Chapter 29- Next Bride

11.9K 319 6
                                    

King

Tanginang Rome, umiyak sa kasal nila ni Zoey. Ang yabang pang magsalita na hindi siya iiyak. Pagkapasok pa lang ng simbahan ni Zoey, umiiyak na siya. Pinatutukan nga namin sa isang videographer para may evidence.

Maghapon kong sinusundan ng tingin si Khal. Yumuyuko siya kapag nagtatama kami ng paningin.

"Hindi kaya malusaw na ang anak ko kakatitig mo?" Tito Renz slapped my shoulder then sit beside me.
"Tito." I acknowledge him. "Buo pa naman po siya." I replied jokingly.
Nailing si Tito Renz. "Pinahirapan nyo pa ang sarili nyo."
Nakamot ako ng ulo.
"Huwag mo ng papaiyakin." Bababala ni tito Renz.
"Baka nga po ako ang paiyakin." I replied.
Tumawa si Tito Renz. "Malamang."
Nagkwentuhan pa kami ni Tito Renz about sa bago kong trabaho, sa problema nila ni Jon sa vineyard, hanggang mapunta sa politics.

Alam mong tumatanda ka na kapag politics na ang usapan at nakikibigay ka na din ng opinion.

Tinawag ng emcee ang lahat ng single ladies para sa tradition ng throwing of flowers. Nasa likod ni Zoey ang mga nahatak ng emcee dahil karamihan ayaw magsitayo. Isa na doon si Allison na nakasimangot dahil pinagsabihan ng KJ ni Cailee.

"Alam nyo naman ang ibig sabihin ng tradition na ito, di ba?" Tanong ng emcee.
"Who ever catches the flower will be the next bride. And sa kanya isusuot ang garter na tatanggalin ni groom mula kay bride. Ready?" Tanong ng emcee.

Si Allison, pasimpleng gumilid at hinayaan ang mga gustong makasalo ng flower sa gitna.

"One...two...three..." Hinagis ni Zoey patalikod ang bulaklak niya. Parang slow motion ito na lumipad sa ere at nagland sa kamay ni...Allison.

Nagulat si Allie sa pagkakabagsak ng bulaklak sa kamay niya dahilan para maibato niya ulit ito papunta kay Khal.

"Hoy, huwag kang madaya. Huwag mong ipasa sa akin." Sita ni Khal. Binalik ni Khal ang bulaklak kay Allie. Or rather, ipinilit ibalik ni Khal ang bulaklak hanggang walang nagawa si Allison kung hindi tanggapin.

At dahil magkakaibigan kami, alam na this. Alam na kung kanino mapupunta ang garter. Walang hagis-hagis. Pagkatanggal ni Rome ng garter, inabot niya lang kay Carlos. Hindi naman makatakbo si Carlos dahil may cast pa ang tuhod.

Pulang pula si Allison habang nilalagay ni Carlos ang garter sa hita niya. Dahil hindi makaluhod si Carlos kinailangan ni Allie na tumayo habang nilalagay ang garter.

"Higher...Higher..." Sigaw namin.
"Kapilyo ng ngiti." Khal commented to Carlos na nakangiti habang namumula si Allison.
"Higher...Higher..." Sigaw pa namin.

I like seeing Khal like this, care-free and happy.

"You're beautiful..." I murmer to her.
"Tumigil ka. Manood ka na lang." Pilit na itinago ni Khal ang pagblush niya.
"Dapat sinalo mo ang flowers." I told her. Para tayo na ang susunod na ikakasal.
She just chuckled and left me.

Bumalik kami sa Country Club after two days pa ng kasal. Back to work naman kami. Habang nasa office ako, pinapanood ko si Khal sa cctv habang nililibot si Prince. Meron siyang dalang tennis ball at tinuturuan niya si Prince na kuhanin ang bola. Instead na kuhanin ng aso ang bola, sumampa ito kay Khal at nagsimulang dilaan si Khaleesi.

"Hay buti pa ang aso." I whispered to myself.

Nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko sa downtown area. Sa isang café na merong mga table sa labas. Nakaupo kami doon, ako, si Carlos, Jon, Jack, Gab, Cailee at Khal. Nagkukwentuhan kami ng dumating si Tina.

"Hi King." Bati nito. Natigil ang kung ano man ang sasabihin ng mga kaibigan ko. Tumahimik ang buong table. Hindi ako kumibo.
"Can we talk?" Tanong nito.
"No." I replied.
Nakita kong kumunot ang noo ni Khal.
"Nakabalik ka na pala." Baling ni Tina kay Khaleesi.
Blangko ang mukha ni Khal ng tumingin siya kay Tina.
"Yung ibang damit mo nasa bahay pa, King." Sabi ni Tina.
Anong damit? Ano ang pinagsasabi nito?
"Desperate move for a desperate woman. How pity?!" Khal commented.

"I'm just stating a fact." Tina replied.
"Baka ibang lalaki ang tinutukoy mo hindi ang kapatid ko." Jack answered. "Let me guess, kay Hans ba yun? Or kay Anton? Ah baka kay Gilbert, nalito ka lang. Ang dami kasi, di ba?"

"Get lost. We don't want you here. Find your table somewhere else. You're an eyesore." Khal wave her hand like dismissing Tina.
"May araw ka din sa akin Khaleesi." Banta nito.
"I'll be waiting. I will wear Prada by that time." Sarcastic na sagot ni Khal.

Pinanood naming umalis si Tina na nagdadabog.

"Sorry..." I told my friends.
"Bigyan lang ako ng reason ni Tina na upakan ko siya... Hindi ako magdadalawang-isip na suntukin siya sa mukha." Jack commented.
"I heard for sale na ang bahay nila dito sa Country Club." Carlos informed us.
"Kaya pala." Sabay pa si Khal at Cailee na sumagot.
Nailing na lang ako.

KHALEESI: The One that got Away (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon