Nika's Pov:
"Kuya sige na naman oh. Bigay mo na sakin phone ko, promise matutulog na ako ng maaga. Please kuyaaaaa."
"Manahimik at kumain ka na lang diyan Nika dahil kahit anong ngawa mo diyan hindi ko pa rin ibibigay tong cp mo." Wala talagang puso tong kuya ko. Di na talaga naawa sa kapatid niyang nagmamakaawa sa kanya. Paano ko ba talaga siya naging kuya? Huhuhuhu! Ipabugbog ko kaya to kay Ezekiel Roswell? Taba spelling? Ahh okay.
Pero yong phone ko! Huhuhuhuhu! Paano na pang pag hindi ako nakapagwattpad ngayong araw na to? Anong gagawin ko? Mababaliw ako kapag walang wattpad! Waaaahhhh!!
"Aray naman kuya!! Inaano ba kita?!" Himas himas ko tuloy yong noo ko na pinitik ni kuya.
"Para ka kasing tanga diyan na nakatunganga. Mababaliw ka ba talaga pag walang cellphone? Napakaimposible mo naman." Iling iling na sabi ni kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ako mababaliw pag walang phone! Siguradong mababaliw ako kapag pinatanggal ni Duterte ang wattpad sa Pilipinas! Hindi ko kaya ng walang wattpad!! Huhuhuhu!" Ang totoo? Wala ba talagang awa sakin ang kuya kong to?
(ー_ー)!! - kuya
(╥╯^╰╥) - Ako
"Bilisan mo na lang diyan baka malate ka pa. Wag ka ring masyadong OA kapatid. Ilang araw ka lang hindi makakapag wattpad kaya tiisin mo lang kung ayaw mong habang buhay kang hindi makapagwattpad." Kailan ba ako mananalo sa kuya ko? Paki explain nga kung paano siya ginawa....este kung paano siya naging harsh sa kapatid niyang maganda?
Huhuhuhu! Isipin niyo yon? Ilang araw akong hindi makakapagwattpad?! Kaya niyo ba yon? Kasi ako hindi huhuhuhu!!
Ilang araw akong magtitiis ng walang wattpad. Ilang araw akong magiimagine na lang sa mga asawa ko. Ezekiel my labs! Patorture ko sayo kuya? Syempre joke lang yon, mahal ko kuya ko kahit sobrang BAIT non sakin. Sa sobrang bait non hindi na marunong maawa sakin. *Sa hindi nakaintindi bahala kayo!*
......
"Ehhhhhh! My ghad nekekeleg ekesh!! Sagutin mo na kasi siya!" Hulaan niyo kung sino?
"Kyaaahhhhh! Ayan na! Ayan na! Bibigay na yan! Waaa.... The pak! Ano ba yon?! Nika?!"
"Ako nga mahal kong kaibigang muntanga! Kung makairit ka naman diyan daig mo pa ang baliw." Ang sabihin mo naiinggit ka lang sa kaibigan mo dahil nakakapagwattpad siya, eh ikaw?
"Hindi ako naiinggit!" What the! Napalakas pala ang pagkakasabi ko, dapat sa isip ko lang yon.
"Nangyari sayo?" Tanong ni Mitch dahil sigurado naman ako na narinig niya ang sinabi ko.
"Wala lang hehehe!" Sabay kamot ko pa sa buhok pero wala akong kuto ha, sasapakin ko ang magsabing meron. Syempre joke lang. (*^ω^*)
"Kung makapagsabi ka ng tanga, eh ikaw nga diyan ang mukhang tanga. Sisigaw na lang bigla na parang baliw na may kausap." Tss! (ー_ー)!!
"Kasalanan ko bang may maliit na boses ang bumulong sakin at sinabing naiiinggit daw ako sayo dahil nakakapagwattpad ka! Eh hindi naman talaga ako naiinggit!" Gulat na gulat naman siyang nakatingin sa'kin Kasalanan talaga ng maliit na boses na yon eh!
"Seryoso?" Di makapaniwala niyang tanong.
"Sa tingin mo ba joker ako?" (ー_ー)!!
"Ghad! Baliw na ata ang babaeng 'to."
"May sinasabi ka?" Hindi ko kasi narinig yong huli niyang sinabi.
"Ahh wala! Wala! Sabi ko tara baka dumating na teacher natin." At nauna na siyang tumayo kaya naiiling na lang akong sumunod sa kanya.
Meet Mitch Angel Bagnes, ang isa sa bestfriend kong adik rin sa wattpad. Siya rin ang nagturo sa'kin ng daan patungo sa wattpad world. Kung wala siya baka maligaw ako patungo roon...charot!
Totoong siya nga ang nakaimpluwensiya sa'kin ng wattpad. Kung hindi ko ata siya naging kaklase noong grade 8 kami hindi ko malalaman ang tungkol sa wattpad.
Siya yong tipong wattpader na madaming alam yong tungkol sa ano, yong ano basta alam niyo na yon. Hahahaha! Lagot ako nito kapag nalaman niyang ibinubunyag ko ang sekreto niyang malupit. Siya rin ang nagpakilala sakin sa aking my love na si Valerian, shhh lang kayo. (*^ω^*)
Another, Si Adine Fernandez naman ay isa rin sa 🎵libo libong pagkakataon na nakita kitang masaya🎵...este libo libong wattpader sa mundo. Siya naman yong tipo ng wattpader na gagawa ng story tapos bigla idedelete, gawa ulit, delete ulit, gawa ulit, delete ulit. Ang totoo? Ang problema niya? Pero syempre mahal ko yon kahit magulo ang wattpad lyp niya. (*^ω^*)
By the nandito na pala ako ngayon sa school at siguradong dito ko ibubuhos ang pagkairita ko sa kuya kung pogi...este panget dahil sa pagkuha niya ng phone ko.
Hueeeeee! Paano na ang wattpad lyp ko? Yong mga asawa ko? Hindi ko sila pwedeng iwan na lang ng basta basta! Hindi pwede! Baka magsuicide pa ang mga yon dahil mawawalan sila ng mgandang asawa na katulad ko. My ghad paano na?! Kasalanan talaga ng damuho kong kuya eh! Kung hindi niya lang sana kinuh....
"HOY BABAE! TUTUNGANGA KA NA LANG BA DIYAN! ANONG ORAS?! DIYOS KO PO NAMAN!!!" Gulat na gulat ako dahil sa sigaw ni Mitch at hindi pa man ako nakarecover ay bigla niya na lang ako hinila.
Ipaalala niyo sakin mamaya na ipakukulong ko sa sa salang child abuse. Ang sakit kaya ng pagkakahila niya... (╥╯^╰╥)
.....
This chapter is dedicated to: Heaurtztone at HottestCreature0 sorry nadamay pangalan niyo. 😂😂
VOTE & COMMENT
BINABASA MO ANG
Love Story Of A Certified Wattpader (COMPLETED)
RomanceThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! ~Taglish~ Wattpader na magada, mabait at baliw pa, no other than Ashtrea Nika Pertiz. Ang babaeng adik na adik sa wattpad at iiyak pa ata kapag na nawala ang wattpa...