🌼CHAPTER 6🌼

307 19 1
                                    

Nika's Pov:

"At anong eksina naman yong nangyari kanina? Ha? Nika?" Taas kilay na tanong ni Mitch.

"Duh! Obvious ba Mitch? Malamang may LQ yang si Nika at yong manliligaw niya." Sinamaan naman ni Mitch ng tingin si Adine.

"Sige nga Adine, anong ibig sabihin ng LQ at siguradong sigurado kang may LQ sila?" Bibigyan ko muna sila ng space na magusap dahil ayoko ko ring mapunta sakin ang usapan kaya lumayo layo ako ng kunti sa kanilang dalawa.

"Aba malay ko! Nasagap ko lang rin naman yan sa mga kaklase nating chismosa dahil may nagaway daw na magkasintahan sa kanto daw nila. Arayyy! Bakit ba?!" Kita kong binatukan ni Mitch si Adine na ikinadaing nito.

Obvious naman siguro na mahilig siyang mambatok. (ー_ー)

"Singit ka ng singit sa usapan tapos hindi mo naman pala alam kung anong pinagsasasabi mo! Ang tanga mo talaga! Padala kita ploto eh!" Naiiritang sabi ni Mitch.

"Sige lang, hindi kita pipigilan. Malay mo makita ko don yong Alien na nagngangalang Kim Taehyung. Sabi nila guwapo daw yon." Inosenteng sagot ni Adine na ikinapoker face naman ni Mitch.

"Dyos ko po! Maloloka ako sayong bata ka! Magisa ka nga diyan! Tanga tanga mo talaga! Nasa korea yang sinasabi mong Alien!" Sabay walk out ni Mitch habang si Adine naman ay nagkibit balikat lang sabay sunod din kay Mitch.

"Hayyss! Buti naman at umalis na sila. Siguradong tatanungin na naman nila...este si Mitch lang pala dahil wala namang pakealam don si Adine, tungkol sa kaganapan kanina sa canteen.

..........

"Kuya naman! Ibigay mo na sakin phone ko! Promise matutulog na ako ng maaga!" Opo, balik pagmamakaawa na naman po ako kay kuya dahil ayaw niya talaga ibigay sakin phone ko.

"Lahat ng pangako napapako." Lantang gulay na sabi ni kuya habang patuloy na umaayat sa taas habang ako naman ay nakasunod lang sa  kaniya.

Bagong dating palang kasi siya galing school at pansin kong parang wala siya sa sarili na hindi ko lang pinagtuonan ng pansin dahil gusto ko na talagang makuha yong phone ko.

"Promise nga eh! At saka maging mabait ka naman sakin kuya, kahit ngayon lang!"

"Mabait naman ako sayo ah, ikaw lang itong ipinagpipilitang masama ako sa paningin mo."

"Ano bang problema mo?! Kanina k.."

"Problema? Well, ikaw lang naman ang problema ko. Lapit ako ng lapit sayo tapos ikaw naman itong layo ng layo."

"Teka nga?! Nababaliw ka n..."

"Oo, baliw na baliw ako sayo matagal na! Ngayon mo lang napansin! Tsk! Palibhasa busy ka sa kahahabol sa lalakeng yon na walang ibang ginawa kundi saktan ka lang! Samantalang ako na lagi sa tabi mo palagi mong pinagtatabuyan!" Sabay sarado ng pinto niya ng malakas sa pagmumukha ko.

O...owkay, sabi ko nga nakikinig siya sa pinagsasasabi ko. (ー_ー)

Problema ba ng taong yon? Tsk! Bahala siya sa buhay niya! Kakalbuhin ko talaga siya bukas ng umaga pagkagising ko dahil sa pinagsarahan niya ako ng pinto.


Duh! Never kayang may gumawa ng ganon sakin! Ako pa ang gumagawa non sa kaniya, tapos ngayon ginawa niya yon sakin. Kikil niya si ako!


..........

God! Hindi talaga ako makatulog kahit anong gawin ko. Kanina pa ako paikot ikot sa kama ko pero hindi ako dalawin ng antok.

Kung kanina lang ay prenoproblema ko yong phone ko, kaso bigla ko na lang nangyari yong kanina at hindi yon mawala sa isip ko.

Parang nakaramdam ako ng guilt sa.... no! Hindi! Kasalanan niya naman yon kaya wala dapat akong ikaguilty. Ginalit niya kaya ako!

Pero hindi ko talaga.....

"Aisshhh! Wag mo na lang isipin yon Nika! For pet's sake! Ginalit ka niya, okay? Ginalit ka niya kaya mo siya nasabihan ng ganun! Wag mo na lang siyang isipin!" Parang baliw na sabi ko sa sarili ko at ginulo ko pa ang buhok ko bago bumalik sa pagkakahiga.

Wala namang masyadong nangyari kaninana sa school. Saka mula din ng nangyari sa canteen ay hindi ko na nakita ulit si Samuel hanggang maguwian na ipinagtataka ko.

Tuwing uwian kasi ay palagi yong nakaabang sa sa gate ng school para magpaalam sakin at sabihan ako ng ingat sa paguwi.

Tangahan lang teh, inaway mo nga siya kaninana sa canteen tapos magtataka ka pang wala siya don. Ipahiya mo ba naman!

Aisshh! Pati ba anman sa isip ko nakakapasok pa si Mitch! Tsk!

Talaga ba talagang pinahiya ko siya kanina? Pero kasal.... Aish! Ewan! Bahala na nga yon! Mas magandang matulog na lang ako.

......

VOTE & COMMENT

Love Story Of A Certified Wattpader (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon