🌺CHAPTER 4🌺

493 27 20
                                    

Nika's Pov:


"Ano ba kasi yang sinisimangot mo diyan? Daig mo pa ang batang inagawan ng candy eh." Sabi ni Mitch habang sa cellphone pa rin niya nakatutok.


"Eh kasi nga! Si kuya kinuha yong phone kaya hindi tuloy ako makapagwattpad. Hueeee! Paano na yong binabasa ko? Patapos na yon eh!" Sinamahan ko pa ng tadyak tadyak epek. Kasi naman eh!



"Eh bakit nga ba kinuha ng kuya mo? Siguro naabutan ka niyang nagwawattpad pa ng hating gabi na, noh? Tama ako?" May lahi ba siyang manghuhula? Nice ha, nahulaan niya ang dahilan. *pout*


"Ganun na nga."


"Yon naman pala eh, ikaw rin ang may gawa. Kung ako sayo manahimik ka na lang diyan, okay? Kanina ka pa MALKING ISTORBO sa pagbabasa ko." Ipinagdiinan pa niya talaga ang salitang malaking istorbo. Tsk! Oo na lang, ako na yon.


"Pero nga kasi! Hindi ako mapakali ng hindi ko nabubuksan ang wattpad ko. Hueeee! Anong gagawin ko?"


"Seriously? Hindi ka ba titigil diyan sa kamamaktol mo? Ba't hindi ka na lang kaya manghiram ng phone doon sa manliligaw mong patay na patay sayo. " aba't...


"Ang ganda na sana ng suggestion mo eh. Kaso ilinagay mo pa yong salitang manliligaw. Ano naman kaya ang connect niya sa problema ko ngayon? At saka nahihigh blood lang ako sa lalakeng yon. Kaya pwede ba? Wag mong mabanggit banggit ang..."


"Speaking of manliligaw MO, look who's coming. At talagang inihatid pa talaga siya dito ni Adine *smirk*" no! No! Wag naman ngayon lord!


"Uy Nika! Hinahanap ka nitong manliligaw mo." Yeah i know, at talagang ikaw pa ADINE FERNANDEZ ang naghatid sa kanya sa'kin. Gusto ko sanang isagot sa kanya.


Naku! Naku! Kung hindi ko lang kaibigan ang babaeng 'to baka matagal ko na siyang kinalbo.


Alam naman niya kasing allergic ako sa lalakeng yan tapos siya pa mismo ang nagturo kung nasaan ako.


"At ano namang suhol ang ibinigay niya sayo ngayon para ituro kung saan ako nagtatago?" Taas kilay na tanong ko sa kanya. Pigil inis lang talaga ako ngayon.


"Uhmmm, actually kinutungan ko lang siya ngayon ng 500. Lam mo na, naghihirap ang lola mo ngayon dahil kailangan ko pang bilhin yong book na Hell University para naman makilala ko yong magiging bagong asawa ko na si Supremo." *face palm* ang honest niya talaga.


"Ayaw mo bang nandito ako aking iniirog?" At nagsalita ang ang taong taga bundok *poker face*.


"Obvious ba?" Pamimilosopo ko.


"Hindi naman masyad aking iniirog. Alam ko naman kasing namiss mo din ako ilinilihim mo lang *wide smile*." Assuming niya, ha?


"Yuck! Ikaw mamimiss ko? In your dreams! Kung mga asawa ko pa pwede, pero ikaw? Yuck talaga! Never!"

Love Story Of A Certified Wattpader (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon