Nika's Pov:
"Okay class you can take you lunch, goodbye!"
"Yes! Tapos na rin ang boring na subject natin sa Filipino!" Napunta naman agad ang atensyon ng mga kaklase namin kay Adine dahil sa sinabi niya.
"Hehehehe! Joke lang mga besh, wag niyo kong isumbong kay ma'am, ha?" Iniripan lang siya ng mga babae naming kaklase na ikinatawa namin ni Mitch.
"Hahaha! Muntanga lang eh! Ipagsigawan ba naman." Mitch
"Ano bang masama don? Natuwa lang naman ako, at saka totoo naman na nakakaboring ang Filipino. Kulang na lang makatulog ako dahil sa bagay ni ma'am magturo." Dahilan ni Adine.
"Isusumbong kita kay ma'am." Singit ko.
"Uy! Ito naman hindi na mabiro! Ang ganda kaya ng subject na Filipino, hindi nakakaboring. Wag mo akong isumbong kay ma'am, ha?"
"Sabay bawi lang teh? Tss! Loka loka ka talaga. Tara na nga sa canteen!" Sumunod agad ako kay Mitch palabas habang si Adine naman ay naiwan dahil nagliligpit pa ng gamit niya.
"Uy! Teka lang naman!" Hindi lang namin siya pinansin dahil mababait kaming kaibigan *smirk*.
"Iniirog ko!" What....the....f!
"Ayyyiieeee! Ayan na manliligaw mo bhe, iniirod daw oh! Kilig to the bones ka naman." Sabay sundot sundot pa ni Mitch sa tagiliran ko. *Foker Face*
"Yeah, nakakakilig. Halos himatayin na nga ako sa kilig. Ramdam mo rin ba?" *Spell the Sarcasm*. Sabi ko na lang kay Mitch. At imbes na magets niya ang sinabi ko ay dinagdagan pa ang pangaasar niya. *More Foker Face*.
"New achievement Nikolas! Kinikilig daw si Nika! Ayiieeee! Mukhang may pagasa ka na!" Isinigaw pa talaga niya yon at si Samuel naman ay parng nahihiyang nagkamot sa batok.
Agad akong hinila ni Mitch papunta kay Samuel na nasa labas lang pala ng room.
"Totoo ba iniirog ko? Kinikilig ka daw dahil sa kin? Kung ganun pala, aabangan na kita palagi dito."
"Naku wag na! At saka ano bang ginagawa mo dito? Wala ba kayong klase? Aray naman Mitch!" Batukan ba naman ako ni Mitch habang nagsasalita.
"Tangahan lang bhe, hello! Lunchtime po ngayon kaya obvious na obvious naman na wala na siyang klase katulad namin. Tanga mo!" Aba't!
"Well, sorry naman po! Malay ko ba naman! At saka wala akong pake! Oh bakit na naman?!" Akma ba namang babatukan ni ulit ako kaya dumistansya agad ako sa kaniya.
"Ughh! Ewan sayong babae ka! Nakakapanggigil ka! Adine halika na nga!" Agad niya namang hinila si Adine na sakto lang at papalabas na rin ng room.
"Teka lang! Iiwan niyo ako dito?!" Di makapaniwalang tanong ko sa kanila kahit obvious naman.
"Obvious ba?! Diyan ka na sa manliligaw mo! Bye!" *Pout*. Babalik na talaga ako sa nakaraan at aalamin ko kung bakit ko talaga nging kaibigan ang dalawang yon. Ughh!
"Don't worry iniirog ko, andito naman ako. Handa kang sabayang maglunch at hindi aalis sa tabi mo hangga't hindi ka pa tapos kumain." Ngising aso na sabi ni Samuel na ikinangiwi ko. Mukha po kasi siyang tanga.
"Yuck! Pinagsasasabi mo? Kaya kong magisang maglunch! Duh!" Akmang aalis na ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko.
"Nakakalimutan mo na ba iniirog ko ang usapan natin kanina?"
"Usapan? Anong usapan? Wala akong natatandaan na kinausap kita kanina. Bitawan mo na nga ako!"
"Ang usapan lang naman natin kanina ay, pahihiramin kita ng phone ko at ang kapalit ay sabay tayong magluluch. Naalala mo na?" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Teka! Ikaw kaya ang nagpahiram sa phone mo! Wala naman akong sinabing hihiramin ko! At saka wala rin akong naalala na pumayag ka diyan sa kabaliwan mo! So, goodbye!" Bago pa man ako makaalis ulit ay siya na mismo ang humila sakin paalis.
"Samuel! Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko sa pagkakahawak niya sakin.
"Pasensya na iniirog ko pero seryoso talaga ako na makasabay kang magluch." Napairap na lang ako ng bonggang bongga dahil sa sinabi niya.
Di ikaw na ang Seryoso! Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko na lang sinabi. Itinigil ko na lang rin ang pagpupumiglas dahil siguradong wala akong laban sa kaniya.
☆CANTEEN☆
"Pati ba naman pagkain nagwawattpad ka pa rin? Kumain ka kaya muna."
*Walang narinig.* Me
"Nakikinig ka ba Nika?"
*Deadma lang.* Me
"Hey!"
*Kinikilig dahil sa bagong Asawa.* Me
"Nika!" Gulat akong napatingin kay Samuel ng bigla niya na lang kunin yong cellphone na hawak ko.
"Ano bang problema mo?! Akin na nga yan!" Sabay agaw ko sa cellphone kaso itinaas niya kaya hindi ko tuloy maabot.
"Kaninana pa kaya kita kinakausap pero hindi mo ako pinapansin at panay pagbabasa ka lang diyan!"
"Sinisigawan mo ba ako?"
"Obvious ba?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pwede ba Samuel! Wala akong panahong makipagusap sayo dahil busy ako!"
"Busy saan?! Sa pagwawattpad?! Your impossible! Pwede ka naman sigurong wag magwattpad habang kumakain!" Kikil niya si ako!
"Hoy Mr.! Para sabihin ko sayo, wala akong pakealam! Magwawattpad ako kung kailan ko gusto at wala ka nadon! At wala rin akong sinabing kausapin mo ako dahil hindi rin ako interesado diyan sa mga pinagsasasabi mo! At higit sa lahat, mas gusto ko pang magbasa kesa makipagusap sayo! Buhay ko to!" Hingal na hingal akong napaayos ng upo dahil sa pinagsasasabi ko. Wala rin akong pakealam kung nasa amin na ang buong antensyon ng mga students sa canteen dahil nanggigigil na talaga ako sa lalakeng nasa harap ko.
Bigla akong nakaramdam ng kaba ng bigla na lang sumeryoso si Samuel habang nakatingin sakin. Nakaramdam rin ako ng guilt dahil sa pinagsasasabi ko. Pakiramdam ko sumobra na ako, pero kasalanan niya naman kasi ginalit niya ako.
"Okay, sabi mo eh. Then magwattpad ka na lang dahil tutal naman buhay mo yan at wala akong karapatang pakealaman ka." Hindi na niya tinapos ang pagkain niya at agad na siya tumayo.
What did i do?
........
This chapter is dedicated to: MythicalXNUniverse thanks po sa book cover, i love it po.(*^ω^*)
VOTE $ COMMENT
BINABASA MO ANG
Love Story Of A Certified Wattpader (COMPLETED)
RomanceThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! ~Taglish~ Wattpader na magada, mabait at baliw pa, no other than Ashtrea Nika Pertiz. Ang babaeng adik na adik sa wattpad at iiyak pa ata kapag na nawala ang wattpa...