tree, nasa baba ng Christmas Tree ang aming mga hinandang mga regalo sa magaganap na exchange gift mamaya.

Nang dumating na si Laura, ang President namin ay agad na kaming nagsimula, sinimulan namin sa pagdasal, at dumako na kami kaagad sa kainan, ang pinakahihintay ng lahat.

Balak namin pagkatapos ng kainan ay mag exchange gift muna para matunaw naman ang aming mga kinaing pagkain.

Masaya kaming kumain lahat, para bang walang problema at puro tawanan ang bumalot sa room ng Unique Section.

nang matapos na kami kumain ay agad na kaming nag proceed sa pag eexchange gift.

tatanggalin na sana nila Jayden at Kent ang malaking pulang telang nakabalot sa aming Christmas Tree ng bigla nalang umeksena si Ysabelle sa pagsasalita.

"Something weird going on guys?" Pagtatakang wika ni Ysabelle sa buong klase.

"Anong weird? Anong klaseng weird?" Tanong ni Apple kay Ysabelle.

"Last monday, i think napansin kong white yang malaking telang nakabalot sa Christmas Tree? may pumalit ba nyan?" Tanong ni Ysabelle.

"Alam mo Ysabelle? you're talking nonsense! gumagawa kaba ng eksena para mapansin ni Jayden? di ka parin ba makaget over na mas pinili ni Jayden at minahal ni Jayden si Thea keysa sayo ha?" Paniinsulto ni Taylor Maxinne kay Ysabelle.

"How dare you!" Sigaw ni Ysabelle, susugod sana ito ngunit mabilis na hinarang ni Apple ang gigil na gigil na si Ysabelle.

"Wag mo ngakong pigilan Apple!" Paninigaw ni Ysabelle kay Apple.

Tumuloy ang away at nagbanatan ng kanyang kanyang pang iinsulto ang dalawang si Ysabelle at Taylor Maxinne.

"Enough!" Sigaw ni Laura, "Pati ba naman sa Christmas Party magpapatayan kayo?"  Sigaw ni Laura sa dalawa.

Agad pumunta si Laura sa mesa at kinuha ang dalawang kutsilyong nakatusok sa cake, agad niya inabot ang dalawang kutsilyo sa dalawang nagaaway na si Taylor Maxinne at Ysabelle.

"O eto! bibigyan ko na kayo ng tigiisang kutsilyo, magpatayan na kayo!" Sigaw ni Laura.

Nabalot ng katahimikan ang lahat sa sinabi ni Laura, nakakatakot sya magalit, mukhang president magalit.

agad tinanggal ni Jayden at Kent ang telang nakabalot sa Christmas Tree, labis na nagulat ang lahat sa kanilang nakita.

Imbes na Christmas Light ang nakalagay sa Christmas Tree ay isang mahabang bituka ang bumulaga sa lahat, tumutulo pa ang malapot nitong dugo, sigurado akong kagabi lang ginanap ang mga ito, nagmistulang mga Christmas Ball ang mga mabibilog na mata na nakakabit sa Christmas Tree.

Nagmistulang Organs Tree ang Christmas Tree na aming nasaksihan.

Nabalot ang buong room ng sigawan dahil takot

"Sinong demonyo ang gagawa nyan?" Salita ko sa buong klase, nahihibang na ang seksyong ito.

Ang ilan ay nasuka sa kanilang nakita.

Katabi ng Christmas Tree ang mga bangkay ni Mylene at na nakabukas na ang mga tiyan na wala nang mga bitukang natira.

"Wala na sila o syang awa!" Sigaw ni Jenna, napaluha ito at napapasuka pa sa kanyang mga nakita.

"A-ano yun?" Turo ni kent sa likod ng Christmas Tree.

Agad akong tumingin at bumulaga sakin ang mga picture ng piling estudyante ng Unique Section, pinahidan ito ng mga mapupulang dugo at may mga ekes ang mukha.

Nakita ko ang aking litrato, kabilang ito sa mga piling estudyante sa litrato.

Kasama dito sina Ysabelle, Taylor Maxinne, Prince, Ayah, Axel, Allyson, Jenna, Apple, Kent, Kyle, Jayden, Laura, Tiffany at pati ako.

"May nakuha akong papel." Utal na wika ni Kent, "Babasahin ko" dagdag pa nito.

"Mga walang hiya kayo! di ako titigil hangga't di kayo namamatay, lahat kayo! lalong lalo na ang mga kasama sa litrato, tandaan nyo, kayo ang pagbabayadin ko ng mahirap!" Pagbasa ni kent sa papel na kanyang nakita.

"M-may nakalagay bang pangalan? kung sinong sumulat?" Utal na tanong ni Ayah kay Kent.

"Si T-thea!" Sigaw ni Kent.

"Buhay sya?" Tanong ni Ysabelle.

"W-what if naghihiganti sya? What if kung pineke nya lang yung pagkamatay nya? guys!!






Unique Section Where stories live. Discover now