Chapter 1- Kontra TINA bida

20.2K 357 17
                                    

Khal

Nagkakasiyahan kaming magkakaibigan sa pamamamanhikan ni Gabriel kay Cailee. Ang lokong si Allison, nagkatotoo na naman ang premonition. Buntis si Cailee.

Nakahiwalay kami sa mga boys. Ginigisa namin si Cailee kung saan nabuo si baby.

"I was lonely at that time..." Cailee replied. Nahihiya pa si Cous na magkwento.
"So sinamantala ni Gab ang sitwasyon?" Tanong ni Jack.
"Hindi naman." Mabilis nap ag-dedefend ni Cailee.
Binato ko ng throw pillow si Jack pero mabilis niya itong nasalo.

"Naisip ko kasi si Zoey at that time. Ako lang ang nakakaalam ng sitwasyon niya and I thought that life is so short..." Napatingin si Cailee kay Gab naginigisanila Rome.
"Mahal ko naman si Gab...matagal na matagal na panahon na. Parang ang tagal na nga ng pinaghintay naming dalawa." Madamdaming pahayag ni Cailee.
"So you decided not to give him blue balls anymore..." Pagpapatuloy ni Zoey sa sinasabi ni Cailee.
"Whooooaaaa..." Kunwari naeeskandalo kami sa sinabi ni Zoey.
"Naging momshie ka lang, nahilig ka sa balls..." I taunt her.
Namumulang binato ako ni Zoey ng unan.

"So saan nga nabuo?" Balik ni jack sa tanong.
"Ako alam ko..." Sagot ni Allison.
"Wag ka nga Allie... Dami mong alam!! Hindi ka ba nahihiya nakikita mo silang nag-churvahan?" Baling ko sa bestfriend kong si Allison.
"Pambihira, alam ko lang yung lugar. Hindi ko nakita kung paano nila ginawa." Sagot ni Allie.
"Buti naman Allison... Nakak-bother yun, lagi mo kaming nakikita sa kung saang sulok ng third eye mo." Sagot ni Cailee.
"So saan nga?" sabay-sabay kaming tanong kay Cailee.
"Sa Sagada." She replied.
Kanya-kanya silang comment kay Cailee. Ang inlove na inlove kong cousin na super glowing, sagot naman ng sagot.

"Sarap naman ng road trip... Magroad trip nga din ako next week." I commented.
Nangisi si Allison.
"Huwag kang magsasalita..." Babala ko sa kanya...
Tumawaito. "Sige, hihintayin ko na lang ang mangyayari." Sagot niya.

On my peripheral vision, nakita kong pumasok si King kasama ang babaeng pinanganak para maging kaaway ko for life. Si Katrina "Tina" Maza. Anak siya ng isang member dito sa Country Club kaya lumaki kaming halos nakikita na namin siya sa paligid.
She joined us without any invitation. She congratulate Cailee because apparently she heard the news about her incoming wedding with Gab... Nagpakilala siya kay Allison. Nilahad niya ang kamay niya dito and Allie took it. Yun lang hindi agad binitawan ni Allison ang kamay niya.

Allison's dark, almost black eyes is unnerving kung hindi mo siya kilala. Calculated ang ngiti ni tina ng pilitin niyang makuha ang kamay niya kay Allison. Pasimpleng tumalikod si Tina kay Allie at kinausap si Zoey.

"How's your chemo?" Sweet-sweetan na tanong ni Tina.

Wala bang nakakakita ng kabullshitan nito?
"It's fine." Sagot ni Zoey.
"I know you will be better. And you capture's Rome heart. Isn't it sweet?" Nakangiting tumingin si Tina kay Jack. Parang nakakain ng ampalaya si Jack nung ngumiti kay Tina.
"Minsan naman mag-bonding tayong dalawa, Jacqueline. Let's say, weekend shopping sa Hong Kong?" Sabi nito. Super sweet ang ngiti ni Tina. As in, mahihiya ang asukal sa pagkasweet ng lolamo.
"You may call me Jack" Sagot ni Jack. "And I hate shopping." She added.

Ako lang ang hindi kinakausap ng impakta... Okay na nga sa akin yun ng bigla siyang tumabi sa akin ng tumayo si Allison at umalis.

"Kamusta Khal? Papansin ka pa rin ba kay King?" Bulong nito sa akin. Bumaling siya kay Cailee saka ngumiti... Nang-gagalaiti ako sa inis. Konti na lang... Hinga Khalessi... Huwag papatol dahil ikaw na naman ang mapapagalitan.

I picked up my phone and scroll my social media. I posted some of my new flowers sa IG ko... I answered some of the querries ng mga distributors ko. Hindi ko pinapakinggan si Tina na bumibida sa mga kwento noong kabataan namin.

"Alam mo ba Zoey na lagi akong inaaway ni Khal dati? Pero lagi akong pinagtatanggol ni King. Kaya nga siguro ako nainlove sa kanya." Pagkukwento nito.

Gusto kong ihampas ang cellphone sa muka ni Tina. Kaysa mapahiya pati mgamagulang ko, nagwalk out na lang ako at iniwan sila. I am 100% sure na nakangisi ang talipandas na si Tina.

May araw ka din sakin... bullshit kang babae ka.

KHALEESI: The One that got Away (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon