Chapter 24-Rose

12K 348 22
                                    

King

"Bigyan mo ng flowers... Gusto ng babae ang bulaklak." Rome commented. Nasa bahay nila kami at nilalaro ko ang kambal.
"Sino ang magbibigay ng flowers?" Tanong ni Zoey.
"Si lover boy. Ang sama ng tingin kay Tiago." Rome answered to Zoey.
"Nagseselos si King." He said to his wife.
"Nandito ako. Huwag niyo akong pag-usapan." I replied.
"The point is, magsimula ka ng manligaw." Rome said.
"Hinihngi ko ba ang opinion mo?" Flat na tanong ko kay Rome.
"Bahala ka. Maunahan ka. Ikaw nga hindi ka makalapit. Si Tiago, nakaakbay pa kanina." Rome replied.
"Gatungan mo pa Rome. Magaling ka talaga." Zoey commented.

Kinabukasan, papunta kami sa boutique ni Tita Kaye para magsukat ng damit para sa kasal nila Zoey. Kasama kong naglalakad si Rome sa downtown. Nadaanan namin ang nagtitinda ng flowers.

"Bili ka na..." Pamimilit ni Rome.
"Bilisan mo. Baka tayo na lang ang wala doon." Sagot ko, hindi ko pinansin si Rome.
"Bumili ka na." Pangungulit ni Rome.

Pagtingin ko sa bulaklak, hindi ko alam kung ano ang pipiliin. Ano ba ang dapat ibigay?

"Rose po." Sabi ko sa tindera.
"Anong kulay ang gusto mo?"
"White?" Hindi siguradong sagot ko.
"Ilan?" Tanong nito.
"Ilan?" Tanong ko kay Rome.
"Tatlo?" Hindi siguradong sagot ni Rome. Napakamot pa sa ulo.
"Tatlo daw po." Sagot ko sa tindera.

Binalot ni ate ang rose sa kulay pink na papel. Tama ba itong gagawin ko?

Pagkaabot ng rose sa akin, naglakad kami papunta sa area ng boutique ni Tita Kaye. Nakangiti pa ako habang tinitingnan ang bulaklak ng bigla akong pigilang maglakad ni Rome. Meron siyang tinuro sa daan.
Sinundan ko ang tinuturo niya. Si Tiago may dalang isang malaking boquet ng bulaklak. Inabot niya iyon kay Khal ng lumabas ito sa boutique ni Tita Kaye.

Ngumiti si Khal. Kinuhaang bulaklak at yumakap kay Tiago. Nawala ang ngiti ko.
Hinampas ko ang bulaklak na hawak ko sa dibdib ni Rome. "Ilagay mo sa poon nyo." Sabi ko, sabay talikod sa kanya.
"King..." Tawag nito. Hindi ko siya pinansin.
"Sabihin mo kay Tita Kaye, dadaan na lang ako mamaya."
"King. Sa poon ko ba ilalagay?" Natatawang tanong nito.
"Sa poon..." Sigaw ko sa kanya.
Hayop na Rome, tawa ng tawa.

Hanggang sa makita ako ni Rome ng hapon sa Club Zero, tumatawa pa rin siya. Kasama niya si Gab at si Carlos na nakasaklay.

"Nilagay ko sa poon, gaya ng bilin mo." Pang-aasar ni Rome.
"Ano yun?" Tanong ni Gab. Kumuha ng beer sa bucket at nagkanya kanya sila ng bukas.
"Yung bulaklak." Sagot ni Rome. Binato ko si Rome ng tansan. Bwisit.
"Linawin mo nga ang kwento mo." Sagot ni Carlos...
Mas lalong tumawa si Rome.
"Kasi...ganto yun.." Simula niya. Napabuntong hininga ako.
"Nadaan kami sa bilihan ng bulaklak kanina. Bumili ng bulaklak si King. Tatlong white rose."
"Kanino ibibigay?" Tanong ni Gab. Tumawa na naman si Rome.
"Bilisan mong magkwento. Tawa ka ng tawa." Sabi ni Carlos.
"Eh di nakangiti na si King. Papunta kami sa boutique ni Tita Kaye para magsukat kanina. Tapos, nakita namin si Tiago may dalang malaking bouquet. Binigay kay Khal. Ayun, nagselos si King. Ayaw ng ibigay ang bulaklak kay Khal. Ilagay ko daw sa poon."

Nagtawanan pati sila Gab at Carlos.

"Hinampas sa akin ang bulaklak. Awang-awa ako sa rose, pre." Dagdag ni Rome.
"Ang dami mong dagdag." I told Rome.
"Wala akong dinagdag. Tinanong pa ako ni Tita Kaye kung para kanino ang rose na dala ko. Hindi ko naman maibigay kay Khal, dahil nabali na pagkakahampas mo sa akin. Sabi ko para sa poon namin. Nilagay ko sa poon sa bahay. Akala ni mommy naghihimala ang poon namin. May bulaklak bigla sa altar."

Tawa ng tawa silang tatlo. Mabuti naman at masaya kayo, sa isip-isp ko.

"Bigyan mong aso si Khal." Carlos said after makabawi sa pagkakatawa.
"Ayan na naman. Anong aso? Baka kapag binigyan ng maliit ni King, bigyan ng malaki ni Tiago." Sabat ni Rome. Binato ko ulit ng tansan si Rome. Nasapol sa noo.
"Golden Retriever. Lagi niyang hinihiram ang aso ng body guard ko. Lagi niyang nilalaro." Carlos shrugged his shoulder. Tinaas nito ang bote ng beer.
"Welcome." He said to King.

"Matutulungan kita sa aso." Rome volunteered.

"Hindi na ako makikinig sayo." I replied to him.
"Promise... Pwede tayong magtanong kay mommy kung saan merong magandang mapapagkunan."
"May point si Rome." Natatawang pagsang-ayon ni Gab.
"May point din naman ako sa flowers..." Sagot ni Rome. Nagtawanan na naman silangtatlo.

Good old friends... My misery is their happiness.

---------------
A/N

Hehehehe...naimagine nyo ba ang nangyari sa rose?

KHALEESI: The One that got Away (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon