Nika's Pov:
"Anong nangyari sayo bruha? Daig mo pa ang nalugi." Pambungad sakin ni Mitch na hindi ko lang pinansin at nagtuloy tuloy lang ako papunta sa upuan ko.
"Ayt! Snob si ateng." Rinig pa niyang bulong ni Adine.
Wala akong ganang makipagusap o magsalita man lang. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng dibdib ko isama mo pa ang magulo kong isip at puso. Hindi ko na alam ang gagawin ko na parang gusto ko na lang magmukmok sa isang tabi katulad ng ginawa ko kagabi.
Buti na lang din at hindi na masyadong maga ang mata ko at isabay pa na nakasalamin ako kaya diguro hindi napansin nila Mitch. Sa bagay, nakayuko rin ako kanina habang papasok.
"Hoy Nika! Tingnan mo! Yong manliligaw mo may kasamang ibang babae!" Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Adine at nanatili lang akong nakatulala.
"Hoy! Natulala ka na diyan! Halika ngadito!" At bigla bigla na lang akong hinigit patayo ng dalawa hangang makarating kami sa bungad ng pinto.
"Tingna mo yon! Si Nico yon diba?! At sino yong kasama niya?" Kahit napipilitan ay tiningnan ko ang tinuturo ni Mitch. At doon ko nga nakita si Samuel na may kasamang magandang babae na sa tingin ko ay kaedaran rin namin.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Na parang hindi ko gusto ang nakikita ko, na parang gusto ko na lang hilahin si Samuel sa babaeng yon.
"Halahhh, yan na nga ba ang sinasabi ko e! Nagsawa na siya sa kakahabol sayo kaya naghanap na ng iba. At take note, maganda, maputi at mukhang koreana pa. Pero don't worry mas maganda ka naman sa kaniya." Nakatitig lang ako kay Samuel at sa babaeng kasama niya na masayang naguusap habang may ngiti sa mga labi nila.
Hindi ko na napigilan pa at bigla na lang akong tumakbo sa kung saan habang patuloy na umaagos ang luha ko.
Ang hirap mang aminin pero masakit sa didib ko ang nakikita ko. Sising sisi ako dahil tama nga ang sinabi ni Mitch na kapag nagsawa na siya ay maghahanap na lang siya ng iba.
At ang tanga tanga ko at hindi ako nakinig sa sinasabi nila. Ang tanga tanga ko dahil ngayon ko lang narealize na gusto ko rin siya. Na ang tanga tanaga ko para makinig sa isip ko na taliwas naman sa sinasabi ng puso ko.
Anong magagawa ko? Nangyari na? Naging tanga na ako at ngayon pa lang ay pinagsisisihan ko na yon.
Takbo lang ako ng takbo hanaggang sa mapagod ako at naupo akong luhaan sa damo. Hindi ko alam kong nasaang parte ba ako ng school dahil malabo ang paningin ko dahil na rin sa luha kong walang tigil sa pagtulo.
Iyak lang ako ng iyak na parang kalaban ko ang buong mundo at wala akong kalaban laban kundi umiyak ng umiyak na lang.
Hanggang sa....
"Nika? Anong ginagawa mo dito? Teka, umiiyak ka ba?" Agad akong napalingon dahil sa nagsalit at agad agad,na umahon ang inis ko ng hindi ko alam ang dahilan.
"Kasalanan mo 'to eh! Kasalan mo 'to! Dahil sayo kaya nangyayari sakin 'to! Nakakainis ka talaga kahit kailan!" At pinagbabato ko pa siya ng mga bato na maliliit na nakapa ko habang nakaupo pa rin.
"Teka nga, ano bang ginawa ko?!"
"Nagmamaang maangan ka pa talaga! Ikaw lang naman ang may dahilan kung bakit nagkakaganito ako e! Nakakainis ka! Nakakairita! Ano bang ginawa mo sakin at nagkakaganito ako?!" Napatayo na talaga ako at pinaghahanampas ko pa siya. Hanggang sa mahuli niya ang dalawa kong kamay at aagd niya akong yinakap.
"Sshhh, tahan please iniirog ko. Tahan na, nasasaktan ako dahil nagkakaganyan ka." Hindi ako makapalag sa pagkakayakap niya kaya wala akong magawa kundi umiyak na lang sa dibdib niya.
"Husshhh now iniirog ko." Pagpapakalma niya sakin na lalo kong ikinaiyak.
"Bakit ba ganyan ka? Akala ko sumuko ka tapos maya maya bigla ka na lang susulpot at kung ano anong mga salitang lalabas diyan sa bibig mo. Bakit ba sa tuwing naiisip ko na wala ka na talaga bigla ka namang dadating at ipapakitang nandiyan ka pa? Hindi naman ako maganda para habol habulin mo katulad ng ibang mga babae diyan. Isa lang akong lukarit na wattpader na may sampo sampong mga asawa. Pwede ka namang maghanap ngib...." naputol ang sasabihin ko ng unahan niya akong magsalita.
"Wala naman akong pakealam kung maganda ka man o hindi, kung sexy ka man o hindi dahil para sakin wala na akong mahihiling pa kapag napasakin ka. Hindi mo naman kailangang maging perpekto para magustohan at mahalin kita. Mahal kita sa kung ano ka hindi dahil sa kung anong meron ka. At paano naman kita susukuan kung ikaw ang laman ng baliw na pusong ko. Oo baliw na baliw sayo. Kahit subukan ko pang sukuan ka dahil ayaw na ayaw mo naman talaga sakin hindi ko naman magawa. Kung pwede lang turuan ang puso kong magmahal ng iba edi sana dati pa ako tumigil sa panggugulo sayo. Pero hindi ko lang talaga magawa, isama mo pa na ayaw ko naman talagang gawin. Basta ang alam ko lang mahal kita, mahal kita kahit isa ka lang lukarit na wattpader, mahal kita kahit na karibal ko pa ang sampo sampo mong asawa, mahal kita kahit unahin mo pa yang pagwawattpad mo kesa sakin basta ba mapapanghawakan kong akin ka." Speechless ako sa sinabi niya na naging dahilan ng lalo kong pagiyak hindi dahil sa inis o galit kundi dahil sa tuwa at saya.
Sa tuwa at saya dahil mahal ako ng isang Nicolas Samuel Monteral kahit isa lang ako sa libo libong wattpader diyan.
Naiisip ko na hindi ko naman kailangan pang maghangad ng isang love story na katulad sa mga nababasa ko sa wattpad e. Na hindi ko na rin kailangan pang maghanap ng lalakeng katulad ng mga fictional chracters na minahal ko. Na hindi naman lahat ng lalake ay kasing perpekto ng mga asawa ko. Ano pa't may mga matitinong lalake pa naman ang natitira diyan na handa akong mahalin at ipaglaban katulad ni Samuel. At higit sa lahat ay kaya pang sukilian ang pagmamahal ko na ibibigay ko sa kaniya.
Hindi rin masasabing choice ang wattpad at love dahil pwede ka namang mainlove habang nagwawattpad.
Katulad na lang pagnagbabasa ka, nagkakaroon ka ng bagong asawa na minamahal mo ng sobra kahit na hindi mo naman sila nakikita at nasa imahinasyon mo lang sila. Nagbabasa ka na nga naiinlove ka pa. So walang masama kung magkaroon ka ng lovelife habang wattpader ka.
Ang mali ko lang talaga ay ang ipagkumpara siya sa kung anong meron ang mga asawa ko. Ano banag magagawa ko kung siya talaga ang nakatadhana? At ano rin ba ang magagawa ko kung hindi siya ginawang kasing perpekto ng mga asawa ko? Wala naman diba? Masama nga talaga ang ipagkumpara dahil hindi naman lahat ng tao kasing perpekto ng iba.
Hindi pa naman huli ang lahat at pwede ko pang itama ang pagkakamali ko. Kaya ngayon pa lang...
"I love you too!" Hindi ko na siya hinayaan pang makapagsalita dahil ako na mismo ang naglapat ng labi ko sakaniya para mahalikan siya.
Now i know, mahal ko rin siya matagal na pero ngayon ko lang natanggap yon.
Thank you lord dahil binigyan mo ako ng manliligaw na katulad niya...
.....
End
Sad to say pero hanggang dito na lang po ang story na ito. Epilogue na po sunod.
BINABASA MO ANG
Love Story Of A Certified Wattpader (COMPLETED)
RomanceThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! ~Taglish~ Wattpader na magada, mabait at baliw pa, no other than Ashtrea Nika Pertiz. Ang babaeng adik na adik sa wattpad at iiyak pa ata kapag na nawala ang wattpa...