💮CHAPTER 7💮

315 16 3
                                    

Nika's Pov:

Tahimik lang kaming kumakain ng umagahan ni kuya. Pansin ko kasing walang siyang balak kausapin ako kasi kanina pa ako nagoopen ng topic habang siya naman ay wala lang sa sariling kumakain kaya tinigil ko na lang ang kadaldalan ko. Nasasayang lang laway ko eh.

"Kuya aalis na ako." Paalam ko pero hindi lang siya nagsalita kaya napabuntong hininga na lang ako.

"KUYA! ANO BANAG NANGYAYARI SAYO AT TULALA KA DIYAN?!" Buong lakas ko sigaw at thank god naman at natauhanata siya.

"Huh? Anong sabi mo?" (ー_ー)

"Wala! Sabi ko aalis na ako!" Nasabi ko na lang bago siya iwang nakatulala na naman.

..........

"Ano na naman bang problema mo at ganyan ang itsura mo? Mukhang pasan mo ang mundo dahil sa mukha mong problemadong problemado.

"Wala, at saka sigurado naman akong tatangahin mo lang ako." Kunwari masungit kong sabi sa kaniya.

Sanay na naman akong sa bunganga ni Mitch na mahilig mananga at direct to the point. Ayoko lang talagang maistorbo dahil iniisip ko pa kung anong nangyayari sa magaling kong kuya at kung makaasta at parang broken hear...

"Tama! Broken hearted siya siguro!" Hindi ko namalayan na naisigaw ko na pala yon pero buti na lang at si Mitch at Adine lang ang kasama ko dito sa field at malayo naman kami sa parte na maraming students.

"Nababaliw ka na ba bhe? Padala na kita sa mental? At saka sino ba yang broken hearted na sinasabi mo?" Kung hindi ko lang talaga mahal ang Mitch na 'to, malamang matagal ko na siyang ipinatapon sa mars.

"Wala, naiisip ko lang na baka broken hearted si kuya kaya siya laging tulala." Agad agad namang lumapit ang dalawa sa tabi ko.

"Ano?! Broken hearted ni Niko mylabs?! Oh my god! Ibigsabihin may pagasa na ako sa kaniya!" Tuwang tuwang sabi ni Adine.

"Loka loka! Broken hearted na nga tapos dadagdagan mo pa!" Mitch

"At bakit naman? Ito na ang pagkakataon na malapitan ko siya, ako ang magpapagaling sa puso niyang sinugatan." Naiiling naman ako sa pinagsasasabi ni Adine. Ang corny kaya!

"Yuck! Mandiri ka nga sa pinagsasasabi mo! At saka hindi magkakamaling pumatol si Niko sa isang tangang katulad mo! Naku! Siguradong mahihirapan lang siyang intindihin ka dahil diyan sa katangahan mo minsan." Minsan nakakainis din ang pagiging harsh ni Mitch. (ー_ー)

"Ang sakit mo namang magsalita! Akala mo ba hindi ako nasasaktan sa mga pinagsasasabi mo. Pwes! Sasabihin ko sayo masakit! Nakakasakit ka na eh! Palagi mo na lang akong sinasabihang tanga!" Mangiyak ngiyak na sabi Adine at bigla na lang nagwalk out.

"Wala namang masamang maging direct to the point eh. Dahan dahan lang, baka naman sumusobra na rin." Pagpaparinig ko kay Mitch dahil naiinis din ako sa pagiging harsh niya.

Alam ko namang ganya na talaga siya at kung ano anong lumalabas sa bibig niya. Sanay na kami don ni Adine pero hindi rin maiwasang mainis dahil minsan sumusobra na siya.

"Okay, my fault. Alam mo namang may mahal ng iba yang kuya mo at wala ng pagaasa si Adine sa kaniya. Ayoko lang siyang umasa lalo na't alam nating patay na patay siya sa kuya mo. At alam ko ring sanay na kayo sa bunganga ko na kung ano ano na lang lumalabas. Kaya pasensya na dahil concern lang naman ako sa kaniya. Don't worry magsosorry ako sa kaniya mamaya dahil alam kong over the limit na ang mga pinagsasabi ko." Yan din ang nagustuhan ko kay Mitch, alam niya kung kailan siya sumusobra at nagkukulang at siya na mismo ang kusang nanghihingi ng tawad.

Love Story Of A Certified Wattpader (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon