❤CHAPTER 1❤

1.1K 54 43
                                    

Nika's Pov:

"Aalis na kami ha, Niko ikaw na ang bahala kay Nika." Mama

"Opo ma." Sagot ni kuya habang ako naman ay nasa cellphone lang ang atensyon.

"Siguraduhin mo ring alas otso ay tulog na si Nika at kapag nakita mong hindi pa yan tulog kunin mo agad ang cellphone niya." Napaangat agad ang tingin ko dahil sa sinabi ni Papa

"What?! Pa naman!!" Maktol ko agad.

"Opo Pa." Pagsangayon ni kuya sa sinabi ni Papa kaya sinamaan ko siya ng tingin na sinuklian niya lang din ng painoseteng tingin.

"Ang tigas kasi ulo mong bata ka, palagi ng wattpad ang inatupag mo at halos madaling araw ka ng natutulog dahil lang diyan sa wattpad na yan." Sermon naman ni Mama na napasimangot ko.

Duh! Wala namang masama sa pagwawattpad eh! Kesa naman lumayas ako gabi gabi at magpabuntis diyan sa tabi tabi!

"Hayaan mo na Ma, ako na pong bahala sa kanya baka mahuli pa kayo sa flight niyo." Singit ni kuya.

"Oh sige, magiingat kayo dito ha. Yong kapatid mo Niko alagaan mo." Habilin pa ni Papa bago ako halikan sa pisnge at tuluyan na silang lumbas ng bahay.

"Ingat po Ma, pa!!" Pahabol pa ni kuya at ako naman ay dali daling umakyat sa kuwarto ko dahil naistorbo kanina ang pagbabasa ko sa pagalis nila mama at papa dahil nagpaalam pa sila samin ni kuya.

"Yess! Wala ng istorbo!" Sabay talon ko sa kama ko at ilinabas ko kaagad ang cellphone ko na ibinulsa ko muna kanina dahil sa sinabi ni papa.

Hi there over the pader! Yes, isa po akong certified wattpader pero hindi ako pader hahaha! @MissAnghelina nga pala ang username ko sa watty at kung may time kayo pakifollow ako, ha! (*^ω^*)

Share ko lang na din na si ate jhuennstorm nga pala ang favorite Author ko at gustong gusto ko ang mga story niya dahil magaganda talaga, try niyong basahin siguradong magugustuhan niyo. Katulad na lang Maid ako ng Ex Boyfriend kong Cassanova! Lol!

Maya na lang ulit kasi magbabasa ulit ak...

"Nika!" Ughhh! Sabing mamaya ulit. Istorbo na naman eh! Hindi pa nga ako nagsisimulang magbasa eh! *Pout*

"Bakit na naman ba kuya!" Inis kong bungad kay kuya ng pumasok siya sa kuwarto ko na nakataas ang kilay. Duh! Bakla ba siya?!

"Wag mo kong mabakit bakit! Tanghali na ha!"

"Eh ano naman kung tanghal... Aray nama kuya eh!" Binatukan ba naman ako.

"Oras na para kumain ng tanghalian, hindi pagwawattpad!"

"Ehhh naman! Mamaya na kaya! Hindi pa nga ako nakakapagsimulang magbasa ulit dahil isa kang malaking istor.. Wahhhh! Aray! Aray! Kuya bitawan mo na tenga ko!" Daing ko habang hawak niya ang tenga ko at hinila niya ako palabas. Hueeeeee! Ang sakit kaya! Bakit ba ang hilig niyang mamingot ng tenga!

"Pasaway ka talagang bata! Puro ka na lang pagwawattpad! Ipapakulong ko talaga yang nagpalaganap ng wattpad na yan dito sa Pilipinas pag nakilala ko talaga!" Sarap lang sabunotan ni kuya eh kung hindi niya lang hawak ang tenga ko eh.

"Kuya naman eh! Masakit na kaya! Huhuhuhuhu! My ear!"

Thanks naman at naisipan niya ring binitawan ang tenga ko ng makababa na kami.

"Ano bang problema niyo sa wattpad? Wala naman yong ginagawang masama sa inyo eh! Tss! Try niyo kayang gamitin ang apps na yon at bak..."

"At idadamay mo pa ako sa pagiging wattpader mo. Tss! Kumain ka ng ngalang! Gutom lang yan!" Sabay higit niya ulit sakin papuntang kusina. Tss! Kontabida talaga ang kuya kong to eh.

Kakain na lang muna ako. Hueeee!

......

Mga readers wag niyo nga palang kalimutang ifollow ako para maging prends ko kayo hehehehe! (*^ω^*)!! Sabi daw yan ni Nika hahaha!

This Chapter is dedicated to: GeLovEnith thanks po sa book cover ang ganda po talaga(*^ω^*).

VOTE & COMMENT

Love Story Of A Certified Wattpader (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon