🌾CHAPTER 10🌾

271 14 0
                                    

Nika's Pov:

"No Nika, wala kang feeling para sa kanya kaya hindi ka dapat magpaapekto sa mga sinasabi nila. Remember? Hindi katulad ni Samuel ang type mo sa lalake. Aissshhhh!" Napasabunot na lang ako sa buhok dahil sa inis.

Kanina pa akong larang tangang kinakausap ang sarili ko. Pakiramdam ko nababaliw na ako. Naguguluhan din ako sa tumatakbo sa isip ko na iba naman ang dinidikta ng puso ko.

Hindi naman ako dapat magpaapekto sa mga pinagsasabi kanina nila Mitch. Pero parang hindi ko maiwasang...... hindi! Hindi talaga pwede!

"Ughhh! Itutulog ko na nga lang 'to!" Padabog akong humiga sa kama bago ko ipinikit ang mata ko kahit hindi pa naman ako inaantok.

Mga ilang minuto pa ay naramdaman ko na ang antok ay unti unti akong nakatulog.


Kinabukasan ay excited akong pumasok sa school. Paano ba naman, may sumaping anghel sa mabait kong kuya at ibinigay niya na sakin ang cp ko.

Kaya ito, ngiting ngiti ako habang naglalakad papuntang room ngayon. Ng bigla na lang..

"Iniirog kooo!" Agad na naglingonan sa gawi ko ang mga students na nakakalat sa hallway.

Kung kahapon ay nakaramdam ako ng guilty ngayon naman parang bigla na lang naglaho at napalitan agad ng inis dahil sa lalakeng papalapit sa puwesto ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad dahil wala akong balak pansinin siya ngayon. Kaso lalagpasan ko pa lang siya ay hinarangan niya na ang dinadaanan ko.

"Not now Samuel, may gagawin pa ako." Balak ko na sana ulit na lagpasab siya kaso hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sa kaniya.

O oh! Nakakaagaw atensiyon na kami.

"Wag naman dito Samuel, nakakaagaw atensiyon na tayo sa mga students na nasa paligid."

"Ano? Iiwasan mo na ako?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Ano ba kasi ang kailangan mo?" Bakas sa tanong ko ang pagkairita.

"Alam mo kung anong gusto ko." Seryoso niyang sagot na ikinakunot ng noo ko.

"Hindi kita maintindihan kaya pwede diba diretsohin mo na lang ako dahil may gagawin pa ako." Ayt! Manhid mo lang teh! Bulong ng isang parte ng utak ko na hindi ko lang pinansin.

"Seriously? Hindi mo alam ang gusto ko?" Lalong nangunot na naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Ano ba kasi yon?!" Wala na akong pake kung pinanagtitinginan na kami dito. Pakiramdam ko sasabog na talaga ako sa inis.


"Simple lang naman ang gusto ko na hindi mo maibigay, ang sagutin mo ako." Natahimik bigla ako sa sagot niya na hindi ko inaasahan. Ng makabawi ay..

"Alam mo naman ang sagot ko diyan Samuel." Walang pagaalinlangan kong sagot.


"Hirap na hirap na akong manligaw sayo tapos puro rejection na lang natatanggap ko galing sayo." Parang pakiramdam ko nagrereklamo siya na ikinairita ko.

"Ilang bese ko bang sinasabi sayo na mat mga asawa na ako kaya tumigil ka na lang sa panliligaw mo dahil wala kang mahihita sakin. Bakit ka ba nagrereklamo?! Wala naman akong sinabing manligaw ka." Sagot ko.


"Tsk! Nababaliw ka na talaga eh! Mga fictional character lang naman ang mga asawa mong yan! Hindi naman sila totoo! Hindi ka nila kayang mahalin katulad ng pagmamahal mo sa kanila! Subukan mo kayang tumingin sa paligid mo ng makita mo ang tunay na nagmamahal sayo. Hindi yong puro ka na lang wattpad at walang pakealam sa paligid. Nakakasawa na ring maghabol sayo na walang ibang ginawa kundi ang sigawan, ipagkumpara sa t*ngnang fictional character na yan na nasa imahinasyon mo lang at ipagtabuyan." At sa pangalawang beses ay natahimik ako.

Tama siya, mga fictional characters lang naman sila pero kung mahalin ko sila parang totoo sila at hindi ko na nakikita ang mga taong nasa paligid ko lang at hindi mga fictional character kundi totoong nagmamahal sa isang katulad ko.


"Kung ganito na lang palagi ay mas mabuting itigil ko na lang ang kahibangan kong 'to." Biglang tumulo ang luha ko ng bigla siyang tumalikod at nagsimula ng maglakad palayo.

Parang ngayon lang ako nagising sa katutuhanan at parang ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Kung kailan naman....

Huli na....

......
To be continued....

Vote & Comment.











Love Story Of A Certified Wattpader (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon