Sameul's Pov:
"Saan ka na naman ba galing dude?" Salubong na tanong ni Jax.
"Saan pa ba? Malamang ay galing na naman yan sa liniligawan niyang dakilang wattpader. Kelan ba tayo niyan iniwan na hindi pumupunta palagi sa liniligawan niya na puro lang rejection ang natatanggap niya." Sinamaan ko naman ng tangin ang tanginang Jholo na 'to. Kaasar palagi pag ang isang 'to ang nagsalita.
"Mas mabuti na yong nanliligaw kahit na renerecject palagi, kesa naman sa katulad mong torpe! Miski lang lumapit hindi pa magawa." Pagbanat ko rin sa kaniya.
"Hahahaha! Oo nga naman dude! Kailan ka ba magsisimulang manligaw kay Mitch? Puro ka na lang pagdaday dream diyan kapag nakakasalubong at nakikita mo siya? Nagmumukha ka tuloy tanga palagi! Hahaha!" Inis namang tingnan ng loko si Jax.
"Ulol! Hindi yon basta basta! At saka hindi naman ako nagmamadali katulad ng isa DIYAN, mga bata pa naman kami para diyan." Pagpaparinig pa ni Jholo na binigyan ko naman ng isang nakakalokong ngisi.
"Angsabihin mo, natotorpe ka lang na lapitan ay ligawan siya. Takot mo lang kasing mareject!" Sinamaan naman niya ako ng tingin na ikinatawa ko.
Tingnan mo nga naman, kanina siya ang naasar at ako ang naaasar tapos bigla na lang bumaliktad ang sitwasyon. Tinamaan ang loko, bakit ba kasi napakatorpe niya? Huh?
"Mga gago! Mas marunong pa kayo sakin! Wag kayong magalala, isang araw mababalitaan niyo na lang na kami na! Tandaan niyo yan!" Sabay padabog naglakad ito palabas habang kami naman ni Jax ay tawang tawa lang habang nakatingin sa kaniya.
"Tatandaan namin yan dude!" Pahabol na sigaw ni Jax bago pa tuluyang makalabas ng room si Jholo.
"Tsk! Napakatorpe talaga ng gagong yon." Iling iling kong sabi.
"Sinabi mo pa! Ayon tuloy hindi magkalove life dahil naduduwag manligaw." Sagot ni Jax.
Bigla naman akong na0angisi na naman ng may maalala ako.
"Ikaw ba? Kailan ka din bang magbabalak na manligaw sa sinasabi mong babaeng kameant to be mo? Hindi mo rin sinasabi samin kung sino yon." Isang nakakalokong ngisi din ang lumabas kay Jax. Napakaconfident din ng isang 'to, hinda katulad ng gaganong si Jholo na takot sa rejection.
"Kumikilos na ako diyan dude, kaso ang problema ay hindi niya ako pinapansin kahit magpapansin pa ako sa kaniya. Pero wag kang magaalala, hindi naman ako basta basta sumusuko katulad mo." Nakipagapir naman ako sa kaniya dahil sa sagot niya.
Mukha lang loko loko ang isang 'to, pero pagmay isang bagay siyang gustong makuha ay hindi niya basta basta na lang sinusukuan.
"Okay, sabi mo eh. Basta ba pagkailangan mo ng tulong maasahan mo ako."
"Salamat dude, pero anong kapalit?" Natawa naman ako sa tanong niya. Kilala talaga ako ng isang 'to.
"Syempre pag ako naman ang nangilangan sayo." Tawa tawa kong sagot na ikinailing na lang din niya.
Jholo's Pov:
Tss! Sarap lang pagsasapakin ng dalawang yon. Pagtulungan ba daw ako? Tss! Pasalamat talaga sila at nagkaroon sila ng mabait na kaibigan na katulad ko. Kung hindi, baka kanina ko pa sila pinagbubugbog.
Saan nga ba ulit ako pupunta? Ah alam ko na, kay Mitch nga pala.
Anong relasyon ko sa kanya? Well, ako lang naman ang kaniyang dakilang manliligaw. At oo hindi yon alam ng dalawang ugok na yon. Wala rin akong balak sabihin sa kanila, pagsinagot na lang siguro ako ni Mitch saka ako magmamalaki sa kanila na hindi ako torpe.
Two years na akong manliligaw ni Mitch kaso hindi pa niya ako sinasagot hanggang ngayo. Di ba ang tibay ko? Ako pa, Matatag ata to!
Hindi naman sa naiinip ako dahil hindi pa niya ako sinasagot. Handa naman akong maghintay eh kahit umabot pa yan ng isang dekada, mahal ko eh. Pero wag naman sanang umabot ng dekada.
"Gusto ko ng stick o." Gandang pambungad. ー_ー
"At saang parte naman ng wattpad world na sinasabi mo yan nakuha?" Tanong ko. Siguradong sa wattpad na naman niya nakuha ang ideyang yan.
"Well sa He's into her lang naman siya. Lodi ko kaya si Maxpein, ang hilig niyang kumain ng stick o. So ibibili mo na ba ako?" Wow! Para namang ang dami kong pera. ー_ー
"Sige pag nagkapera ako." Sagot ko na lang dahil siguradong hindi titigil ang isang to. Pero sa totoo lang marami akong pera.
Oo na ako na ang mayaman.
"Ehhhh! Gusto ko ngayon na! Heto may pera ako, ibili mo na lang ako ng stick o." *face palm* ang gulo ng babaeng 'to.
"Tss! Ginawa pa akong utusan, akin nga!" Sabay hablot ko sa perang hawak niya.
"Galit ka na niyan?" Taas kilay niyang tanong kaya habang nakapamewang agad akong ngumiti ng sobrang lapad.
"Hehehe! Hindi naman, eto na nga bibili na ako. Geh! Bigay ko na lang sayo mamaya.
Agad takbo naman ako paalis dahil siguradong nainis ko siya. Takot ko lang pagnaiinis yon, siguradong hindi niya ako papansinin pag ganun.
"Isang garapon, ha?!" Pahabol pa niyang sigaw kaya kinawayan ko na lang siya.
Hayyss, Mitch Angel Bagnes kailan kaya kita mapapasagot?
.....
[A/N: Yong name po na Mitch Angel Bagnes at Adine Fernandez ay real name po iyon galing sa dalawa kong kaibigan pati na rin po yong Jholo kasi yon naman po ang real life boyfriend rin ni Mitch na siya namang kaloveteam niya rin dito sa story ko. 😂😂😂😂]
VOTE & COMMENT
BINABASA MO ANG
Love Story Of A Certified Wattpader (COMPLETED)
RomansaThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! ~Taglish~ Wattpader na magada, mabait at baliw pa, no other than Ashtrea Nika Pertiz. Ang babaeng adik na adik sa wattpad at iiyak pa ata kapag na nawala ang wattpa...